Part 04: About the Story

7 1 0
                                    

Story of Yannah/Sadnesself: Reincarnation

Ako si Yannah isang manunulat na ipinanganak sa taong 1999. Hindi pa ako nakakapunta sa nakaraan pero ito ang gusto kong panahon.

Filipino rin talaga ang gusto kong lengwahe. Ito kase ang nagpapatunay na isa kang totoong Pilipino.

Isang lalaki ang nagugustuhan ko at siya ang lalaking nasa harapan ko ngayon.

Hiniling ko na pumunta na lahat wag lang siya. Kahit yun naman ang gusto ko.

"Bakit ka nandito?"

Kanina pa nanginginig ang katawan ko dahil sa basa ng ulan.

"Bakit kaba nagkakaganyan"

Habang palakas ng palakas ang ulan palakas rin ng palakas ang luha ko at unti unti naring tumataas ang boses niya, galit na siya.

"Wala kabang alam?"

Isang metro lang ang layo namin sa isat isa, pero hindi niya ako malapitan dahil lumayo ang gusto ng mga paa niya.

"Pano ko malalaman kung hindi mo sasabihin?"

Kahit naluluha pinilit kong tumingin ng deritso sa kaniya sabay ngiti.

"Hindi mo talaga ito malalaman, dahil hindi mo rin ito nararamdaman"

Mahal kita! Mahal na mahal kahit alam kung iba ang gustong isigaw ng puso mo.

"Deritsahin mona nga ako, Yannah. Ano bang naging kasalanan ko?"

"Kasalanan? Oo nga pala, ako yung nagmahal kaya wala kang kasalanan"

Napayuko nalang ako. Ito na ang araw na ayokong mangyari pero anong laban ko sa tadhana?

"P-patawad, k-kung h-hindi—"

"Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Hindi naman natin mapipilit ang gusto ng isip sa puso"

Napayuko nalang siya.

Napaisip ako ano naba ngayon?

January 1

Kahit sa panghuling pagkakataon gusto kong hilingin na sana...

"Mahalin mona ako sa pangalawang pagkakataon at yan ang kahilingan ko"

Hindi ko alam kong bakit isinulat ko ang totoong nangyari sa buhay ko. Oo ang kwentong ito ay totoo. Totoong merong Yannah at Nathan, at hindi sila Fiction.

Short Story: Reincarnation (COMPLETED)Where stories live. Discover now