Chapter 22: District 5

Magsimula sa umpisa
                                    

Takbo lang sila nang takbo. Hindi naman naging mahirap ang paghahanap nila kung saan ang exit dahil kabisado lahat ni Elliot ang daan. Hindi maiwasang hindi ngumiti ni Elliot nang matanaw na nila ang exit. Pagkalabas nila ay doon nila nakita si Felis na nakasakay sa isang wheel chair na mahimbing na natutulog habang pinapalibutan ng mga doktor at may tatlong helicopters na nag-aabang.

“Stop!” malakas na sigaw ni Elliot kaya halos lahat ay napalingon sa gawi nila. Mabilis na tumakbo si Elliot ngunit tinutukan siya ng baril ng isang doktor.

“Elliot Emore? Why are you here?” nagtatakang tanong ng isang doktor na kasing edad lang ni Elliot na siyang nagtutulak kay Felis.

“H’wag n’yong galawin si Felis, Nox,” seryosong saad ni Elliot.

“We need to preserve him. We need his knowledge.” Inayos ni Nox ang salamin niya at sinulyapan si Felis at napakurba ang mga labi niya. “He’s indeed a future scientist.”

“If you’re talking about his IQ, all of you are wrong.”

Tumingin si Nox kay Elliot. “You mean his IQ drops by two almost everyday?” Hinaplos ni Nox ang mukha ni Felis na siyang nagpainis kay Elliot. “But suddenly increases by fifteen, that’s why his brain is really interesting.”

“Stop touching him!” galit na hiyaw ni Elliot at hindi na napigilang lumapit kay Nox at sinakal ito.

Mabilis naman siyang tinutukan ng baril ng ibang doktor kaya naging alisto rin sina Rini at tinutukan din ang mga ito.

Nox grinned as he stared at AIOE 25. “That’s the robot made by the Jhansens and Emores.”

Nang makilala ni AIOE 25 ang lalaking nakatitig sa kaniya ay mabilis siyang lumapit dito at ngumiti. “It’s nice to see you again, Professor Nox.”

“Did you already plant the bombs?” Tumango si AIOE 25 at kinuha ang wheel chair at pumunta na sa helicopter.

“What’s this?” naguguluhang tanong ni Elliot at inis na tumingin sa robot na karga-karga si Felis papasok sa helicopter.

“You!” Galit na itinuro ni Elliot ang robot. “Traitor!”

Napatawa nang malakas si Nox, dahilan para mas lalong magtaka sina Elliot, Wart, at Rini. Nakangiting tiningnan sila isa-isa ni Nox.

“So, we’re now complete. A team having Elliot Emore, the famous novelist who turned out to be a researcher in just a snap; Wart Chavez, the famous Physics professor; Rini Avila, the famous journalist and a hacker; and me, Nox Villafuerte, the microbiologist. Our team has a potential, it has a strong foundation.”

Napakunot ang noo ni Elliot. “Ano ba ang binabalak mo?”

“Elliot Emore!” malakas na sigaw ni Alberto na kararating lang na siyang nagpalingon sa kanilang lahat.

Galit na humihingal si Alberto na nakatingin sa kanilang lahat. Nanggigigil itong nakatingin sa dalawang Elliot ngunit napangisi ito nang makita niyang nasa helicopter na si Felis.

“The mad scientist is here,” natatawang saad ni Nox at kumaway kay Alberto na umuusok sa galit habang kasama nito ang ibang doktor.

“Nox! Patayin mo na sila. Hawak na natin si Felis. Wala na silang silbi!”

Napatango-tango naman si Nox at sinenyasan ang mga doktor kaya napangisi si Alberto nang tutukan na sina Elliot ngunit napakunot ang noo niya nang pumunta sa kanila ang tutok.

“Ano ito?” naguguluhang tanong ni Alberto pero napangisi lang si Nox. “Hindi ako ang patayin mo. Sila!”

“Patayin n’yo na sila.” Sa utos ni Nox ay pinagbabaril ng mga doktor sina Alberto at ang mga kasamang doktor.

Neutral Zone: AIOE 25✓ [SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon