25 "Unlucky Day"

41.5K 780 38
                                                  

25

"Unlucky Day"

Napagod ako sa kakatakbo kaya naupo muna ako sa bench sa tapat ng library. Library? Parang si Cliff yung nakikita ko na kumakausap dun sa group of students na nasa may hallway.

Si Cliff nga. Nagmamadali syang umakyat sa second floor. Kahit pagod na ako sinundan ko din naman sya. Umakyat din ako sa second floor ng library. Ano kayang gagawin nya dun? Habang naglalakad ako sa hallway ng second floor nakatingin sa'kin yung mga students at mga nagbubulungan. Hindi ko na sila masyadong pinansin dahil nagmamadali nga ako. Pumasok na ako sa loob ng library. Madaming students ang nagbabasa. Malaki yung library dito sa academy kaya di ko agad nakita si Cliff.

Tumingin ako sa bawat shelves nagbabakasakaling naghahanap ng books si Cliff. Tumingin din ako sa bawat table. No sign of him. Naisip kong maghanap na lang ng books na gagamitin ko para sa homework ko.

Sa may dulong part ako ng library naghanap. Mas kokonti ang tao dun. Napapansin ko kasi yung mga tingin sa'kin ng mga students. Habang tinitingnan ko ang mga math books parang nakita ko si frog girl sa pagitan ng books. Parang may kausap sya. Para mas lalo ko pa syang makita tinanggal ko pa ang isang book.

Kinakausap nya si Cliff.

"And bakit naman ako magsosorry sa kanya? Besides para sa'yo naman yung ginawa namin." Nagmamataray si frog girl. May pahaplos-haplos pa sya sa balikat ni Cliff. Hindi na nahiya.

Ayun, inalis ni Cliff yung kamay nya. Buti nga.

"Hindi ko kayo inutusang gawin yun, Yvonne! Sino kayo para pagtulungan sya?" Medyo napapalakas na ang boses ni Cliff.

Pairap-irap pa yung frog girl. Sarap dukutin ng mata. Yvonne pala ang pangalan nya. Feelingerang echosera! Arte eh.

"Fine! Pero nangyari na yun, Cliff. Wala na kong magagawa." Tumalikod si Yvonne pero hinabol sya ni Cliff. Hinawakan sya sa braso.

"Pero ako may magagawa pa."

"Cliff, ano ba? Nasasaktan ako," habang nagpupumiglas ang frog girl.

Binitawan ni Cliff si frog girl at tumakbo sya pabalik dun sa table ng mga friends nya. Napansin ata ni Cliff na may nakatingin sa kanila kaya lumingon sya. Mabuti na lang nakaupo ako agad para hindi ako makita.

After a minute sumilip ulit ako. Lumapit din si Cliff dun sa table nila Yvonne.

"Hi Cliff." Sabi ng mga frog girls. Kakairita lang.

Pero walang reaksyon si Cliff. Tumabi sya kay Yvonne at pasimple nya iyong itinulak.

"Cliff." Bulong ni Yvonne.

Hindi ko alam kung bakit ginagawa ni Cliff yun. Nagagawa nyang manakit ng babae para lang sa'kin? Pero bakit? Hindi ko talaga maintindihan. Habang nakatingin ako sa kanila nakita ako ni Cliff. Ipinatong ko na lang sa isang shelf yung book na hawak ko at dali-dali akong lumabas ng library. Nanakbo talaga ako.

"Naku, umiwas tayo sa babaeng yan. Malas yan." Sabi nung isang babae sa mga friends nyang nakaupo sa may hagdanan.

Nanakbo na lang ako pababa. Ayoko na naman kasing mapaaway. Sobrang trauma na ko sa mga nangyayari. Palagi akong mag-isa nitong mga nakaraang araw. Wala man lang paramdam si Katy sa'kin eh. Sya 'tong nakaline ayaw man lang magtext sa'kin.

Naglalakad ako ng biglang may tumama sa ulo ko. Matigas na bagay.

"Aray!" napahawak ako sa ulo ko. Pagtingin ko sa kamay ko may dugo.

Lumingon ako sa likod. May mga grupo ng students na may dala-dalang bato at bat.

"Ano bang problema nyo? Wala naman akong ginagawa sa inyo ah."

Nambato ulit yung isa. Tinamaan ako sa balikat.

"Ano ba?! Nakakasakit na kayo ah!" malakas kong sigaw kasi ang sakit kayang mabato.

Parang hindi sila natinag. Papalapit sila sa'kin kaya naisipan kong manakbo. Tumakbo ako ng mabilis ng hindi ko alam kung san ako pupunta. Nasunod pa din sila sa'kin. Nagtago ako sa likod ng room. Lumampas yung mga nahabol sa'kin.

"Salamat naman." Bulong ko sa sarili ko habang hinihingal.

Biglang may bumuhos na tubig sa'kin galing sa taas. Tumingala ako at nakita kong may mga estudyante din dun.

"Bakit nyo ko binasa?" Naiinis kong tanong. Pero hindi nila ako pinansin.

"Andito sya!" sigaw nung isa sa mga nasa taas. Tumakbo na ko agad para hindi nila ako abutan.

"Bilisan nyo. Tumatakas na sya!"

Takbo lang ako ng takbo. Pagod na pagod na 'ko. Hindi ko alam kung bakit nila 'to ginagawa sa'kin. Pero wala man lang gustong tumulong sa'kin. Ano bang nagawa kong kasalanan sa kanila? Mga wala ba talaga silang awa?

Dahil mabilis ang pagtakbo ko bigla akong nadulas at nadapa. Nagkalat ang balat ng saging sa dadaanan ko. Parang sinadya talaga nilang madapa ako.

"Ayun sya!" sigaw ng isang student mula sa likuran ko.

Bumangon ako at nagmadaling tumakbo. Pagod na pagod na ko. Nandidilim ang paningin ko. Napadpad na ko sa dulong part ng academy pero wala man lang tumutulong sa'kin. Lahat sila nanonood lang.

May nakita akong lalaking nakatayo. Nagbakasakali akong humingi ng tulong

"Tulong! Tulungan mo naman ako," hinihingal kong sabi sa isang lalaking nakatalikod. Humawak ako sa likudan nya.

Pagharap nung lalaki nagulat ako.

"Torrence?" tanong nya.

Ewan ko ba. Pero kanina parang ang tapang-tapang ko. Hindi ako naiyak. Pero nang makita ko sya at tinawag nya ang pangalan ko, parang bigla kong naramdaman na nakakaawa talaga ako. Hindi ko napigilang umiyak. Hindi ko mapigilang umiyak sa harap ni Tonsi. Tiningnan ko lang sya habang naiyak at ang mga mata ko na ang kusang humingi ng tulong sa kanya.

"Bakit ganyan ang itsura mo? Ang ulo mo, dumudugo!!!" Hinawakan nya ang noo ko at inaalis ang kung ano mang meron sa buhok ko.

"Ano bang ka−salanan ko sa− sa kanila?" Halos mag-wala na ako sa galit. Tuwi na lang may nangyayari sa'kin na ganito si Tonsi ang nakikita ko. At kapag inaasahan kong magiging masama sya sa'kin, kabaligtaran ang nangyayari. "Ano bang ginawa ko?!!!!"

Nakita ni Tonsi ang mga estudyanteng nasunod sa'kin. Nilapitan nya ang mga 'to. Pero sinubukan ko naman syang pigilan. Hinawakan ko sya sa braso at umiling ako habang naiyak. Pero tinanggal nya lang ang kamay ko.

"Sawa na ba kayo sa buhay nyo? Ayoko nang makita mga pagmumuka nyong lahat! Dahil babasagin ko yan kapag nagkita tayo!" Galit sya. Galit nyang kinausap yung mga nahabol sa'kin. Pinagbantaan ba nya?

Nagtakbuhan yung mga estudyante. Lumapit ulit si Tonsi sa'kin.

"Hindi ito ang Torrence na kilala ko. Wag ka nang umiyak dyan!" Mas lalo akong naiyak, hindi dahil sa pinagalitan nya ako. Bakit lagi na lang sya ang nagliligtas sa'kin?

Inaabutan nya ako ng panyo. "Magpunas ka muna."

Nakatitig lang ako sa kamay ko na may dugo. Pero parang dumudilim ang paningin ko. Parang wala na kong makita. Nahihilo ako.

"Torrence! Torrence!" 

LOVE Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon