Chapter 13

0 0 0
                                    


CHAPTER 13

Dinner Party

"I really don't know that dress. Backless? Eh?" Saad ni Mav habang nakatingin sa daan.

Nasa kalagitnaan na kami ng daan patungo sa bahay ng kaibigan niya. Kanina-nina lang ay ang tahimik namin pero nagsalita na naman siya tungkol sa suot kong backless dress.

Hindi pa siya tapos magsalita about backless dress. Kung hindi ko lang talaga siya nakasama ng isang linggo ay iisipin kong bakla siya. Gusto niya yata 'tong dress na 'to eh. He don't need to ask me about this if he want to wear this backless dress. Kaya kong ibigay, jusko.

"Seriously? Do you want this? Come on, tell me." Saad ko habang inaayos ang suot ko.

"Nah, i'm just asking you. May problema ba don?"

Umingos ako at tumingin sa side mirror, "Bakit kasi hindi ka maka-get over dito sa backless dress na 'to?"

Napatingin ako sa wrist watch ko at alas-syete na pala ng gabi. Umalis kami ng bahay ay alas-sais. Malayo-layo kaya ang bahay ng kaibigan niya at bukas pa kami makakauwi? Nagdala pa kasi kami ng damit, pang isang araw lang. Medyo traffic pa naman ngayon.

"Na-curious lang naman ako."

"Bakit? Bibili ka ba?" Saad ko habang nakatutok na ang paningin sa labas.

Hindi ko alam kung wala na ba kami sa valenzuela dahil medyo matagal kaming nasa sasakyan.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung anong okasyon at nagkaron ng dinner party ang kaibigan niya at sinama pa talaga kami. May mga babae kaya doon? Nakakailang kasi kapag puro lalaki ang nasa paligid ko.

"Why would i? Pero kung gusto mo, i'll buy and wear a backless dress for you." Aniya.

Napatingin ako sakanya na may naglalakihang mga mata, "Talaga?" Kahit wala sa isip ko kanina na pagsuotin siya ng backless dress ay nagpresinta naman siya.

Tumango ito at iniliko ang manibela, "Yeah."

Napalapit ako ng kaunti sakanya at dinungaw ang mukha niya. Ang seryoso nito at wala ang mapaglarong mga ngisi.

"Baka ayaw mo.." Mahina kong sabi.

"Ako na nga ang nag-presinta eh. Sineryoso ko lang ang mukha ko para maniwala kang hindi ako nagbibiro. Ano, Misis?"

Napaayos ako ng upo at ngumiti habang nakatingin sakanya, "Sabi mo eh but you will wear that dress if i want to."

"Ofcourse."

"Buy already a backless dress. Hindi ko alam kung kailan ako nasa mood na pasuotin ka nang dress na yon. Okay?"

"Yes, Misis." Aniya at bumaba na ng sasakyan.

Pinagbuksan ako nito kaya bumaba na ako. Inilibot ko ang paningin ko at napagtantong village pala ang pinasukan namin. Hindi ko namalayang pumasok pala kami sa isang village at hindi naman ako sinabihan ni Mav.

"Bahay na 'to ng kaibigan mo, Mister?"

Hinapit ako nito papalapit sakanya at binigay ang susi sa guard ng may-ari ng bahay. Syet. May guard pa sila dito? Secure na secure, girl.

"Magandang gabi, Sir.. Maam." Nginitian ko ito at binati din.

"Nandyan na silang lahat, Manong?" Tanong ni Mav.

Umiling ang guard at nginitian kami, "Wala pa yung iba, Sir. Hinihintay na kayo sa loob, aayusin ko lang itong sasakyan niyo."

"Sige ho." Naglakad kami patungo sa gate at niluwagan ang pagkakabukas.

Strangers Got MarriedWhere stories live. Discover now