Chapter 19: The Truth

310 38 22
                                    

Kinabukasan ay tuloy ang plano nila. Malaya silang nakalabas ng mall nang walang sagabal. Takbo, lakad, palo, pagpapatumba, at tago. Iyan ng ginagawa nilang apat at ngayon ay nasa loob sila ng isang milk tea shop, nagpapahinga. Busy si Schedel sa paghahanap ng mga ingredients para gumawa ng milk tea pero wala siyang nakita.

“Kainis naman! Gusto ko na ulit makatikim ng milk tea,” inis na hiyaw ni Schedel at ginulo ang buhok at naupo na lang. Napahimas si Schedel sa tiyan niya nang kumalam ito. “Nagugutom na ako.”

“Uminom ka na lang ng tubig at magpahinga,” payo ni Wart habang nakapikit.

“Puro na lang tayo tubig at mga canned goods at paubos na rin. Nakakasawa na,” reklamo ni Schedel kaya narinig niyang tumikhim si Felis at napatakip na lang siya sa bibig niya.

Hapon na kaya kailangan na naman nilang maghanap ng kakainin. Hindi madali ang pinagdadaanan nila ngunit ayos lang kay Felis, basta’t kasama niya ang kapatid niya.

“Are you alright, Iah?” nag-aalalang tanong ni Felis. “Nagugutom ka ba?”

Napailing si Iah bago ngumiti at niyakap si Felis kaya niyakap din siya pabalik nito. Ilang araw na rin simula nang bumalik si Iah sa dati. Minsan ay hindi pa rin maiiwasang bigla siyang manginig at magulat kapag hahawak si Felis sa kaniya bigla. Hindi man maganda ang napagdaan ni Iah, kahit na pilit niya itong kalimutan, alam niyang hinding-hindi ito mabubura.

Nanlaki ang mga mata ni Felis nang makita kung paano mag-unahan sa pagtulo ang mga butil ng luha ni Iah kaya dali-dali niya itong pinunasan.

“May masakit ba sa iyo? Nagugutom ka na ba, Iah?” kinakabahang tanong ni Felis habang sinusuri si Iah.

“Thank you, Kuya,” umiiyak na sabi ni Iah at niyakap nang mahigpit si Felis.

Napakagat sa labi si Iah. Hindi niya lubos-maisip kung ano ang kalagayan niya kapag wala si Felis sa tabi niya. Hindi niya kayang mabuhay. Nawalan na siya ng mga magulang. Nawalan na siya ng nobyo. At hinding-hindi niya hahayaang mawala sa kaniya si Felis.

“Tara na, baka gabihin tayo sa daan. Masyadong delikado,” yaya ni Wart bago tumayo at nagpagpag habang inaayos ang baril na dala.

Tumayo na rin ang iba at sabay silang lumabas sa milk tea shop. Habang naglalakad sila sa kalsada ay hindi maiwasan ni Felis ang magpalinga-linga. Nakakapagtaka kasi na ang tahimik lang sa paligid at parang walang outbreak na nangyayari. Kahit na mainit at nakakagutom na ay naglalakad pa rin sila hanggang sa matanaw na nila ang isang gasoline station.

“May gasoline station!” masayang sabi ni Schedel at itinuro ang isang gasoline station sa hindi kalayuan kaya agad silang tumungo roon.

“Prepare yourselves,” saad ni Felis nang makita ang maraming zombies na pakalat-kalat sa gasoline station.

 “Relax, Felis!” natatawang sabi ni Wart dahil sa paningin nila ay nagiging demonyo na ito at walang awang pinagsasaksak at pinaghihiwa ang mga katawan ng mga zombie. “Sabik ka naman masyado!” Pinagbabaril na rin nina Wart ang iba.

“Gusto ko na yatang maging pulis kaysa sa doktor ng mga hayop. Ang astig makipagbarilan!” natutuwang usal ni Schedel at pinagbabaril ang zombies na pakalat-kalat. Sa noo, sa puso, sa tiyan, at kahit saang parte pa ng katawan. Pinagbabaril ni Schedel hanggang sa mapahandusay na ang mga ito.

Tumunog na naman ang cellphone ni Felis kaya ibinaba na muna niya ang hawak na baril at binasa ang mensahe.

‘Felis jhansen, I am the solution. -AIOE 25’

“The solution?” Isinilid na naman ni Felis ang cellphone niya sa bulsa at pinulot ang baril bago ito ikinasa. “A solution is also an answer or antidote. It means that AIOE 25 knows the solution? Or AIOE 25 is the solution? The antidote?”

Neutral Zone: AIOE 25✓ [SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Where stories live. Discover now