EXO's Daughter - Chapter 2

5.9K 176 2
                                    

~Suho~

Anu ba yan umulan pa ng malakas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Anu ba yan umulan pa ng malakas .. dapat kasi di nalang ako lumabas .. yan tuloy estranded ako dito sa may bus stop. Nagdilang anghel pa talaga si Chen. Aish.

Kailan kaya titigil 'tong ulan na 'to? Aish. Nilalamig na ko gusto ko ng umuwi ..

Napansin ko nalang na may isang batang babae ang nakaupo sa may dulo at nanginginig sa lamig. Nakita ko din na umiiyak sya, nakakaawa naman ang batang 'to.

"Bata, ok ka lang ba?" Lumapit ako sa kanya tapos BLAG! nawalan sya bigla ng malay. Buti nalang kamo at nasalo ko agad sya.

Napagdesisyonan kung iuwi nalang muna sya sa dorm namin.. Bahala na.

~Chanyeol~

"Ang tagal naman ni Suho! Umuulan pa naman!" Nag-aalalang sabi ni Lay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ang tagal naman ni Suho! Umuulan pa naman!" Nag-aalalang sabi ni Lay.

"kung bakit naman kasi naisipan pang lumabas, sinabi na nga ni Chen sa kanya na uulan, di pa rin nakinig" sabi ni Kris hyung habang naka-upo sa sofa at nanonood ng movie.

"eto na nga tatawagan na" sabi ko naman habang pinipindot pindot ang cellphone ko.

Si hyung talaga oh .. 'bat pa kaya nya naisip na lumabas pa .. Aish!

Bago ko pa man matawagan, biglang bumukas ang pinto. Si Suho hyung! Haay! nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang  andito na sya .. pero teka lang! Napansin namin na may karga syang isang bata.

Bata lang naman pala .. Wait? What? BATA?! 'bat sya nagdala ng bata dito sa dorm namin? Malalagot kami nito kay Manager hyung pagnalaman nya..

"hyung sinu yan?" tanong ko habang nakatingin sa karga nya.

"bat mo sya dinala dito sa dorm?" tanong ulit ni Xuimin hyung.

"anu nangyari sa kanya hyung?" Ang makulit na Beakhyun nanaman ang nagtanong. Ang Kyut >.<

"Kyungsoo maghanda ka ng basang towel at maligamgam na tubig" Utos nya at dumiretso sa kwarto ni hindi man lang pinansin ang mga tanong namin. Si HYung talaga oh!

Agad naman sumunod si Kyungsoo sa kanya at agad-agad na hinanda ang mga kinakailangan. Habang kami naman ay nakasunod lang sa kanya papuntang kwarto nila ni Lay hyung.

"Suho anu ba nangyari sa kanya?" Si Kris hyung ang naglakas loob para magtanong habang kami ay minamasdan lang syang inihiga ang bata sa higaan nya.

"Hindi ko din alam .. basta bigla nalang syang nawalan ng malay kanina doon sa bus stop habang sumisilong ako sa ulan" Ayun sumagot din sa wakas. Akala ko pa naman ay di na nakakapagsalita si hyung.

Lumapit si Lay hyung sa bata hinawakan yung noo.. Syempre sya yung doctor sa amin di ba? Ay Basta! Alam nyo na instinct kasi nga healing ang powers nya di ba?

"mataas ang lagnat nya, kailangan din natin palitan ang damit nya.." wika nya sa amin. 

"teka kukuha lang ako ng lumang t-shirt ko" sabi bigla Luhan hyung. Wow! isang himila yun ah. magpapahiram sya ng t-shirt sa amin kasi kahit pa ata mag world war 4 ay hinding-hindi magpapahiram ng damit yun.

pero ngayun .. nagiba ata ihip ng hangin .. 

Patuloy lang namin pinagmamasdan yung batang dala ni Suho hyung, actually crowded na nga masyado yung kwarto eh. Isipin nyo naman sampu kaming nagsisiksikan dito.

Ilang sandali pa ay halos magkasabay lang na dumating si Kyungsoo at Luhan hyung dala dala yung mga kinakailangan ni Lay hyung.

Ngayon ko lang napansin ang cute pala ng batang ito. Parang anghel na natutulog lang. Ang cute masyado, nakakagigil. Napangiti naman ako ng makita ang ibang members na natutuwa rin sa batang dala ni Suho hyung. Nang hubaran na sya ng damit ni Lay hyung ay ganun nalang ang pagkabigla namin, as in lahat kami, halos lahat kami ay nanlaki ang mga mata ng makita namin ang katawan ng batang ito..

Sh*t di ako makapaniwala sa nakita ko! Sorry kung nakapagmura ako ng di oras. pero kung makikita nyo rin ang nakita namin ay sigurado akong mapapamura din kayo.

Ngayon ko lang narealize na may mga tao pa palang mas masahol pa sa hayop at nakayang gawin yun sa isang musmus na batang katulad nya! 

EXO's Little PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon