Chapter 6

14 7 0
                                    

Chapter 6

I am wearing a faded jeans with grey sweater on top and white sneakers shoes. Dinala ko rin ang straw bag kong may lamang tubig at tinapay. Ni ready ko lang dahil baka mabored ako at gutumin.

Hindi pako nakakapasok sa gubat ay may naka antabay ng hayop sa bukana. Kaya yumuko ako at iniwasan iyon. Ang alam ko ay lahat ng mga hayop ay titingin sa iyo pag nakapasok ka rito. Minsan aksidente mo silang matitignan sa mata. Minsan na rin iyan nangyari sakin kaya natakot na akong pumunta rito noon. Pero syempre, medyo curious ako sa kanila at kung paano sila mapapa amo kaya inaraw araw ko ang pagpunta noon.

Noong una ay natakot ako sa possibleng mangyari sa akin. Dahil walang nakakalabas dito ng walang galos at matindi ang tama sa iba't ibang parte ng katawan. May possibility ring mamamatay kang sinusungaban ng mga hayop. Mabuti nalang at kaibigan ko ang swerte.

Dahil sa pabalik-balik ko sa lugar na yon, natuklasan kong hindi ko man  sila mapapa-amo pero alam ko rin naman kung paano sila maiiwasan. Wag kang titingin sa mata. Walang nakakaalam nun. Ako lang talaga kaya ako lang ang nakakapasok dito.

Marami ng nagtangkang pumasok dito dahil sa kagustuhang makakuha ng mga bagay na malimit makita sa labas pero hindi sila nagtagumpay.

Nang makapasok sa gubat ay dumiretso ako sa talon. Nag iisang talon iyon at hindi iyon mahirap hanapin dahil matutunton mo ito gamit ang pandinig, maririnig mo ang lagaslas ng tubig kahit saan ka mang bahagi ng gubat. Kakaiba ang lugar na ito kaya expected na kakaiba rin ang mga bagay na may buhay dito.
 

Nang mahanap ko ang talon ay agad kong hinubad ang sneakers kong suot at lumusong sa mababaw na tubig. Bago ka makapunta sa kabila ay kailangan mong akyating ang malaking batong nasa harap dahil wala ng ibang daanan papunta roon.
 

Matarik ang lugar at matatalim ang bato plus may kadulasan rin kaya dapat na mag ingat dahil delikado at baka mabagok ang ulo mo. Una kong punta rito ilang araw akong hindi nakalabas ng bahay dahil hirap akong makalakad. Marami ring pasa at sugat sa ilang bahagi ng katawan.

Dito rin ako kumuha ng mga batong pinapahanap ni Leo kaya sanay na ako sa pag akyat sa matarik na talon.

"Hay salamat! Hoo!"

Nang maka akyat ay muli akong bumaba sa kweba sa ilalim. May isinabit akong tali sa batuhan dito para mas mabilis ang pag baba ko sa ilalim.

May tinatagong kweba ang talon na ito at matatagpuan mo iyon sa taas ng talon.
 

Kumuha ako ng mga kakailanganin. Pagkatapos ay umakyat ulit at bumaba sa talon.
 

"Awooooo! Awoooo!" Nakarinig ako ng ungol mula sa 'di kalyuan kaya dali dali akong tinunton iyon. Lakad takbo ang ginawa ko bago makarating sa kakahuyan.

"Shit!"

May pumasok sa gubat.

Sino namang bobo ang papasok dito?
Alam naman ng lahat na mapanganib ang lugar na ito.

I withdraw the knife from my pocket and gripped it tightly. Parati ko iyong dala, kung sakaling may mangyaring masama ay may panlaban ako.

Binitawan ko ang sukbit kong straw bag saka ako dali daling tumakbo doon sa lobong nakatingin sa itaas ng puno na para bang nakakita ng kakainin.

Isang lalake.

Takot na takot ito na nakatingin sa mata ng lobo. Wrong move.

Dahil busy sa kakatahol ang lobo ay pumunta ako sa likod niya tinalunan at niyakap ng napakahigpit. Huli na ng lumingon ito para kagatin ako dahil nahiwa ko na ang kanyang leeg. Dumanak ang malapot na kulay berdeng likido sa lupa at sa aking kamay. Natalsikan din ang damit ko pati ang aking mukha.  

Wala ng nagawa ang lobo kundi ang umungol hanggang sa mawalan ito ng hininga. Nakalawit pa ang dila. Saka ko lng iyon binitawan ng masigurong patay na ito. Tinignan ko ang aking damit na may dugo ng hayop.
 

Mantsa na naman to. Tiningala ko ang lalaking  nasa taas ng puno.

"Bumaba ka na riyan!"

Nang masiguradong patay na nga ang hayop ay agad siyang bumaba. Narinig ko ang marahas niyang paghinga tsaka pinagpag ang kamay.

"Salamat." Casual niyang sabi ng nakatingin sa akin.

"Wag kang magpasalamat. Sa susunod aralin mo muna ang pinapasukan mo hindi yung pasok ka nalng ng pasok. Wag ka ng babalik rito at baka maulit pa yon."
 

"S-sige."

"Ihahatid na kita, sandali lang." Binalikan ko ang straw bag ko saka sumenyas na sumunod siya sa akin. 

"Yumuko ka habang naglalakad." Sabi ko ng may nakita akong hayop di kalayuan.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya.

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Hindi ba't delikado rito?"

Abah! Binalik ba naman ang tanong sakin.

"Delikado pala eh, ba't ka pa pumasok dito?" Tanga ka ba?Bobo ba to? Umirap ako.
 

"Nakita kase kitang pumasok dito  kaya sinundan kita. Hindi ko naman alam na ganon ang mangyayari."

Tahimik akong nagpatuloy sa paglalakad, nasa tabi ko naman siya kaya nababantayan ko rin.

"Ano yan?" Napansin niya siguro ang bag kong dala.

"None of your business." Simpleng sagot ko.

Nararamdaman niya sigurong mabigat kaya...

"Tulungan na kita." Kukunin niya na sana sa balikat ko pero iniwas ko yon. Ano ka sinuswerte? Feeling close ka masyado.

Mabigat siya sa totoo lang pero wala akong balak magpatulong.

"Wag na."
  

Sa wakas ay nakarating rin sa entrada. Iminuwestra ko sa kanya ang daan salungat sa dadaanan ko.

"Oh! Ayan. Alis nako."
 

"Thank you ulet."
 

"Hmm." Tinanguan ko lang siya saka tinalikuran.

"Ba't ganyan itsura mo?" Tanong ni Bea ng makarating ako sa meeting place namin. Gulat na gulat pa ang itsura. Eto pang isang feeling close. -.-

Imbis na sagutin ay dumiretso ako kay Leo na nag sasalansan ng gagamitin. Hinagisan niya ako ng extrang damit ng makitang ganun ang  ayos ko. Hindi na siya nagtanong pa dahil alam niya naman kung saan ako nagpunta.

Nagtulong tulong kami sa paggawa ng project. Ako ang tumutulong sa pag abot ng mga gamit, si Bea ang nagbabasa sa mga nakasulat sa libro at si Leo ang nagpupokpok at gumagawa ng sandata. 

Minsan ay nagkakamali ng pagkakasunod sunod itong si Bea, kaya napapairap nalang ako. Mabuti na lang at magaling si Leo at maalam na sa paggawa kahit wala ng instructions ay sure akong kayang kaya niyang gumawa ng mag isa. Diyan siya expert, sa paggawa ng sandata. Pinapabasa niya lang talaga ang libro para may mai-ambag sa grupo itong si Bea.

Oracle of the PastWhere stories live. Discover now