Elite Emerald

45 4 0
                                    

Cyllene POV

"Coming in second is...Elite Emerald!"

"Sorry, guys," ilang beses na atang sinabi ni Eris 'yan.

Nasa unang round kami ng Move to the Groove Dance Competition. We came in second place dahil na rin sa konting error sa routine kanina but it doesn't matter. May second at third round pa na paparating at dapat kaming magfocus do'n.

I tapped Eris' back. "It's okay. May second at third round pa. Cheer up!"

Kahit nasa backstage na kami, rinig na rinig ko pa rin ang lakas ng hiyawan ng mga taong nanunuod. Isang malaking contest 'to na dinayo pa namin dito sa Pasig. This is another out of school competition na sinalihan namin and we know, mapagsasabihan na naman kami ni Dean kapag nalaman niya 'to. But we know rin na wala kaming pagsisisihan lalo na kung magagawa na naming manalo this time. Last year, we did not finish strong dahil na rin sa errors. Ni hindi namin naranasan na makatungtong sa final round ng Move to the Groove.

"Make sure to prepare your strongest dancers because Round 2 will begin in few minutes!" ani ng babaeng announcer na ngayon ay sa monitor na nasa waiting area ko nalang napapanuod. Marami pa silang pinag-usapan ng lalaking host na kasama niya pero hindi ko na sila nagawang pakinggan nang lapitan ako ng coach namin.

Samot-saring paalala ang sinabi niya sa akin. Pasimple akong sumenyas sa isa sa mga kasamahan ko sa grupo na iabot ang towel ko para makapagpunas ako ng pawis bago sumabak sa Round 2. Freestyle dancing ang magaganap sa sunod na round, while the third one's another group performance pero ang top 5 nalang ang sasayaw out of 20 contestants.

"This is Move to the Groove Round 2!"

Nang marinig ko ang anunsyo, I prepared myself para sa sayaw mamaya. Pang-walo pa ako sa magpeperform pero ramdam ko na ang bilis ng tibok ng puso ko. Pinanuod ko ang mga unang sasayaw and I can't help but be amazed sa kung paanong sobrang on point ng mga steps na ginagawa nila.

"Kaya mo 'yan, Cy!" pagchicheer sa akin ni Eris saka ako inakbayan. Nasa pangatlong performer na kami.

Dahil freestyling ang kasalukuyang round, on the spot na ibibigay ang kanta. Ipapakita lang sa malaking screen na naroon sa stage ang kantang sasayawan and from there, you have to make a routine na ayon sa beat or sa melody ng kantang iyon. This is challenging...well, for me.

I've been dancing since I was 4. This is my way of expressing myself. Elite Emerald became my family mula pa noong grade 7 pa lamang ako. It wasn't easy, maraming kailangang pagdaanang audition at kung ano-anong trainings. I remember the first time they let me perform in one of their competitions, I was grade 8 back then. Sa sobrang kaba, I forgot a certain step and from there, we messed up. We lost. Akala ko nga tatanggalin na ako ni ma'am Javarez at coach Layco sa grupo but to my surprised, they didn't. They let me grow, improved my skills and hone my talent inside Elite Emerald. Grade 12 na ako ngayon and I am still a member of this family.

"Cyllene, sunod ka na," ani coach.

Pumakawala ako ng isang buntong-hininga bago ko nginitian ang mga taong nasa harap ko. Ang mga taong sumuporta sa akin sa isang bagay na sobrang malapit sa puso ko.

Wearing my cut out crop top embroidered with emerald design and my black fierce pants, pumunta na ako sa area kung saan nakapwesto ang mga sunod na magpeperform.

"Let's call on stage our next performer...Elite Emerald!"

I fixed my fingerless gloves one last time saka nakangiti at lakad-takbong pumunta sa gitna ng stage. Ang sobrang lakas na hiyawan ng mga tao ang kahit papaano ay nagbigay ng lakas ng loob sa akin.

Heart BeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon