Part 01

18 0 0
                                    

Year 2114

Sobra ang ngiti ko habang nakatingin sa librong binili ko.

"Reincarnation"

Iyan ang title ng kwentong ito. Sobrang daming namimili nito pero buti nalang naabutan ko.

Unti unting naglaho ang ngiti ko ng mabasa ang username ni author.

Sadnesseself

Hindi ko matanggap na patay na ang sumulat nito. Oo, matagal ng patay si Ate Yannah o mas kilala bilang Sadnesself.

Siya lang naman ang No. 1 sa pinakamaraming Followers sa wattpad.

Pero wala na siya, ang mas nakakalungkot pa hindi ko siya naabutan.

Dahil Limang taon na siyang patay ng isinilang ako.

Namatay siya sa taong 2095. Isinilang naman ako sa taong 2099 kaya limang taon pa ang lumipas bago ako ipinanganak.

Mamahalin mo talaga ang mga Gawa niya, dahil lahat ay may kakaibang mahika.

Kahit ang storyang hawak ko ngayon ay may line na tatagos talaga sa puso mo.

"Muli akong mabubuhay at muli ka ring mabubuhay"

"Ang pag ibig ko sayo ay muling maisusulat sa pangalawang pagkakataon, sanay mahalin mona ako"

Ang storyang Reincarnation na ginawa ni Ate Yannah ay tungkol sa...

Lalaking iniibig niya, na walang pagtingin sa kaniya. Nais niyang sa muling pagkabuhay nila ay mahalin na siya ng lalaking nagngangalang Nathan.

Matagal konang natapos basahin ang storyang ito pero ngayon lang ako nakabili ng librong ito.

Kaya labis ang tuwa ko. Naglakad na ako palabas ng National Book Store dito sa Yuna MegaMall.

Napatingin ako sa Karatolang naka sabit sa Railing na nasa 2nd floor.

"New year! Welcome 2114"

Hindi kona namalayan ang dinadaan ko dahil naka Focus lang ako sa karatola.

"Ouch!"

"Miss are you ok?"

Parang biglang nag slowmo ang paligid ng masilayan ko ang mukha niya.

Lumandas ang ngiti sa labi niya. Hindi ko maintindihan, bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang, parang matagal kona siyang kilala nq hindi ko maipaliwanag.

"O-oo"

Tinulongan niya akong tumayo. Napatingin siya sa librong nasa sahig.

"I-ikaw?"

Tanong ko? Para kase siyang natigilan ng makita iyon.

"Matagal naba tayong nagkakilala?"

Natigilan rin ako sa tanong niya. Yun rin sana ang gusto kong itanong.

Unti unting bumibilis ang tibok ng puso ko habang nakatitig sa kaniya.

"Tsug"

Bigla naman akong nagulat ng bigla niya akong hilahin paikot sa kaniya at ngayon nasa bisig na niya ako.

Hindi parin ako naka get over sa nangyari.

"Muntikan kana ron, Yannah"

Isa lang palang uri ng bagay na lumilipad sakay ang apat na tao sa pabilog na bagay. Parang sasakyan ng Aliens.

Wait! What? Yannah?

"Y-yannah?"

P-paano niya nalaman ang pangalan ko.

"Nathan"

Ano?

"Yun ba ang pangalan mo? Para kasing nagkakilala na tayo at may bigla nalang pumasok sa isip ko at Yannah ang salitang yon"

Napatingin ako sa libro ng bigla itong umilaw, hindi gaanong malakas ang liwanag kaya nakikita ko kong ano ang bagay na umiilaw.

"Muli akong mabubuhay at muli ka ring mabubuhay"

"Ang pag ibig ko sayo ay muling maisusulat sa pangalawang pagkakataon, sanay mahalin mona ako"

Yan ang mga litrang umiilaw.

Napatingin ako sa paligid ng makita ko sa peripheral vision ko na walang gumagalaw.

Nananaginip ba ako. Walang gumagalaw. Parang huminto ang oras at kami lang ng lalaking ito ang gumagalaw.

Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko ng bigla niya akong niyakap.

"Yannah, sa wakas nakita na kita at sa pagkakataong ito hindi na kita papakawalan"

Naestatwa naman ako ng marealise kong...

Short Story: Reincarnation (COMPLETED)Where stories live. Discover now