"Ano pong ibig sabihin no'n?" Tanong ko dahil wala akong alam sa sinabi niya.






"Dissociative Amnesia is pretty rare case for me because it's really hard to handle, if I can remember... I only got two patients before who's suffering from that but because of faith and trust, they overcome their weakness and recovered their memories in less than a year." Tinignan niya ako at bahagyang tinapik ang aking balikat.






"If my diagnosis is right... I think, some parts of your previous life was so tragic to the point that your brain automatically removed that memories. May mga cases kase na ganoon lalo na yung mga taong nakaranas ng pang-aabuso o kahit yung mga taong naaksidente. Sa kaso mo, mahirap sabihin kung Dissociative Amnesia nga dahil wala tayong basis sa nakaraan mo." Aniya.






"Even your husband don't have any idea of what happened to you because you're missing for almost five years. That's why I want you to contact me in case you dreamed of the same thing again." Tumayo na siya kaya napatayo na rin ako.






"Sa ngayon, hindi muna kita mabibigyan ng medications. Hindi pa naman tayo sigurado pero kakausapin ko rin ang asawa mo." Wika niya.






Tumango ako dahil wala akong masabi, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay kapag tinatamad nila ako bilang asawa ni mayor.






Nagulat kami ng biglang bumukas ang pintuan sa opisina sa bahay nila ate Pilar kung nasaan kami ni ate Joanna.






Pumasok si mayor na tila puno ng pag-aalala ang mukha.






"Amber!" Wika niya sabay inisang hakbang ang pagitan namin.






Sinalubong niya ako ng mainit na yakap na nagpalaki ng mata ko.






"Pilar told me that you had a nightmare so I rushed here to see you, you made me worried." Wika niya.






"A-Ayos lang ako." Tugon ko.






Kumalas siya sa pagkakayakap at tinignan ako, "Are you sure?" Paninigurado niya.






Sasagot pa sana ako nang nagsalita si ate Joanna, "She's fine for now but I suggest if you live in the same house. She needs you in case she had a nightmares again." Paliwanag ni ate Joanna.






"N-Nako, hindi na... O-Okay lang naman ak——"






"You're not. Kahit anong oras ay pwede ka ng makaalala ulit kaya mas mabuti kung magkasama kayo sa mga oras na 'yon." Suwestyon niya pa.






Tumingin muli sa akin si mayor, "She's right, it will be better if I'm right beside you when you recover your memories." Aniya.






Wala akong nagawa kung hindi ang tumango sa sinabi niya.






Pagkatapos ng pag-uusap ay bumaba na kami upang magtungo sa sala kung nasaan sila kuya Maximo kasama si ate Pilar.






"What happened?" Pag-uusisa ni kuya Maximo nang makita kaming pababa.






Magkatabi kami ni mayor sa isang mahabang sofa at si ate Joanna naman ay sa single sofa.






"It's fine now, no need to worry." Tugon ni ate Joanna.






"Mommy, can we go to the mall after this?" Tanong ng nag-iisang anak na babae ni ate Joanna.






PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon | Hatred ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon