Chapter 11

2 0 0
                                    


CHAPTER 11

Bad day or nah?

Nakapameywang akong nag-antay sa labas ng bahay--- sa garahe--- para kay Mav.

Napakatagal nga naman pala talaga ng lalaking yon, ang usapan namin ay bago mag alas-sais ng umaga. Takte, alas-sais na, late ba ang orasan na meron siya?

Akala ko yung mga babae lang ang matagal gumalaw, pati na rin pala ang lalaki. Tsk.

Kung sinabi niyang saktong alas-sais, eh di hindi ako magrereklamo dito. Inagahan ko pa namang gumising para dito.

Hindi pa nga kami nagsisimula sa pag-jogging ay pawis na 'ko, pawis dahil sa inis.

Dahil may balcony naman siya at gising na din ang mga tao sa loob ng bahay ay lumabas ako ng gate.

"Mister Prantiz! Ano bang ginagawa mo dyan?!"

Lumabas ito sa balcony at kakamot-kamot ng ulong tumingin sakin dito sa baba.

"Misis, saglit lang.. may hinahanap pa kasi ako."

Kumunot ang noo ko, "Ano ba yon?! Bilisan mo dyan!"

"Nawawala yung sintas ng sapatos ko!"

"Malapit na din akong mawalan ng pasensya!"

Hindi ito sumagot at naglakad na papasok ng kwarto niya.

Ang dami-dami niyang sapatos sa kwarto niya ah? Nawawala na nga yung sintas ng isa eh hindi pa din namili ng iba? Aba! Loyal?

"Yulimiara!"

Napalingon ako sa taong tumawag sakin na medyo malayo sakin ang pagitan. Hindi ko maaninag ang mukha niya at tanging ang suot niya lang ang alam ko.

Lumabas ito sa bahay nila at napag-alamang si Rayst yon.

"Saan kayo pupunta?"

"Jogging lang."

Tumango-tango ito at napatingin sa loob ng bahay nina Mav.

"Nandyan ba si Lola B?"

Napataas ang kilay kong tumingin sa mukha niya.

Baka si Lola V? O baka lumayas si Lola B at pumunta sa bahay nina Lola V?

"Bakit?"

Napaharap ito sakin at umayos ng tayo. Napatingin ako sakanya mula ulo hanggang paa at nang makitang panlalaki ang suot nito ay nagtanong ulit ako.

"Bakit panlalaki ang suot m---"

Naiwan sa ere ang mga sasabihin ko nang biglang may umeksenang lalaki.

"Who are you?" Dahil na din yata sa inis ay natatarayan ko na itong mga 'to.

"A-Ah, Yulimiara.." Napatingin ako kay Rayst at tumingin ulit sa lalaking katabi niya.

Anong itsura nila? Mukha silang sumabak sa gera.

Nang mawala ng hingal ng lalaking katabi niya ay nagsalita ito, "Damn it! Where are you going?! You will leave me again?!" Pinaharap niya si Rayst sakanya at niyakap.

Tangina naman, bakit ba ako palagi ang nakakakita ng mga yakap-yakap eksena ng mga babaeng nasa paligid ko kasama ang mga mahal nila? Nakakairita lalo na at maiksi lang ang pasensya ko.

Wala sa plano ko ang manood ngayon, gosh!

"R-Raspher.."

"Where the heck are you going?!" Mas lalong kumunot ang noo ko.

Kung makasigaw naman 'tong Raspher na 'to.. kagaya ko. Tss.

"Manahimik ka nga!"

"Paano ako mananahimik kung iiwan mo 'ko?!"

Strangers Got MarriedWhere stories live. Discover now