Chapter 24: Went Back

673 48 34
                                    

Dala-dala ni Elliot ang cake habang pababa sila para ipakain sa mga kasamahan nila pero pagbukas pa lang ni Felis ay nakangiting binati siya ng mga ito kaya napangiti siya.

"Happy birthday, Felis!" sabay na bati ng tatlo, pati na rin ni AIOE 25, kay Felis habang may dala-dala silang mga beakers at pinag-iingay ito.

"Dahil birthday mo ngayon ay kailangan mong ipakita at i-present sa harapan namin ang time machine mo!" masiglang sabi ni Wart na nagpakunot sa noo ni Felis, ngunit umuna na itong bumaba sa hagdan kahit na madaling-araw pa lang.

"Palitan mo muna 'yang bandage sa kamay mo," suhestiyon ni Rini na ngayon ay kumakain ng chips pero umiling lang si Wart.

"Let's go."

Napangiti naman sila at napasunod kay Felis na ngayon ay papunta sa isang safehouse. Ramdam nila ang lamig na dala ng hangin at ang malakas na paghampas ng alon at ang nakakabinging tahimik na paligid. Ramdam ni Elliot ang malamig na kamay ni Felis kaya mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak.

Napaubo si Elliot kaya nag-aalalang napatingin sa kaniya si Felis. Ningitian niya lang ito at nagpaalam na pumunta sa banyo. Habang naglalakad siya pabalik sa lighthouse ay hindi niya maiwasang hindi hawakan ang parte kung saan kumikirot. Mahigit isang linggo na rin niya itong itinatago kay Felis. Ayaw niyang sabihin at ayaw na ayaw niyang mag-alala ito.

Pagbukas ni Elliot sa pinto ay siya namang pagtumba niya sa sahig. Nanigas ang buong katawan niya. Hindi niya ito kayang iangat kaya galit siya napamura. Napaubo na naman siya ngunit sa pagkakataong iyon ay may dugong sumama. Patuloy lang siya sa pag-ubo,at pilit na gumapang papunta sa banyo. Nagulat siya nang biglang umangat ang katawan niya sa lupa. Nakita niya si AIOE 25 na karga-karga siya papunta sa couch.

Nakatingin lang siya kay AIOE 25 na ngayon ay nililinisan ang dugong nakakalat sa sahig. Matapos nitong linisan ay umupo ito sa kaharap na upuan.

"You need to tell him about your situation," seryosong saad ni AIOE 25.

Napayuko si Elliot at umiling. "No need." Tumingala siya dahil ramdam niya na kahit anong oras ay may kakawalang luha.

Hindi alam ni AIOE 25 ang nararamdaman ni Elliot, hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito. Ang alam lang ni AIOE 25 ay gagawin ni Elliot lahat para protektahan si Felis kahit na nakakasama ito sa kaniya.

"Malulungkot si Felis kapag isang araw ay wala ka na sa tabi niya."

"When I'm gone in this world, you need to take my place." Tumayo si Elliot at lumabas kaya napasunod din si AIOE 25.

Malungkot na ngumiti si Elliot habang nakatanaw sa mga bituin. "You need to take care and love him as Elliot Emore."

Kahit na naguguluhan si AIOE 25 ay umiling siya. "Hindi ko kailangang magpanggap bilang ikaw dahil ikaw mismo ang kailangan niya."

"He needs me but not this time, I need to rest," mahinang sambit ni Elliot sa huling kataga at napaubo na naman. "You need to do it."

"Let's change our clothes." Kagaya ng sinabi ni Elliot ay nagpalit sila ng damit at sabay na tumumgo sa safehouse pero bago pa man sila makapasok ay nagsalita si Elliot. "From now on, you're now Elliot Emore."

***

"Bakit ang tagal mo? Ayos lang ba ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ni Felis kay AIOE 25, habang si Elliot ay nasa likod nila. Malungkot na nakayuko at hindi alam kung tama ba ang desisyon niya.

Neutral Zone: AIOE 25✓ [SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Where stories live. Discover now