"Clyde, may mga pangarap pa tayong gustong maabot. Ayun ang uunahin natin. Sabay nating tutuparin ang pangarap natin." sagot ko sa kanya. "Me, being Chef and you being Engineer."

He smiled.

"I'm glad you still remember my dream." sagot niya. Pinisil ko ang kamay niya at ngumiti.

"Hindi ko makakalimutan ko 'yon. Dahil isa ako sa mga sinabihan at pinangakuan mo noon na kahit anong mangyari, magiging Engineer ka." sagot ko. "At kapag nangyari yon. Isa ako sa mga proud sayo, Clyde. Ngayon pa nga lang, I'm proud na."

"Thank you so much, Annie. Pangako ko na nandyan din ako lagi sa tabi mo, sabay nating tutuparin ang pangarap nating dalawa." sagot niya. He intertwined our hands at sumandal ako sa balikat niya.

I'm rooting for you soon to be Engr. Clyde Ark Lopez.

Nag stay pa nang ilang oras si Clyde bago magpaalam na uuwi muna para mag celebrate ng noche buena kasama ang pamilya niya. Nagsabi ito na babalik siya dito mamaya.

Kasalukuyan kaming naghahain ng pagkain sa lamesa ng marinig ang boses ni Tito Kenjie sa sala. Agad lumabas si Mama ng kusina para salubungin ito.

"Annie, bilisan mo na diyan para makakain na din tayo." paalala sa akin ni Lola. Tumango naman ako nilagay na ang pitsel na may lamang iced tea sa lamesa.

"Ma, Tito Kenjie. Kain na po tayo." anyaya ko sa kanila. Tumango naman sila at sumunod sa akin papuntang kusina.

"Annie, para sayo 'to. Merry Christmas." sabi ni Tito Kenjie at may inabot na paper bag. "Sana magustuhan mo."

"Nag abala pa po kayo. Maraming salamat po." sagot ko.

Nagsimula na kaming kumain na may kasamang kwentuhan at tawanan. Nang matapos sa hapunan at nilabas ko ang dessert at binigyan sila isa isa.

Habang kumakain kami ng dessert ay naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko. Yanzee text me.

From: Rana
Annie, nasa labas niyo ako.

Tumayo ako at nagpaalam kila Mama at sinabing nasa labas si Rana

"Ganon ba? Papasukin mo dito para makakain." sabi ni Mama na kinatango ko.

Lumabas na ako at binuksan ang gate. Nakita kong naka park ang isang itim na motor malapit sa gate namin. A man with a black hoodie and lumapit sa akin.

"Hey, Annie." bati niya sa akin. Umatras ako ng may inabot siya sa akin.

"W-Who are you? Where's Rana?" tanong ko dito.

"Uh, I used Rana phone to text you. I just want to give this to you." sabi niya habang inaabot sa akin ang dalawang paper bag.

"Ano 'yan? Para saan?" tanong ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit niya ako binibigayan ng regalo. I didn't know him!

"Uh, because...its Christmas and its time to giving gifts, exchanging cards, I believe that Christmas is trully in our hearts?" sagot niya sa akin.

"And you said earlier na ginamit mo ang phone ni Rana to text me!" I said.

"Okay, Rana just buy some snacks near in your house. Iniwan niya sa akin ang phone niya and yes, magkasama kami." sagot niya sa akin. "Come on, kunin mo 'to."

"Why would I?" tanong ko ulit dito.

"You will find out once you open that." sagot niya. Kinuha niya ang kamay ko at pinahawak ang dalawang paper bag. "The black one is mine. Bye and Merry Christmas, sis."

Umalis na siya sakay ng motor niya. Sinundan ko ng tingin ang papaalis niyang motor. May hinintuan siyang tindahan at nakita ko si Rana na umangkas sa kanya.

I look at his gift. What is this? I open the black one paper bag. It has a card.

From: Angel
To: Annie❤️

Merry Christmas, sis.

Tinignan ko ang laman na nakita ko ang libro na gustong gusto ko pero hindi ko mabili dahil sa presyo non.

"Oh my..." mahina kong usal.

Binuksan ko na din ang isang paper bag. It also has card on it. I read the card.

To: My princess Annie
From: Papa

Merry Christmas, princess. I'm sorry I'm not present in your previous Christmas and birthdays but I promise, baby. Babawi si Papa, okay? Malapit na. I love you.

I'm all shock while reading the card. Is this for real? Is this really happening?! Kahit nangangatog ang kamay ay binuksan ko ang regalo niya. It comes from red velvet box. Pag bukas ko ang bumungad sa akin ang personalized necklace.

Alonzo.

Naramdaman kong tumulo ang hula ko dahil sa nararamdaman. I'm nervous, happy and the same time sad. Totoo ba 'to, Papa?

Kahit na umiiyak ako ay pumasok ako sa bahay. Pinunasan ko muna ang luha ko bago humarap sa kanila.

"Ma..." tawag ko kay Mama.

"Oh, bakit ang tagal mo at nasaan si Rana? Akala ko ba nandiyan sa labas." tanong niya sa akin.

"Ma, can I talk to you? In my room?" tanong ko dito.

"Sure. Why? May problema ka ba?" tanong niya sa akin habang paakyat kami ng hagdan. Nakarating na kami sa kwarto ko at naupo ako sa kama ko.

"What the problem, Annie?" she asked at dumako ang tingin niya sa bitbit ko. "At kanino galing yan?"

"Galing 'to sa isang lalaki. His name is Angel." sagot ko. Nakita ko ang pagka gulat ni Mama.

"A-Angel? Anong binigay niya sayo?" tanong niya at binuksan ang laman ng regalo. She opened the velvet box. "N-No..."

"I want to see, Papa." I said.

"No! Hindi pwede, Annie!" pigil niya sa akin. "This is just prank! Pinag titripan ka lang ng mga 'yon!"

"Paano kung siya yon, Mama?!" I said. Umiling iling lang si Mama sa akin.

"No, no, no! Hindi totoo yon, Annie! Matagal na tayong kinalimutan ng tatay mo! At hindi na siya babalik!" sagot niya sa akin. I cried on what she said.

"I just want to see him, Mama..." mahina kong usal habang umiiyak.

"Annie, hindi ka pa ba masaya na nandito ako? I tried my best para maging ama't ina sayo." sabi niya at hinaplos ang buhok ko.

"Gusto ko lang makilala ang ama ko. Ma, alam mo 'yan. Alam mo kung gaano ko kagusto makilala siya." sagot ko.

"I know, Annie. Pero once na makilala ka niya, kukunin ka niya sa akin. Natatakot ako na baka piliin mo siya at maiiwan ako mag isa. Hindi ko kaya, anak." naiiyak na sagot ni Mama. She hugged me.

"Tahan na, Anak." pagpapakalma sa akin ni Mama kahit pati siya ay umiiyak.

"What is his name, Ma?" tanong ko dito. "Anong pangalan ni Papa?"

"Your father's name is Gilbert Alonzo."

- Madam L.

Section Series #1 - Ex जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें