Chapter 20

291K 6.9K 850
                                    

I dedicate this chapter to alexandriaelloisa and Hazel Grace Manaytay! Happy Birthday, Ms. Hazel Grace!  

--

LUNCH TIME  nang  umalis  si Lyca  para makipagkita kay Tyler sa isang restaurant. Pagdating niya sa naturang resto na napag-usapan nila ni Tyler ay naroroon na ang binata. Dinala niya si Fudgee. Siguro dapat ay isuli na rin niya ito. Iniwan niya ang pusa  sa sasakyan kasama ng driver at bodyguards.

Kasama rin niya ang mga bodyguards. Gusto niya sanang umalis mag-isa kaso ayaw siyang payagan.

"Paanong nangyaring ikinasal kayo? Ano ba ang totoong nangyari?" Tanong ni Tyler habang magkaharap silang nakaupo sa lamesa.

"May nangyari kasi sa amin. Tanda mo noong inutusan ako ni Princess na kuhanan si Alford ng nude. May nangyari sa amin nang gabing 'yon at pinilit ako ni mommy na ipakasal kay Alford."

"Damn! Dapat talaga inihatid na kita nang gabing 'yon, eh."

"I'm so sorry, Tyler."

"Lyca, pwede ka namang makipaghiwalay kung gusto mo." Ginagap ni Tyler ang dalawang kamay ni Lyca na nasa ibabaw ng mesa.

"One of the grounds for annulment of marriage is vitiation of consent which includes obtaining consent by force, intimidation or undue influence. They forced you to consent to the marriage kaya hindi mahirap ipawalang bisa ang kasal niyo."

"I know." Marahang hinila ni Lyca ang kamay at ipinatong iyon sa ibaba ng kamay ni Tyler.

"But I want to stay as his wife." Ang punong-punong pag-asang mukha ni Tyler ay biglang kawalan ng pag-asa ang bumalatay sa mukha nito.

"But I thought you don't love him."

"Yeah. But as we got to know each other, I can't help but be interested in every little detail about him. My admiration was increased by his kindness towards needy people. He was so romantic and he made me feel really special. I could spend hours and hours chatting with him or cuddling up together watching movies all day without  getting   bored." Lyca sighed, didn't aware how her eyes glowing as she spoke.

"You are in love with him." Tyler's voice pulled her out in her dreamy state.

"Ha?" Mapait na ngumiti si Tyler.

"It's obvious, you are in love with him already." She's in love with Alford? In love na nga ba talaga siya? Malalim na huminga si Tyler at muli siyang tinitigan sa mata.

"It's over. He'd already won your heart. Pero ang daya mo naman, eh. You were making me fall in love with you, Lyca. Naging sweet ka, lagi mo akong pinupuri. You fascinated me and you make me feel like I'm a perfect man, someone worth loving." Pinisil niya ang kamay ni Tyler.

"You are. You are perfect and worth loving, Tyler. I'm so sorry! Kasalanan ko." Hinila nito ang sariling kamay na hawak ni Lyca at isinandal ang likod sa sandalan.

Malungkot itong tumitig sa kanya. Seeing him in that state of dejection, rejected and hurt is breaking her heart. Tyler is such a good man and he doesn't deserve to be hurt. Nasaktan na ito nang iwan ito ng girlfriend nito at ngayon ito na naman, nasasaktan na naman niya.

Pagkatapos mag-usap ay nagpaalam na si Lyca kay Tyler. Inihatid siya nito sa labas ng restaurant kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan. Ayaw rin ni Tyler na ibalik niya si Fudgee. 

"These past few weeks with you I've been truly happy. How could I forget the time we've spent together?" His voice was very week.

"Tyler! Huwag namang ganyan. Makokosensiya ako nito, eh." Malungkot itong ngumiti.

Fatal Attraction 1: Down And Dirty  (Published Under Red Room)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon