Nakita ko na lamang ang sarili ko na pabalik sa aming tahanan. Dumeretso kaagad ako ng aking kwarto at inilabas doon ang lahat ng sakit na aking iniinda.

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

KINABUKASAN, mugtong mugto ang aking mga mata kakaiyak. Kung sinuswerte ka rin nga naman, saktong undas ngayon kaya naman ipinagdiwang ko ang sawi kong puso.

"Bal, pasapak lang ng isa kay Nash. Ayos na ako," saad ni Stair na nakahiga sa kama ko.

Naghahanda naman ako ng damit na susuotin mamaya pagpunta namin ng sementeryo. Undas, syempre dadalawin ko ang patay kong puso--- este ang mga magulang namin.

"I don't want to hear that name and besides, ayoko na rin ng gulo. Hayaan mo na." I heavily sighed.

Parang anumang oras ay tutulo na naman ang aking luha. Parang hindi sila napapagod eh. Kainis naman! Ganito ba talaga kalakas ang epekto niya sa akin?

Nang matapos akong mag-ayos ng damit, humarap ako sa kaniya. Nakahilata pa rin siya sa kama ko.

Gusto pa ata niyang maki-chismis sa nangyari kahapon eh! Naikwento ko na sa kaniya kagabi ang lahat ngunit eto pa rin si Bal, nag-uusisa sa nangyari.

"Basta huwag lang magpapakita sa akin 'yung loko na 'yun kung hindi ay malilintikan talaga siya sa akin."

"Oo na! Maliligo na ako. Chupi!" Hinila ko siya palabas ng kwarto at isinarado ang pinto.

Hinawakan ko ang aking puso. Ramdam ko ang pagkabog nito. Mayroon pa ring tumutusok na punyal dito. Napasandal na lamang ako sa pintuan at pumikit.

Ang sakit.

Sobrang sakit pa rin.

Ang totoo niyan tuwing maaalala ko ang nangyari kahapon, hindi maiwasan ng luha kong tumulo. Sariwang sariwa pa kasi.

Ikaw ba naman na makita mo ang lalaking gusto mo na mayroong kahalikang iba, hindi ka ba magagalit? Ang malupit pa rito sa labi ang halik, samantalang ako hanggang kamay at noo lang.

Lilinawin ko lang, hindi ako uhaw sa halik ni Nash. Ang akin lang, ako 'yung nililigawan tapos si Milk ano? Kaibigan lang– kaibigan lang nga ba?

Nagpakawala na lamang ako ng isang malakas na buntong hininga at dumeretso ng banyo upang maligo.

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

"MAMA, Papa, 'yung anak niyong babae brokenhearted. Isang taong nililigawan pero hindi nagka-label," pagsusumbong ni Bal sa mga magulang namin pagkarating naming sementeryo.

I glared at him. Hindi ko alam kung nang-iinis ba siya oh ano.

"Eto ngang si Stair eh may ka-date mamaya. Undas na undas. Ayaw akong damayan sa pagluluksa ko," bwelta ko naman.

Habang papunta kami rito, naikwento niya sa akin na magkikita sila ng jowa niya. Edi wow. Sila na. Sana all na lang. Ang bitter ko putek pero masaya naman ako para sa kanila.

Ang galing lang mag-timing ni Nash, sinakto pa sa undas ang pagwarak sa puso ko. Isang luksaan na lang ganoon?

"Sumama ka na lang nga kasi," pilit niya sa akin habang sinisindihan ang kandila.

"Ano ako, third wheel?"

"Hindi. Mukha ka lang wheel."

Hinampas ko siya. Kahit kalian talaga ang hilig niyang mang-asar!

Nagtagal pa kami ng ilang oras sa sementeryo at nang sumapit ang hapon ay umuwi na ako. Si Bal pinuntahan ang jowa niya. Sana all talaga.

Paano kaya kung dati pa lang ay sinagot ko na si Nash? Mayroon kayang Milk na umaaligid ngayon?

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Where stories live. Discover now