1: "Let's Make A Deal"

128K 2.1K 99
                                    

1

"Let's Make A Deal"

SCHOOL

I'm always with my bestfriend Katy when I'm in school. Syempre super pasosyal ang mga students sa school namin kaya ayaw nila akong kasama. But Katy is different, galing din kasi sila sa hirap kaya hindi sya tulad ng iba naming classmates.

One of the finest academy tong pinapasukan namin kaya naman I'm so blessed na nagkaroon ako ng scholarship. Ayaw ko pa nga nung una, but when I saw Clifford sobrang nagkaron na ko ng dahilan para pumasok araw-araw.

Napapangiti na naman akong mag-isa.

"Hoy bruha, day dreaming na naman?" sabay batok sa'kin ng bestfriend ko, si Katy.

Kapag talaga magkaibigan grabe magsakitan. Dun kasi ata talaga nasusukat ang samahan, dami ng hampasan.

"Day dreaming ka dyan. Adik ka talaga." Sabi ko habang nakahawak sa batok ko. Mabigat ang kamay nya, kadalasan nga nagkakapasa ako. Kung hindi ko lang 'to kaibigan matagal ko na 'tong iniwan.

"Naku, kunyari ka pa eh kitang-kita yang ngiti mo hanggang dun sa gate. Naiisip mo naman si Cliff no?" pagtataray ni Katy. Sya pa talaga ang galit. Ako yung biktima dito.

"Ikaw kaya ang iniisip ko." I rolled my eyes. Nakalimutan ko na tuloy kung ano nga bang iniisip ko. Hala, nagka-amnesia na ata ako.

"Ako daw, kakaiyak naman yan." Yung tono ng pang-aasar. Minsan patola din 'to eh. Pero kadalasan pilosopa.

"Seryoso naman ako eh. Kasi kung wala ka─" bigla nyang pinutol yung sasabihin ko. Mabilis nyang tinakpan ng kamay nya ang bibig ko.

"Wala kang kukwentuhan about Cliff." Mayabang nyang sabi. Sobrang confident ha. Syempre wala naman akong ibang kaibigan dito.

Yun lang ba ang tingin nya. Ayoko na lang makipagtalo. Inalis ko na lang ang kamay nya. Di ko malaman kung anong amoy. Nakakahilo.

"Oh my gosh bessy. Look who's coming." Nakangiti si Katy at kumikinang ang mga mata. Parang nakakita ng artista.

"Sino?"Tumingin ako sa harap at likuran namin pero wala akong nakita. Baliw na ata talaga sya.

"Tumingin ka sa right side." Ipinaling nya ang ulo ko sa right side at halos napanganga ako sa nakita ko.

OMG! Si Cliff!

Inayos ko yung buhok ko at damit ko. Humarap ako kay Katy. "Okay ba ang itsura ko. Magulo ba ang buhok ko?" Inamoy ko pa ang hininga ko. Ewan ko ba, pero tuwing makikita ko sya hindi ako mapakali.

"Sus, kahit ano namang ayos mo hindi ka nyan mapapansin. Tingnan mo nga yung epal girls kung magpapansin sa kanya." She rolled her eyes, and folded her arms over her chest.

"Sabagay, tama ka. Hanggang tingin na lang ako sa kanya." Ang magandang ngiti ko ay napalitan ng sobrang lungot na mukha.

Dumaan lang sya sa harapan namin. Hanggang tingin lang talaga ako sa kanya. Hindi ko man lang magawang makipagusap. Para akong lumulutang at nawawala sa sarili kapag nakikita ko si Cliff. Pero kapag naririnig ko ang sigawan nitong mga babae na 'to naku sarap manuntok at manipa. Akala mo palaging may parada.

"Alam mo bes, tingin ko gagraduate tayo ng hindi ka nakakapagtapat kay Cliff." Sabi ni Katy, at nabaling sa kanya ang tingin ko.

Parang bigla akong bumalik sa sarili ko. "Hindi naman ako papayag. Hindi ko na iintayin pang mag4th year tayo bago ako magtapat sa kanya." Yes, ilang taon ko na yang sinasabi sa sarili ko. Pero di ko naman magawa. For sure libu-libong babae na ang nagtapat sa kanya. Hindi nya ako matatandaan sa mga yun sigurado.

"Wow, talaga lang huh. Sige I dare you. Kapag nakapagtapat ka kay Cliff by the end of this month may prize ka sa'kin." Halos nagningning ang mga mata ko sa sinabi nya.

"Nagbibiro ka ba? End of this month? Ayoko nga." Pagdadalawa kong isip. Mabilis lang ang araw, isa pa, magmumukha akong desperada kapag nagmadali ako. Well, wala namang pakialam si Cliff dun. Isa lang ako sa mga babaeng humahanga at nag-aasam na mapansin nya. Ang sakit, bakit kasi hindi ako mayaman at maganda.

"Alam ko namang hindi mo kaya." Pang-aasar nya sa'kin. Parang sinusubukan nya talaga ako. Malakas ang loob nitong si Katy kasi alam nyang wala akong lakas ng loob.

"Kaya ko no. Sige kapag nagawa ko sagot mo ang baon ko ng isang buwan." Syempre pupusta ako sa malaking halaga, para naman magdalawang isip sya. Isang buwan na baon, mahihirapan sya dun. Masyadong mahal lahat dito sa school.

"Call." Tipid na sagot nya. Napanganga na lang ako. Hindi man lang sya nag-isip. Iba talaga kapag maraming pera. Mapapasubo talaga ako ng di oras.

"Pero hindi personal huh." Ayokong magtrending sa internet. Babaeng desperada, nagtapat at nagpatiwakal, magiging ganyan ang headline kapag nagtapat ako in person, for sure maraming camera sa paligid ko.

"Kahit anong paraan, basta makapagtapat ka lang." Alam mo yung tawa ni Katy parang nakakaloko. Yung nakakadiscourage na tawa. Imbis na suportahan ako. Okay lang naman matalo, wala namang nakataya sa'kin.

Pero baon ng isang buwan? Sobrang laking tipid para sa'kin nun. May mabibigay pa ko kay papa pambayad ng bahay.

Pero kaya ko kaya. Kinakabahan ako eh. Di bale, magstalk muna ko kay Cliff para makakuha ako ng idea sa mga girls na nagpopropose sa kanya. Marami na kasing nagtrending na girls na nagpropose sa kanya. Hindi ko kayang gawin ang ganun. Baka mahimatay ako bago nya pa ako deadmahin. Ano ba namang pinasok ko!!

LOVE Disaster (NEW EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon