PSYCHOPATH

11 3 0
                                    

|| This is a work of fiction. ||

𝐆𝐫𝐚𝐦𝐦𝐚𝐭𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐚𝐧𝐝 𝐓𝐲𝐩𝐨𝐠𝐫𝐚𝐩𝐡𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐄𝐫𝐫𝐨𝐫𝐬 𝐀𝐡𝐞𝐚𝐝

---

I hate everyone! They don't deserve to live in this world. I don't trust anyone, even my own family. Yes, they're my family but they never acted like one. All they do was scold me, criticize me, and whatsoever. I hate them so much!

I also don't have any friends. Lahat 'yan, sa umpisa lang magaling pero iiwan din naman tayo sa huli. Lahat 'yan, mabait kapag kaharap mo pero kapag wala ka, they're backstabbing you already. It's all because they're fxcking insecure! Ayaw nila na nalalamangan mo sila. Gusto nila, sila lagi yung nakakataas.

I had a friend named Sheena. Ang buong akala ko, totoo s'ya sa akin. I thought she's my best friend. Tapos malalaman ko from my classmate na kung ano-ano pala pinagsasabi n'ya about me?! You know what I did to her?

"I killed her." I said with an evil smile.

"Oh my God, Delilah! You gotta be kidding me!" 'di makapaniwalang sabi ni ate. My older sister.

Yes, si ate lang ang laging kumakausap sa akin. Sila mommy and daddy? they never cared about me. I was thinking if I should kill them too...

"I'm not. I really killed her cause why not? she betrayed me! She made me believe na may kaibigan talaga akong nandiyan palagi para sa akin." saad ko habang nanlilisik ang mga mata.

"Gosh Delilah! Saan mo dinala ang bangkay n'ya?" asked ate.

I'm not that dumb para itapon ang bangkay ng walang kwentang tao kung saan-saan. Hindi ko naman hahayaan na malaman ng mga pulis na ako ang pumatay kay Sheena kaya I hid her inside my room. She's having a party with the mice under my bed.

"Under my bed" tugon ko kay ate habang nakangisi.

Padabog itong tumayo at pumasok sa kwarto ko. I followed her and told her to look at Sheena's dead body under my bed. Masangsang na ang amoy sa buong kwarto ko but, who cares? Nang makita nito ang bangkay ay hindi maipinta ang mukha nito sa naging reaksyon.

"Look at what you have done to your friend, Delilah!" bulyaw sa akin ni ate habang tinuturo ang duguan at hati-hating katawan ni Sheena.

Psh, I knew it. Just like our mom and dad, papagalitan at huhusgahan n'ya lang din ako. Ano bang pinagkaiba n'ya sa kanila?

"She's not my friend." tipid kong sagot kay ate at inirapan naman ako nito.

Simple lang naman ang ginawa ko kay Sheena. I chopped every piece of her body. That's all! Kulang pa nga 'yun sa lahat ng pangba-backstab na ginawa niya sa'kin eh. It's her fault though. Kung hindi niya ako binackstab at nagpakatotoo s'ya, edi sana buhay pa s'ya ngayon at hindi nababaliw ang pamilya niya sa paghahanap sa kanya.

"Hindi ka ang kapatid ko. Hindi ka na 'yung Delilah na mabait! Hindi ka na yung dating Delilah na inosente at hindi kriminal!" bulyaw ni ate sa akin.

Oops! Wrong move.

Kinuha ko ang aking baril sa ilalim ng unan ko at itinutok ito sa ulo ni ate while smiling.

"Ano?! papatayin mo din ako?! kahit kapatid mo ako?!" sigaw nito na tila kinokonsensiya ako.

I'm really sorry but I won't buy that. Gasgas na ang style na 'yan!

"Hindi ka na talag---"

Bago pa ni ate matuloy ang sasabihin n'ya ay binaril ko na ito. Bumagsak ang katawan nito sa sahig habang ang ulo naman nito ay wasak na pati ang utak.

Napangiti ako habang nakatingin dito, "Ayoko sa lahat, pinapakialaman ang desisyon ko."

Patakbong pumasok si mom and dad sa loob ng kwarto ko at laglag pangang nakatingin sa patay na katawan at sabog na ulo ni ate.

"Walang hiya ka Delilah!" galit na sigaw ni mommy at lumapit sa'kin para hilahin ang wavy at kulay brown kong buhok.

Nakangiti kong tinignan si mommy habang sinasabunutan ako, "Walang hiya din naman kayo. Bakit? tinuring n'yo ba akong pamilya?!" naluluhang tanong ko kay mommy.

Sinampal ako nito at tinulak kaya naman napatumba ako sa sahig. Sanay na ako dahil ganiyan naman s'ya lagi. Pasensiya ama at ina kung hanggang dito nalang ang buhay niyo. You left me no choice!

Akmang susugudin ako ni daddy ng suntok ngunit nabaril ko na din ito kaagad.

Tumingin ako kay mommy na takot na takot na umiiyak, "Ikaw ma?" tanong ko dito habang nakangiti.

Tumakbo ito palabas ng kwarto ko at tumakbo sa sala. May tinawagan ito na kung sino sa telepono at nang matapos nito magsalita ay agad na binaba ang tawag.

"Oh! Sino tinawagan mo, mahal kong ina?" I asked while slowly  walking toward her.

"Magwawakas na ang kademonyohan mo Delilah! Padating na ang mga pulis!" sigaw nito habang humahakbang palayo sa akin.

Itinutok ko ang baril sa kaniya at sinakal ito.

"Masusunog ang kaluluwa mo sa impyerno." sambit nito habang pilit na nagpupumiglas mula sa pagkakasakal ko.

"Ayaw mo ba nun? Magkikita pa tayo sa impyerno! Sasabayan ko ang kamatayan n'yo!" sigaw ko dito at tuluyan nang ipinutok ang baril na nakatutok sa ulo nito.

Nang marinig kong nasa labas na ang mga pulis ay agad akong lumabas ng pinto ng bahay. Ang mga baril nila ay nakatutok sa akin at ang mga mata naman ng mga kapit-bahay ay nakatingin sa akin.

Finally, the kind of attention that I want.

I smiled at them and pointed the gun in my head.

"Sumuko ka na!" sigaw ng isang pulis na nakatago sa likod ng kotse. Scared huh?

"Sure!" tugon ko at ipinutok ang baril sa ulo ko.

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now