N/A :Para po sa Translation ng Previous Chapter mga tol...
Xie Xie means Thank You in Chinese Language po. Pronounce as "Sh'eh"....ang "Fúmùyuwán, táocān" means "Waiter, menu"...
💙💙💙💙💙💙
Continuation...
"Sige ,sige. Anong oras ba makakarating yung bus na susundo?" tanong ko kay Myles.
"Around 11am ,dadaan muna sila kila Hannah tsaka na dadaan dyan," Sagot naman nya.
Binaba ko na ang tawag pagkatapos kong mamaalam. Nandito ako ngayon sa balkonahe at kasalukuyang nagkakape nang magring ang phone ko. Imbitasyon—ay mali, suggested part time job mula kay Myles. Tutula lang naman ako as usual...makikisama sa event at magi-entertain ng mga guests.
Maaliwalas ang panahon at mahangin, perfect place para sa utak na nagugulumihanan. Hanggang ngayon hindi pa din maalis sakin ang nangyari kagabi. Nakakakaba sa feeling at nakakapagtaka.
Yung pakiramdam na naghahanap ka ng sagot pero wala kang mahanap. Yung akala mong...
Flashback~
"Pwede ba akong manligaw sayo?"
Pagbanggit ng labi nya ang nakapagpatigil ng kabog sa puso ko. Nasasapian ata ako.
Nakatuon lang ang atensyon nya sakin habang ako...sana lahat kayang humakbang.
Pati ata paggalaw ko, hindi ko na makokontrol. Wala akong masabi. Wala akong marinig. Wala akong maramdaman. NASASAPIAN NGA AKO!!
And my senses back again when I finally heard him laughing. Tawang di nakakatuwa sa makakarinig but I remain steady, eh sa wala akong masabi!
Kung magalit kaya ako? Eh pano naman kung magtaka sya? Bakit ako magagalit? Dahil tumawa sya? OA...
"Yung...y-yung...hitsura mo hahahhaa...damn hahahah...Ciella putek hshahh s-sandali....." tawa lang sya ng tawa habang nakahawak pa sa tyan.Hindi ko na kaya pang humarap sa kanya , alam kong mapapahiya na naman ako lalo na kung di ako makapagtimpi. Tinalikuran ko na sya.
"Sandali! Ciella!"
Lakad lang ako ng lakad pero kahit nakatalikod ako ramdam ko pa din ang yapak nyang naghahabol sakin. Binilisan ko pa ang paglalakad hanggang sa maabot ko na ang entrance ng apartment.
Hinigit nya ang kamay ko paharap sa kanya."Sorry,I didn't mean..it's just..I mean I didn't want to offend you,"
Finding answers...
Authenticating...
Failed to find. *eng eng eng*
"Magpapatulong lang sana ako kung...k-kung papa'no manligaw" Napabitaw na ang kamay nya at sunod namang hinimas ang batok. Kasabay ng pag iwas sakin ng tingin at pagkahiyang magpabor.
BINABASA MO ANG
Without You ( JS#2 )
Teen FictionJuanico Series #2 LECIELLA SULLIVAN, ang babaeng maagang namulat sa inaakala nyang mundo ng kasawian dahil sa masamang pinagdaanan. She thought living is another term for dying but one day, it was change by herself. She remain alive and realize eve...
