Fenix

131K 2.9K 486
                                    

I want to share the special chapter na nasa book. 

Sorry kung minsan may inaalis akong chapter. Like minsan sa book na ako naglalagay ng epilogue and naglalagay ng special chapters. I just need to find way po minsan para magka-interest yung readers na bumili ng books para di naman lugi ang publisher at hindi rin madala na i-publish ulit ang story ko. I have readers na willing pa rin bumili ng books even nabasa na nila but not all. Hindi rin po kasi ganoon kalaki yung readers ko; I mean yung susuportahan talaga ang mga published books even nabasa na nila unlike sa ibang authors na madami talaga. Kaya ayon, gumagawa rin ng marketing strategy. Char! Haha! Sana wag niyong ikagalit 'yon. Pero kahit naman walang epilogue it can be considered naman na end ang story. Hindi na naman siya bitin.

---FENIX---

"WHOA!" Fenix commanded his horse to slow down nang matanaw niya ang isang matikas na kabayo. Agad niyang nakilala ang kabayo. Nag-iisang kabayo lang mayroon sa asyendang ito kaya imposibleng magkamali siya. It was a chestnut stallion with a wavy, light mane and tail. This attractive combination is known as flaxen and is highly prized among some breeds, si Phoenix, Ang kabayo ng unica hija ng kanyang Uncle Charles.

Pinahinto niya ang kanyang itim na itim na kabayo nang makalapit siya kung saan nakatali si Phoenix. Bumaba siya sa kanyang kabayo at nilapitan ang naturang kabayo na nangangain ng damo. Hinaplos niya ang makintab nitong balahibo. Ang madalas na maglabas nito ay ang ranch help pero para pakainin lang at patakbuhin sa field, pero nunka nitong dinala sa kasukalan ang mga kabayo, lalo dito sa lugar na ito— ang kanyang teritoryo.

Tinungo ni Fenix ang malaking puno ng Mahogany at umupo sa ilalim niyon at isinandal ang likod saka lumanghap ng sariwang hangin. That put a little smile on his face. The mahogany-brown forest was a woody heaven. The woods were always quiet and peaceful; all that could be heard was the chirping of birds, the rustling of the leaves in the gusty wind and the splash of water from stream,  deluges over waterfalls. He lifted his gaze and fascinated by the fluttering leaves that's dancing in the high branches, making a living roof above him. He could see small patches of the clear blue sky peering in through trees. Few rays of  sunlight tried to infiltrate through thick leaves.

He took a deep breath as he closed his eyes. The tranquil atmosphere in the forest and the wind that carries the fragrance of the greenwood relaxed his mind. This place has been his rock and foundation of his life ever since he lost his mother; ever since the secret about his real identity revealed.

Fenix loves spending his valuable time to train and taking care of horses ever since. Some people were thinking that he was born with a passion for horses. Maging siya man ay ganoon ang naisip; na ipinanganak siya para sa asyendang ito. Iyon ang madalas sabihin sa kanya ng kanyang Uncle Charles. Siya ang papalit dito para pamunuon ang buong hacienda at willing siyang gawin iyon. Naisip niya noon na natural na siguro ang interes niya sa asyenda dahil isa siyang Costa, nasa dugo na nila ang pagkahilig sa pag-aalalaga sa mga hayop, ang pagmamahal sa asyendang pag-aari ng pamilya until the truth revealed.

Buong akala niya dugong Costa ang nananalatay sa mga ugat niya kaya ganito na lang ang interes niya sa hacienda at sa mga kabayo katulad ng kanyang Uncle Charles, pero nagkamali siya. He had just discovered that his adored mother, who is now dead, had an affair with Atty. Alfred Guevarra. Ang inakala niyang tunay niyang ama ay kapatid pala niya at ang nakagisnan niyang lolo ay ang siyang tunay niyang ama.

Hindi siya Costa, kahit kaunting dugo ng Costa ay wala siya at wala siyang karapatang pamahalaan ang haciendang kanyang minahal. Pero hanggang ngayon ay hindi niya kayang sabihin sa kanyang Uncle Charles, ang itinuring niyang pangalawang ama, ang tunay niyang pagkatao. Ayaw niyang masaktan ito, ayaw niyang pati ito ay mag-iba ang turing sa kanya katulad ng kanyang Lola Deanna. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit siya sobrang nasasaktan hanggang ngayon kahit matagal na niyang natuklasan ang totoo. Nag-iba ang pakikitungo sa kanya ng kanyang lola mula ng malaman nito ang katotohanan.

Fatal Attraction 1: Down And Dirty  (Published Under Red Room)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon