Chapter 5

25 2 0
                                    

Chapter 5

Stockroom



I made a mistake.

Bakit ko pa kasi naisipang sumang-ayon sa kanya. At first interacting with him was super awkward but as we work together medyo umayos naman na konti.

Yun nga lang yung inis ko kanina mas lalo atang nadadagdagan ngayon. Kasalukuyan kaming nag-aayos ng pwesto ng mga naka-pasong bulaklak na binuhat namin kanina.

At first, I thought he could be a big help finishing what I've started in gardening, yun pala it'll be just a stupid idea.

"Don't put it on that part, it'll recieve too much sun. It is fatal to the plant. Move that to the right side under the shade of that tall plant." utos ko sa kanya sabay turo sa halaman na may mga mayayabong na dahon.

Tumalima naman si Apollo ngunit tumingin muna sa akin. Yan na naman tayo sa mga tinginan niya. Kanina pa kasi ito kontra ng kontra sa mga inuutos ko sa kanya.

Actually tapos na sana namin kaso talagang pinagpala ako ngayong araw ng isang napakakulit at mapang-asar na nilalalang sa katauhan ni Apollo.

Ako na sana ang gagawa lahat kung maaari lang kaso, masyadong mabibigat at mga halamang naka-paso ng malalaki kaya mahihirapan pa din ako.

Tutal meron naman na si Apollo and his one time reward, why not abusuhin diba? Ginusto niya, bahala siya.

Kaya lang kanina pa ako naiinis sa mga banat niyang mga tanong ah. Napansin ko kasing kapag may inuutos ako sa kanya ay titingin siya muna sa akin bago magtatanong. Okay sana kung tanong lang eh, kaso kanina pa niya ako sinusuway.

"What? Just obey what I said and we will be finish in no time. Don't ask anymore question please." pakisusap ko sa kanya sabay lakad palapit sa halamang tinutukoy ko. Tumayo ako sa lilim nito and I am right, it is a perfect spot for the plant.

"You know what, I am curious about something." sabi nito pagkalapag nito sa binuhat na halaman sa tabi ko. I adjusted the angle of the plant so that it's flowers are facing the front.

"Don't be." pabalang na sagot ko sa kanya. That's the last plant na kailangan naming iaayos, the only remaining work to be done is magdilig.

"I can just ask Nanay Mathilda about it but I want it to come from you." sabi nito habang sinusundan ako.

Hinila ko yung hose na dating ginagamit ni Kuya Emman sa pagdidilig, siya ang aming hardinero na sana'y gagawa ng  ginagawa ko ngayon. Hila-hila ko ito at tinuwid kung aabot ba ito sa mga bagong halaman.

The hose was a little bit short at abot lang nito ang mga dating halaman ni Nanay, Apollo is just watching me and following me the whole time na ginagawa ko ito.

His question this time got me curious kaya naman binitawan ko muna ang hose at humarap sa kanya.

"What is it?" tanong ko sa kanya sabay cross arms, I am not in the mood to his crazy questions pero sige na, pagbigyan.
Ayoko talagang humarap sa kanya kanina pa kasi naman his naked body is distracting me. With his sweat dripping from his toned muscle body, extra rice is calling me.

"How old are you?" deretsang tanong nito. Seconds had passed to process what he said. Ano daw?

"How does my age concerns you?" tanong ko din sa kanya.

"Apparently you are bossing me around when I only know your name. Don't you think it's unfair?" dagdag pa nito. He look at me with intimidating eyes, gaad marupok ako sa mga ganyanang tingin.

"It's not my idea to help me. You're the one who presents yourself here by of course with Nanay Mathilda's incentive. Oh well, I'm 17. Is that all?" Pinulot kong muli ang binitawang garden hose at muling tumingin sa kanya.

"I think that's all." sabi nito bago ito naglakad palayo sa akin. Sakto namang dumaaan si  Mang Emman na may buha-buhat na kahon.

"Mang Emman!" tawag kong pansin sa kanya. Lumapit ako konti sa kanya para makausap ko siya ng maayos. Pansin ko namang nag-huhugas ng kamay si Apollo sa may faucet malapit sa amin.

"Naku Crystal anjan ka pala, tapos ka na ba sa hardin?" pansin nito sa akin bago sumilip sa aming hardin.

"Yun nga po sana, may gusto po akong itanong sa inyo. Mag-didilig na lang po sana ako kaso napansin kong hindi maabot nung dating hose na ginagamit sa pagdidilig yung mga bagong halaman. Meron po bang maidudugtong doon?" binaba muna ni Mang Emman ang buhat-buhat na kahon bago ito sumagot sa akin.

Pansin kong delivery ito ng mga prutas na palaging inoorder ni Nanay sa kakilala niya.

"Ay oo meron, nasa likod bahay sa may stockroom." sabi nito. "Luma na yung ginagamit kong hose kaya nagpabili ng bago ang Nanay mo noon, kaso nakakalimutan kong palitan ang nasa hardin pagkat pwede pa namang gamitin. Hala at sige kukunin ko para sayo." dagdag pa nito. Bago pa man makahakbang si Mang Emman ay pinigilan ko na ito.

"Ako na lang po ang kukuha, magpapatulong na lang po ako." Looking at Mang Emman reminds me my father who work hard for the family. Kaya naman I really cherish him like how I cherish Nanay Mathilda too.

"Baka di mo kakayanin yun Crystal." di kombinsidong pahayag pa nito.

"Okay lang po, magpapatulong naman po ako." kumbinse ko sa kanya. Tumingin ako kay Apollo na abala pa din sa pag-huhugas ng kanyang nadumihan na kamay. Wag mo nang linisin yan kasi madudumihan din lang ulit, I thought.

"Aba kanino?" tanong ni Mang Emman, mukhang di pa din niya napapapansin si Apollo. Tinuro ko siya para mapansin na ni Mang Emman.

"Bisita po ni Nanay Mathilda, kagabi lang po sila dumating kaya ngayon mo lang po makikita." bigay impormasyon ko sa kanya. Tumango si Mang Emman bilang sang-ayon.

"Oh siya, maiwan ko na kayo at ihahatid ko pa ito sa bahay niyo." sabay turo sa nakakahong prutas.

Mahilig ako sa prutas kaya naman linggo-linggo ay may hinahatid na prutas dito sa bahay. Tumango na lang din ako kay Mang Emman bago ito umalis.

Sakto namang tapos nang maghugas ng kamay si Apollo kaya naman ay lumapit ako sa kanya.

"Do you still want your reward?" agaw pansing tanong ko kay Apollo. He look at me first bago nito pinagpatuloy ang pagpupunas ng kamay.

"Do you think I would have done this work for nothing?" masungit na sagot nito sa akin. Sumimangot ako dahil doon. Imbyerna siya ah.

"Well, the work is not over yet. We still have one more thing to do." malditang sabi ko sa kanya. He just rolled his eyes at me bago nagsalita.

"What more?" sukong tanong nito.

"Get the new garden hose in the stockroom. After that your work is done." bribe ko sa kanya. Tumingin muna ito sa akin ng masama bago naglakad paalis.

Aba attitude tong froglet na to, eh kung tusukin ko kaya mata mo, isip-isip ko. Sumunod naman ako sa kanyang likuran papuntang stockroom, sumasabay sa hanging nalalanghap ko ang kanyang pabango kaya namang ay mas lumapit pa ako sa kanya para lalong maamoy ito.

I know, weird but I like the mixture of his wood and chocolate scent. I am busy sniffing the air when suddenly he stops walking. Nauntog tuloy ako sa kanyang likuran.

"What are you doing?" liningon niya ako. I was like, how to make palusot in three seconds?

"I was just smelling the fresh air, you know the mixture of the cool breeze and the salty warmth scent from the ocean. Hehe." palusot ko. Tumingin lang ito sa akin ng weirdo bago nagpatuloy sa paglalakad.

Maglalakad na din sana ako ng bigla na naman itong huminto, tuloy nauntog na naman ako. Ano na naman ba?

I am ready to yell him out ng magsalita ito with another question.

But this time, this is different. It's a shocking one.

"Saang banda ang stockroom?" he asked.

---
🐼

Crystal Snow (ELYU SERIES #1)Where stories live. Discover now