Napatingin ako sa bracelets na bigay niya sa akin. Hanggang ngayon ay suot suot ko pa rin ang mga ito. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga at hinubad ang mga ito.

Infinity bracelet, ito 'yung binili namin sa plaza last year. Sabi ng nagtitinda sa amin pampatibay daw ito ng relasyon. Fake news.

Chess queen bracelet, this one was his gift on my 18th birthday. May nalalaman pa siyang ako lang ang reyna niya ngunit marami pa pala siyang pawn na nakareserba. Tama si Milk, there are eight pawns that can replace me as a queen in Nash heart.

Lastly, ang bracelet na binili ko para sa aming dalawa. Kung alam ko lang na magkakaganito hindi ko na ito binili. Sayang lang ang pera ko, pinambili ng bracelet. Sa pagkain sana, nabusog pa ako. Winasak pa niya ang puso ko.

Inilagay ko ang mga ito sa isang kahon. Wala na akong balak suotin ang mga ito. Those bracelets reminds me of him. I want to move on.

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

SEM break flies like a bliss. Pasukan na naman. Hindi ko alam kung handa na ba akong makita si Nash. Kasi sa totoo lang, ang sakit pa rin eh.

Minahal at mahal ko pa rin ang tao. 'Yung tipong handa ko na siyang tanggapin ngunit bigla kaming pinaglaruan ng tadhana. It really hurts when destiny plays with you.

Noong isang araw, nagkita-kita ulit kaming Sixth of Ace after a their vacation. Naikwento ko na rin sa kanila ang nangyari sa amin ni Nash.

Sina Coast at Aera binungangaan ako. Dapat daw hindi lang sampal ang ginawa ko kay Milk. Sinabunutan at kinalbo ko na raw dapat siya. Mga sadista talaga.

'Yung dalawang lalaki naman, kung kailangan daw ni Bal ng resbak para maturuan ng leksyon si Nash, nandiyan lang daw sila. Sila ang mga pagbubugbugin ko eh! Ayoko na ng away kaya pinagsabihan ko sila.

Mabuti na lang nga at parang humupa ang love team namin ni Nash sa social media at hindi na ito madalas pag-usapan sa comment section ng vlog namin. NaLex was already gone.

Ang dapat na comeback vlog namin after sembreak, naging gala. Kailangan ko raw mag-unwind sa nangyari. Tuwing linggo, nagkikita kami ni Nash sa church, ilang beses niya akong pilit linalapitan ngunit umiiwas ako.

"Tao po! Tao ka ba?!" napabalik ako sa wisyo ng magsalita ang isang lalaki at sumabay sa aking paglalakad.

"Aatakihin ako sa iyo! Bwisit ka!" Singhal ko sa kaniya at hinampas siya ng mahina.

"Kanina pa kita tinatawag hindi mo ako pinapansin. Tampo na ako Praise."

I just rolled my eyes and didn't answer him. Kasalanan ko bang lutang ako? Hindi kasi ako mapakali dahil makikita ko na naman ngayon ang taong nanakit sa akin.

Ilang linggo pa lang ang nakakalipas noong makita kong naghahalikan si Nash at Milk. Syempre apektado pa rin ako. Ang hirap kayang mag-move on.

"Nagbakasyon lang para ka nang napagsakluban ng langit at lupa. Ano bang nangyari Praise?"

"W-wala ito. Kulang lang ako sa tulog."

Sumabay siya sa akin sa paglalakad papuntang room. Mabuti na lang at hindi ko pa nakikita ang kahit anong anino ni Nash. Sana lang talaga ay hindi kami magtagpo ngayon. Pero alam ko namang imposible ito dahil kaklase ko siya.

"Aera already told me what happened. Nash was literally a jerk. Pinaubaya na kita sa kaniya pero sinaktan ka pa rin niya."

Napabuntong hininga ako. Si Aera talaga! Napakadaldal kahit kailan. Ngunit hindi ko maiwasan ang mapaisip, what does he means na pinaubaya niya ako kay Nash?

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Where stories live. Discover now