One

187 9 0
                                    

ALL CHARACTERS, PLACES, ORGANIZATIONS AND INCIDENTS PORTRAYED IN THIS STORY ARE ALL FICTITIOUS. ANY RESEMBLANCE TO ACTUAL PERSONS, LIVING OR DEAD, AND ACTUAL EVENTS ARE PURELY COINCIDENTAL.

BABALA NI MANANG!!!!!!!!

ANG KUWENTONG ITO AY NAG LALAMAN NG MGA KAKAIBA AT HINDI KAAYA AYANG TEMA, LENGGUWAHE, PANGYAYARING PATUNGKOL SA KARAHASAN, SEKSWAL AT DROGA.

READ AT YOUR OWN RISK

**************

ONe

"The real world is where the monsters are."

-Rick Riordan

**************

FREYJA

Kakatapos ko lang maligo at hindi na ko nagabalang mag tuwalya at hubot hubad na lumabas ng CR. Nandito ako sa maliit na apartment ko at hindi ko maitago ang excitement ko dahil makikita ko na ulit si Zoe.

"Tss. Ikaw lang ang nakilala kong masaya kapag monday."
Iritableng sabi ng isang repleksyon sa salaming nasa harap ko.

Si Loralai, sya ang ate ko. 27 na sya pero napakaganda parin nya. Mag kamukhang magkamukha kami. Napakataray nya at madalas ay kinaaayawan dahil sa hindi magandang ugaling meron sya. Mag kapatid kami pero magkaibang magkaiba naman ang ugali namin. Mahilig syang mag bar, ako hindi. Mahilig syang makipag kaibigan, ako aloof akong tao. Takot akong lumapit sa mga lalaki, pero sya isa syang certified play girl. Hindi sya nag stick sa isang relasyon pero ako heto at ilang taon na rin kami ni Zoe.

Zoe is my first ever girlfriend. Were both female pero wala kaming paki. Pareho kaming nag tuturo sa isang all girls school kung saan pareho din naming pinasukan. Zoe is my first best friend. College nung nakilala ko sya at dahil nga aloof ako, madali akong napansin ng iba, lalo na ng mga lalaking walang ibang ginawa kundi ang paglaruan ang mga babae. Naranasan kong ibully dahil sa pagiging tahimik ko, mapa babae o lalaki, lahat sila kaligayahan ang makasakit ng iba but Zoe is different. She stay by my side when no one does. Sya ang tumulong sakin na ma conquer ang mga fears ko kaya nga natupad ko ang pangarap ni mommy para sakin, na maging isang nurse.

Kapag kasama ko si Zoe, nakakalimutan ko ang lahat ng takot ko, lahat ng pangamba ko. Akala ko kaya ko ng mabuhay mag isa pero nung pumasok na ko bilang nurse, nag simula na namang bumalik ang mga nakaraan ko. Palagi akong narerekalamo at madalas napapatalsik pa ko dahil hindi ko magawa ang trabaho ko lalo na at may mga lalaki akong nakakasama. Kung saan saang hospital, clinic at center na ko pumasok pero sa huli ako na lang din ang sumuko dahil sa sakit ko.

I was diagnosed with androphobia which defined as the fear of men since high school. Hindi ko kayang makausap o kahit mapalapit man lang sa kahit na sinong lalaki, mapa bata o matanda. Hindi maipaliwanag na takot at kaba ang nararamdaman ko sa tuwing kakausapin o kahit makakita pa lang ako ng lalaki. Nanginginig ang buo kong katawan at sobrang bilis ng tibok ng puso ko na nagiging dahilan para hindi ako makahinga pero katulad ng laging ginagawa ni Zoe, palagi nya kong sinasamahan at sya ang nag papagaan ng dibdib ko. Shes like my real medicine, na isang yakap lang kalmado na ko. Isang halik lang nawawala na lahat ng takot ko. I was once undergo by some theraphy dahil na rin sa kagustuhan ni Zoe na tulungan ako pero sa huli, sinukuan ko na lang din ito at nagdesisyon na lang na pumili ng isang propesyon na wala akong magiging problema.

TATsuLOkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon