"'Wag na, matulog ka na," malamig na usal niya. Ang nagbabadyang ngiti sa labi ko biglang naglaho.

"G-Grant naman, eh." Hindi ba talaga siya nagseselos? Eh, ba't ganito siya? Nag-iilusyon na naman ako? Hindi ko nga alam kung galit ba siya o ano. Lumapit siya sa 'kin pagkaligpit ng mga nakalagay sa mesa. Dumudugo pa rin ang daliri niya. Malalim nga. "Your hands—"

"I'm okay, Heather..." Pinunasan niya ang pisngi ko gamit ng kabilang kamay. Hindi ko napansin na umiiyak na naman ako. Sirang faucet nga ang mga mata ko. "Pumunta ako sa safe house kanina. I'm sorry kung sinabi kong may meeting kami kahit wala naman talaga. Ayoko lang na sabihin sa 'yo sa tawag. Pero wala naman akong balak na itago 'yon sa 'yo."

"G-Grant..."

"Gusto man kitang isama pero hindi pwede. Alam kong iiyak ka at patuloy mong sisisihin ang sarili mo kapag nakita mo si Xyrene." Napahagulhol na ako nang muli niyang yakapin. Hinalikan niya ako sa noo. "I don't want to lie to you. I don't want you to lie to me, either. Gusto kong maging honest tayo sa isa't-isa. P'wede ba?"

Niyakap ko siya. Mahigpit. Marami akong gustong alamin. Marami siyang itinatago sa 'kin, alam ko. Kaso natatakot ako. Baka hindi ko makayanan ang isasagot niya. Makukuntento na muna ako sa ganito. Kahit na magulo at malabo.

Minsan nga mas okay pa kung hindi mo na malalaman ang mga kasagutan sa mga katanungang bumabagabag sa 'yo dahil baka masaktan ka lang nang husto. Kaso hindi ko naman makokontrol ang ikot ng mundo. Alam ko na darating din ang araw na malalaman ko ang mga sagot sa mga tanong ko.

Tumango ako. "I promise, I won't lie to you!" Kinagat ko ang labi at mas ibinaon ang mukha sa mabango niyang dibdib. Naririnig ko ang tibok ng puso niya. Nag-angat ako ng tingin. "M-May lakad pala kami ni Brix bukas," basag ko sa katahimikan. Walang magsisinungaling, 'di ba?

Humigpit ang pagkakahawak niya sa 'kin. Tinitigan niya ako. Matagal. Pakiramdam ko nga tagos hanggang buto ang kanyang mga titig. "Sasama ako!"

"H-Ha?" Napaawang ang aking bibig. "May trabaho ka at—"

"Wala akong pakialam. Basta, sasama ako!" pinal na desisyon niya. Medyo tumaas pa ang boses.

Hindi ba talaga siya nagseselos?

_..._..._

"MALUWAG BA? Mahigpit? Masakit?" Sunod-sunod na tanong ko kay Grant matapos kong lagyan ng benda ang kaliwang kamay niya. Hindi lang pala sa daliri siya may sugat. Meron din sa mismong palad. Ano ba'ng ginawa niya sa bubog at ang lalim ng sugat niya? Ayaw pa nga niyang palagyan ng benda. Nagmupilit lang ako!

Ngumiti siya. Nagwala tuloy ang puso ko pagkakita ng dalawang maliliit na biloy sa kanyang pisngi. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuoan niya. Nakasuot siya ng plain white long-sleeves jacket na itinupi hanggang siko, bleached pants at rubber shoes na may check sa gilid. May suot din siyang black Rolex watch. Samantalang ako, nakasuot naman ng black sleeveless top, skinny jeans at sneakers. May dala rin akong jacket in case na lamigin ako. May suot din akong gano'ng relo sa kanya. Ibinigay niya kanina. Sabi niya couple watch daw. Kinilig naman ako, tagos-tagusan.

"I'm not dying, baby, so you don't need to worry!" Hinapit niya ako sa bewang. Ramdam ko ang pag-ikot ng mga lamang-loob ko. "Let's go!"

Habang naglalakad kami'y tumunog ang cellphone ko. Natagalan pa akong hagilapin sa bag dahil sa panginginig ng mga kamay. Shit! Kasalanan talaga 'to ni Grant! Napalabi ako pagkakita kung sino ang tumatawag.

"Ano?" bungad ko kay Angel, busangot ang mukha. Hindi ko alam sa babaeng ito kung spy agent talaga. Kasi naman palaging sakto sa ganitong moment kung mang-iistorbo.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Where stories live. Discover now