Ten

64 7 0
                                    

******************

TEN

******************

"The greatest trick the devil pulled was convincing the world there was only one of him."

-David Wong

******************

LORALAI

Matapos mag bihis ng mga damit na binili ko pa sa mall ay lumabas na ko ng kuwarto pero sa kamalasan may dumating pa.

"Frey— L-loralai?"
Gulat na tanong nya na tinignan pa ako mula ulo hanggang paa.

"Tabi. Nag mamadali ako."
Mataray na sabi ko na hinawi pa sya pero agad na hinawakan nya ko sa kamay.

"Ano ba?!"
Inis na sabi ko at pilit binabawi ang kamay ko na hawak nya pero mas lalo lang nyang hinigpitan ang kapit nya dito.

"Saan ka pupunta?! Ano na namang binabalak mo?!"
Galit na sigaw nya sakin.

"Pwede ba! Wag mo kong pakielaman!"
Sigaw ko pabalik at muling sinubukang bawiin ang braso ko pero ayaw nya talagang bitawan.

"Hindi pwede! Ipapahamak mo lang si Freyja!"

"Tanga kaba?! Sa tingin mo kasing hina ako ng babaeng yun! Bitawan mo ko!"
Inis na sigaw ko na tinulak pa sya.

"Kung yung tangang babaeng yun nauuto mo pwes ako hindi! Walang kahit na sinong pwedeng pumigil sakin. Wala!"
Sabi ko at agad na tinalikuran sya pero natigil ako sa pag hakbang ng may biglang yumakap sakin.

"No! Please. Tama na. Tigilan mo na to."
Umiiyak na bulong nya sakin.

Nanginig ang mga kamay ko at bago pa ko tuluyang matalo ng nararamdaman ko ay agad na kumawala ako sa kanya at muli syang tinulak.

"Sa susunod na gagawin mo sakin yun hindi na ko mag dadalawang isip na patayin ka! Matagal ko ng hinintay ang pag kakataon na to at hindi ako papayag na dahil lang sa katulad mo ay hindi ko magagawa ang matagal ko ng gustong gawin. Siya na lang ang kailangan ko. Sya na lang para matapos na ang lahat ng to. Tatapusin ko na ang lahat. Kung saan nag simula ang lahat doon din matatapos."

Parang nabubuhay ang dugo ko sa ideyang mapapatay ko na rin ang huling hayop na kailangan ko sa listahan na dadalhin ko sa impyerno.

"Hindi! Sandali!"
Sigaw nya pero sinarado ko na agad ang pinto.

Gamit ang susi na nakuha ko sa kanya ay nilock ko mula sa labas ang pinto kaya naman kahit anong pilit nya ay hindi nya mabuksan ang pinto. Nangaasar na pinakita ko sa kanya ang susi. Kinindatan ko pa sya bago tuluyang umalis sakay ang sasakyan nya.

Kahit papano malaking tulong din sakin ang babaeng yun. Sa sobrang kabaliwan nya kay Freyja nagagawa ko ang mga gusto ko ng walang kahirap hirap.

Sakay ang sasakyan ni Zoe ay mabilis na tinahak ko ang daan papunta sa huling biktima ko. Sa huling demonyong kailangan kong ikulong.

TATsuLOkOnde histórias criam vida. Descubra agora