Chapter 23: Antidote

279 34 10
                                    

 been a week since dumating sila sa lighthouse. Limang araw na rin silang puyat. Minsan nga ay hindi na talaga natutulog si Felis dahil focused siya masyado sa pag-o-observe kaya palagi siyang pinapagalitan ni Elliot.

“Felis, matulog ka na!” utos ni Elliot at kinuha ang salaming suot ni Felis pero kahit na gano’n ay hindi pa rin siya pinapansin nito. Nakabusangot siyang umupo sa tabi ni Felis at tinulungan ang kasintahan, pero kalaunan ay nagpaalam ito para pumunta sa kuwarto.

“Second, bakit ngayon lang ako nakakita ng ganitong bulaklak?” tanong ni Felis habang inaamoy ang isang kakaibang bulaklak. Matagal na niyang alam ang samyo dahil naamoy niya ito minsan sa mga zombie. Isang bulaklak na ang kulay ay pinaghalong asul at berde ngunit nangingibabaw ang asul.

“A combination of two flowers: a poisonous and a flower having an everlasting smell. Professor Feonah named it as Eversono, a hybrid flower. She did the breeding.” Nagpaalam na si AIOE 25 pagkatapos niyang magpaliwanag at walang ibang reaksiyon si Felis kundi ang mamangha sa mga magulang niya.

“The Jhansen and Emore did their best to make the medicine for the people who have an unstable IQ but before they could finish it, Alberto Chavez ruined everything.”

Napapabuntonghininga na lang si Felis sa mga nangyari. Naging madali ang kanilang pag-o-observe sa plasma ni AIOE 25 kung makakatulong ba talaga ito. Marami ring mga chemical na puwede nilang gamitin sa laboratoryo. Halos lahat ay kumpleto na. Kumuha rin sila ng mga zombie na pakalat-kalat sa labas at inilagay sa safehouse na ngayon ay puno na ng zombies pero sa dami nito ay isa lang ang tini-test.

Noong una ay hindi naging madali dahil sa unang test, nasunog ang daliri ng paa ng zombie kung saan ito inilagay. Sa pangalawang test ay hindi umobra, walang kahit anong resulta ang nangyari. At ang pangatlong test ay naging bato ito. Wala na rin silang problema dahil may maraming pagkain at may tubig na ring malinis.

“Success!” nakangiting sigaw ni Felis habang may hawak na test tube nang nakita niya ang kaharap niyang isang lalaking zombie na unti-unti nang bumabalik ang balat sa normal kung saan niya ito inilagay.

Pumalakpak si Wart at Rini kaya ngumiti si Felis sa kanila. “We succeeded!”

“You did well, Felis,” nakangiting puri ni Wart kaya niyakap siya ni Felis.

“Thank you, Professor Chavez.”

Ilang minuto ring hindi nakapagsalita si Wart at napangiti. “First time mo akong iginalang.”

Nakatali pa rin ang bibig ng zombie para sigurado itong hindi makakakagat. Nakangiti si Felis habang nakatitig sa test tube na may laman. Iba ang nararamdaman niya. Isa itong hindi maipaliwanag na emosyon, ibang klaseng kasiyahan na halos lahat ng kasiyahan sa mundo ay nasa puso na niya.

Napangiti si Rini habang nakatingin kay Felis. Alam niya kasing kahit no’ng bata pa lang ito ay nangarap na itong maging isang scientist at isa rin itong imbentor. Ang ngiti ni Felis ay nagpapangiti rin sa kaniya. Lahat ng mga ginagawa ni Felis ay sinusuportahan niya, ganoon kahalaga ang binata sa buhay niya.

“Felis, natapos mo na ba ’yung ginagawa mong time machine?” tanong ni Rini habang nakangiti.

Agad namang napatingin si Felis sa kaniya at ngumiti nang malungkot. “Yeah, but it doesn’t matter anymore. Walang exhibition na magaganap, wala na ang mga magulang ko para manood.”

Inilagay naman ni Felis ang test tube sa rack nito at saka tumayo. “Kailangan nating gumawa ng maraming antidote. We can’t waste our time.”

Tinampal ni Rini ang noo ni Felis. “Just rest a bit, Felis.”

Mabilis namang umiling si Felis at saka tumingin nang seryoso kay Rini. “Kailangan na nating kumilos bago pa mahuli ang lahat.”

“Felis Jhansen, come with me,” nakangiting sabi ni AIOE 25 pero sinamaan lang siya ng tingin ni Felis.

“H’wag kang ngumiti, naiirita ako.” Mas lalong nairita si Felis dahil nakangiti pa rin ito. “Hey, robot—”

“I’m AIOE 25, you can call me Second,” nakangiting pagtatama ni AIOE 25 kay Felis kaya nagsalubong na ang mga kilay nito.

“Yeah, yeah, yeah. Just get lost,” walang ganang taboy ni Felis kay AIOE 25 pero bigla siya nitong hinila at tinangay paakyat sa hagdan.

 “We’re here,” nakangiting sabi nito ngunit sinamaan lang siya ng tingin ni Felis.

“Nasaan nga pala si Elliot?” nagtatakang tanong ni Felis ngunit ngiti lang ang isinukli nito.

Pumasok si Felis sa isang kuwarto at tumambad sa kaniya ang isang telescope na nasa tapat ng bintana kaya agad siyang tumakbo at tiningnan ang kalangitan gamit ito at napangiti. Ang payapang tingnan ng langit na animo’y walang problemang dinadala dahil sa mga bituing mistulang gems na kumikinang. Hindi niya alam na may telescope pala sa ikalimang palapag dahil hindi pa naman siya nakakapasok sa fourth at fifth floor.

Lumingon si Felis kay AIOE 25 ngunit nabigla siya sa kaniyang nakita at nanubig bigla ang mga mata niya. Magkahalong emosyon ang nararamdaman niya. Imbes na si AIOE 25 ang makita niya ay si Elliot ang tumambad sa paningin niya, ang lalaking umintindi at minahal siya.

“Congratulations on another year of surviving, Felis,” nakangiting sambit ni Elliot habang may hawak na cake na may isang maliit na kandila sa gitna. “Wish ko, sana ay maging sweet ka na katulad nitong birthday cake.”

Napatawa si Felis at pinunasan ang magkabilang pisngi niya. Hindi siya makapaniwalang naalala nito ang birthday niya. Kahit siya ay nakalimutan na rin niya dahil sa mga nangyayari.

“Birthday ko na ba?” Felis asked as he chuckled.

Napatawa si Elliot at lumapit sa kaniya. “Yes, it’s already February 11, 2025, 12:04 AM, Make a wish, then blow the candle.”

Pumikit naman si Felis. Ang hiling niya ay matapos na itong lahat, matapos na ang paghihirap nila. Idinilat ni Felis ang mga mata niya at inihipan ang kandila at ngumiti sa kasintahan.

“Nasaan si Second?”

Ang malapad na ngiti ni Elliot ay biglang nawala. “Nagkamali yata akong utusan siyang dalhin ka rito.”

Felis grinned from ear to ear, then he grabbed the pouty lips of Elliot. “Thank you, Elliot.”

“Tikman mo na . . . ako . . .” pabitin na sabi ni Elliot at saka ngumisi kaya isang mahinang suntok sa dibdib ang natanggap niya. “. . . ang nag-bake.”

Napangiti si Felis at humiwa ng maliit na piraso at tinikman ito pero napasalubong na lang ang mga kilay kasabay ng pagngiwi niya. “Too sweet!” reklamo ni Felis at pilit na nilunok ang siinubo niya.

Hindi kayang sayangin ni Felis kahit na sobrang tamis. Gawa ito ni Elliot kaya kahit na ayaw niya sa sobrang tamis ay kakainin niya pa rin.

Elliot pouted. “Kulang ka kasi sa ka-sweet-an kaya i-enjoy mo na lang.”

“Sana . . . matapos na ang lahat.”

Inilapag ni Elliot ang cake sa lamesa at sinapo ang mukha ni Felis at hinalikan ang noo nito. “Together, we will end this.”

Napatango si Felis.

“You only need to love me—”

“I need to make tons of machines, not just to love you.”

Padabog na kinuha ni Elliot ang cake at tumalikod na. “Mas importante pa ang mga machine kaysa sa akin?”

Lumingon si Elliot habang nakipagtitigan. “Sa akin mo lang malalasap ang kakaibang sarap na ibubuga ng pang-ibaba kong hindi kayang ibuga ng mga machine—ouch!”

Nakangiwing piningot ni Felis ang tainga ni Elliot kaya napapikit si Elliot sa sakit.

“Nagbibiro lang naman ako!”

Neutral Zone: AIOE 25✓ [SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon