Sa tingin ko mayroon talagang hindi sinasabi sa akin si Nash tungkol kay Milk. At kailangan kong malaman iyon sa lalong madaling panahon.

"Ganito na lang, may plano ako sa acquaintance party," nakangising sambit ni Coast.

Pinalapit niya kami sa kaniya at kinuwento ni Coast ang naiisip niya. Ibang klase rin 'tong si Coast, gustong-gusto niya si Nash para sa akin. Talagang mayroon pa siyang plano upang malaman kung ano ba talaga ang nangyayari kay Nash nitong mga nakaraang linggo.

"Ang dali lang 'di ba? We just need to wait for the Acquaintance and do the plan."

Napabuntong hininga na lamang ako. Mukhang pursigido na talaga si Coast sa plano niya.

"Basta sa ngayon, we need to investigate more about Milk---" Aera stopped speaking when Coast shouted.

"Nash!"

Nabigla ako sa sigaw niya at napalingon ako sa aking likuran. Anong ginagawa niya rito?! Bakit bigla na lamang siya sumulpot ngayon? Hindi ba at need niya ng space?

Nash was standing with his arms in his pocket. I saw him looking at Aera and Coast. Para bang mayroon siyang sinasabi sa dalawa sa pamamagitan ng tingin.

"Xeidrine, may gagawin pa pala kami."

Hinila ni Coast si Aera at tumingin sila sa akin. Para bang sinasabi nilang 'It's your time to shine.'  Kumaripas na sila nang takbo pagkaraan nito.

Naiwan kaming dalawa ni Nash. Seryoso siyang umupo sa harapan ko. Napalunok ako ng ilang beses at biglang kumabog ng mabilis ang aking dibdib.

"N-Nash." I uttered.

Tiningnan niya ako ng matalim. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa tingin niya na ito. Isa lang ang sigurado ko, kakaiba ang aura ni Nash ngayon.

"Hindi na ako magpapaligoy-liguy pa. Bakit ninyo iniimbestigahan si Milk?"

Napatikom ako ng aking bibig sa tanong niya. Hindi ako makatingin sa kaniya ng deretso. Narinig pala niya ang usapan namin kanina nila Aera.

"W-we are not i---investigating her," putol-putol kong usal.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa aking dila. Kung nakakamatay lang ang tingin niya, kanina pa ako pinaglalamayan.

Bakit ba ako kinakabahan? Si Nash lang 'yan, Xeidrine. Your classmate, friend, and suitor. Pero... Ito pa rin kaya ang turing niya sa akin?

"Really? So, what I heard earlier was wrong?"

I gulp many times before answering. "They just want to know who's Milk. That's all." I said, but Nash wasn't convinced.

"Why?"

Napabuntong hininga ako. Pumunta lang ba siya upang kausapin ako tungkol kay Milk? Puro na lang Milk ang bukang bibig niya.

Tinaasan niya ako ng kilay at hinihintay ang aking sagot. Ganoon ba kaimportante si Milk sa kaniya upang malaman niya kung bakit namin siya pinag-uusapan?

"Stop asking questions about that girl. I already answered it earlier," iritadong saad ko.

Ewan ko ba, tuwing naririnig ko si Milk sa kaniya parang naiinis kaagad ako. I don't know what about that girl. And why Nash was eager to know why we are investigating her.

"I'm asking why."

"Pwede ba Nash, tigilan mo na ang kakatanong kay Milk. Simula noong dumating siya, nabalewala mo na ako!" Sigaw ko sa kaniya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nasabi ko na ang gusto kong sabihin kay Nash. Nakakainis na rin kasi siya. Puro na lang si Milk, kahit na ako naman ang kaharap niya.

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon