Chapter 4

426K 7.3K 780
                                    

Hello, Kris Oliveros Sanford! Thank you for the support. Hope to see you again. Love lots!😘

BINUKSAN ni Lyca ang kahon na nakapatong sa kama na naglalaman ng underwear. A dozen pair of different color of underwear. In fairness sa lalaking 'yon, may taste. Ang gaganda ng panties and bras. Jean Yu is one of the most expensive lingerie brands. Kinuha niya ang card na kasama roon at binuklat.

I like the red one. I couldn't wait to see you wearing that in our honeymoon.

Kinuha niya ang kulay pulang pares. Namilog ang mata niya nang makitang isa iyong thong. Malapad pa ang palad niya sa crotch ng thong, at dahil gawa iyon sa lace ay siguradong aninag ang perlas ng silangan niya kapag isinuot niya iyon. Ang pares na bra ay lace rin at halos gitna lang yata ng dibdib ang matatakpan niyon. Hinila niya ang pagkakadikit ng tela sa pinakagitna ng cup ng bra at muli na namang nanglaki ang kanyang mata nang may bintana ang cup at tiyak na lilitaw ang nipples doon.

"Eerrr!" Binitawan niya ang mga iyon.

"Ang manyak talaga ng lalaking 'yon!"

Never niyang isusuot 'yan at hinding-hindi siya papayag na makasal sa lalaking 'yon. Over her dead body. Kahit kailan talaga pahamak ang lalaking 'yon sa buhay niya. Hindi na nga siya natuloy sa bakasyon dahil sa lalaking iyon tapos ito na naman. Regalo sa kanya ng Tita Tanya niya ay Asia cruise tour, pero ang kundisyon ay sasamahan siya ng pinsang si Tres pero ipinasama ni Tres ang obligasyon sa kaibigan nitong si Alford dahil may kinahuhumalingang ibang babae raw ang pinsan at hindi maiwan-iwan. Iyon ang tsismis sa kanya ni Alford. Ayaw naman niyang makasama ang gurang na 'yon kaya hindi na lang.

Kinuha niya si Cookie, ang kanyang alagang pusang tahimik sa kanyang tabi at kinandong iyon. Persian breed ang ng kanyang pusa na may makapal at puting-puting balahibo. Hinaplos naman niya si Oreo, ang isa pa niyang pusang natutulog din sa tabi niya. Sphynx naman ang breed nito. Kung ang Persian ay may makapal na balahibo ang Sphynx naman ay walang balbon.

Naibaling niya ang tingin sa pinto nang bumukas iyon pagkatapos ng mahinang warning knock. Ang kanyang mommy.

"Can we talk?" She nodded. She pouted her lips, trying to play the guilt card. Baka maawa sa kanya ang mommy niya. Pumasok ito at umupo sa kanyang harapan. Tipid itong ngumiti at hinaplos ang pisngi niya.

"Galit ka ba kay mommy?"

"No. Pero, mi, hindi pa ako handang mag-asawa. Ang dami ko pang pangarap sa buhay. I'm too young. I'm only twenty and Alford are turning thirty for God's sake!"

"Then why you slept with him?"

"I was drunk. Hindi namin sinasadya."

"So, every time na malalasing ka possible na gawin mo ang gan'on?" mariin siyang napapikit.

"Mi, hindi na po mauulit 'yon, I promise!"

"You've already lost your virginity to Alford, Lyca. Kaya dapat lang na siya ang makatuluyan mo. Virginity as equal to purity, and how can men respect you kung ibinigay mo ang sarili mo sa lalaking hindi mo naman pala mahal?"

"Mi, purity isn't all about sex. Purification is not determined by whether or not a woman's hymen is intact. Virginity is physical; purity is spiritual. Hindi na rin isyu ang bagay na 'yan sa panahon ngayon. Marami nga diyan nagsi-swinging pa, or even orgy."

"Jesus Christ, Lyca! Ano'ng klaseng pananaw mayroon kang bata ka! Hindi kita pinalaking ganyan. Saan ako nagkulang ng paalala sa 'yo na dapat ay pahalagahan mo ang sarili mo kahit gaano na ka-liberated ang mundo ngayon!" Bigla siyang tinumbol ng kaba nang makita ang stress sa anyo ng ina.

"I would understand if you lost your virginity to a guy you are in love with. Pero hindi, eh, ibinigay mo ang sarili mo dahil lasing ka at dahil diyan sa baluktot mong pananaw, and that scares me. Paano kung ulitin mo 'yan? What will your future husband say?" Lyca rolled her eyes.

Fatal Attraction 1: Down And Dirty  (Published Under Red Room)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon