Part 03

6 1 0
                                    

Year 2017

"Ano iyang nababasa kong masakit, nasasaktan ba kita anak ko?"

Hindi ko namalayang nangingilid napala ang luha sa mga mata ko

"Ang sakit ma! Parang h-hindi niyo ko kadugo dahil palagi kayong busy. W-wala na kayong time sa amin. Kung t-tinatawag kita pakiramdam ko nag bibingian kalang dahil hindi moko sinasagot ng ANONG KAILANGAN MO oh ANO. Parang wala lang ako ano bang tingin niyo sa akin multo, kaluluwa, o hangin"

Hindi kona napigilan ang emosyon ko, napahagulhul nalang ako dahil sa pagkakataong ito luha nalang ang kakampi ko.

"A-anong pinangsasabi mo, anak. Hindi ako nakaka sagot dahil hindi kita naririnig. Alam mo naman diba na tumatanda na ako, kaya bakit mo nararamdaman ang bagay na iyan"

Lumapit siya sa akin ng kunti. Pinunasan ko mona ang luha ko bago nag salita.

"Parang hindi niyo ko anak mas maganda pa yung pagtrato niyo kay Dash at Sharlyn parang sila yung tunay mong anak. Nong bata ako hindi moko sinusundo, at ito pa grade 1 lang ako non Ma grade 1. Si ransy nga sinundo mo ng araw araw nong grade 2 siya at hanggang mag grade 6 si Sharlyn sinusundo mo parin siya"

Si sharlyn at dash ay nag aaral sa private, kapit bahay lang namin sila pero daig pa makalambing ang nanay ko sa nanay nila.

"A-alangan naman pabayaan ko sila. Kailangan ko ng pera para may ipakain ako sa inyo kung pangit ang itattrato ko sa kanila ano nalang ang sweldo ko? At syempre anak kita bakit saan kaba nag mula diba sa pagkabaae ko. Bakit mo iniisip na pinapabayaan kita—"

"Dahil babae ako Ma, babae ako pano nalang kung na rape ako non na sagasaan dahil sa kdahilanang walang sumundo sa akin"

Hindi na talaga mapigil ang mga luha ko kaka agos.

"Dahil may tiwala ako sayo, alam kong kaya monang mag isa, hindi gaya ng kapatid mong si ransy pilyo ang batang iyon. Paano nalang kung tatakbo siya sa kalsada bata pa ang iniisip niya at alam kong matino ka may galang alam kong sa sarili kong magagawa mo dahil Anak kita"

Para namang melyon melyong karayum ang tumusok sa akin.

Kaya hindi niya ko sinusundo oh hindi niya ako nasusundo dahil may tiwala siya sa akin.

"Hindi ko alam na yan pala ang nararamdaman mo, ang akala kopa naman ay masaya ka"

Kanina pa pala naluluha ang nanay ko. Narinig kong may tumakbo sa kwarto ko.

"Ma, bakit umiiyak si ate at ikaw?"

Naglakad siya papunta sa kabanet at may kinuha. Nandun pala ang game controller, hiniram ko kasi sa kanya kahapon at mukhang maglalaro nanaman sila ni Josh.

Wakang sumagot sa amin kaya umalis na siya.

"Ngumingiti lang ako dahil ayokong iaipin niyo na ang hina ko"

"Hindi ka mahina anak ko, alam mobang sobrang saya ko ngayon. Dahil nalaman ko mula sa iyo na mahal na mahal mo kami ng iyong ama. Dahil hindi monaman mararamdaman iyan oh masasaktan kung hindi mo kami mahal"

"Wag mona sanang iisipin iyan dahil dalawa lang ang masasabi ko. Anak kita at mahal kita"

Short Story: Reincarnation (COMPLETED)Where stories live. Discover now