Speaking of Clara, dumating na ito kasama si Daphne. Magka-service sila kaya palaging sabay ang dalawa pumasok. Sinalubong naman ni Ysabelle si Clara, at ni Azalea si Daphne. I admire their friendship especially the three, Ysabelle, Clara, and Daphne. I'm most amazed at Clara, she can easily adjust to a new person with their different environment and will become friends. After a few talk Clara went to the seat beside me.
"Goodmorning," she greeted then put her bag down her seat.
"Morning," I said.
"Kabisado ko na lahat," sabi nya, pertaining to the poem.
"Share mo lang?" pambabara ko, ngunit irap lang ang natanggap ko. "'Te, alam mo ba?" tanong ko.
"Syempre hindi pa," pabalik bara sa ginawa ko sa kanya kanina.
"Epal," sabi ko at tumawa. "Ayun na nga, may nag-message sa'kin,"
"Oh?" wala kwentang tugon nito at patuloy na naghahalungkat ng kung ano-ano sa bag. Sinasabi ko na nga ba at kay Jameson lang ito may paki.
"Gwapo," dagdag ko pa.
"Gwapo?!" gulat na tingin nya sa'kin. "Tingen!" Sabi nya iminuwestra ang mukha sa harap ng cellphone ko.
"Gwapo? saan?" pag-lingon ni Daphne sa'min. "Sorry, feeling close." sabi nya at nag peace-sign nang mapansin nyang gulat akong napatingin sa kanya. Kinuha ko na ang uportunidad na'to para magkaroon ng mga panibagong kaibigan.
"Eto oh," pakita ko ng picture ng lalaking nag-send sa'kin.
"Hala! Gwapo nga!"hagikhik ni Clara ng makita ang larawan. "Ysa, tignan mo oh! Ang gwapo!"
"Az, tignan mo! Mas gwapo pa sa Max mo!" Sigaw ni Daphne kay Azalea, tinutukoy ang boyfriend nitong nasa kabilang section.
Dumungaw naman ang dalawang kaibigan nito at tinignan ang larawan.
"Bet! Pa-send ng profile," natatawang sabi ni Ysa.
"Tse! Mas pogi pa'rin si Max," pag-tanggol ni Azalea sa nobyo nito.
Lahat kami ay nagtawanan sa samu't saring reaksyon na natanggap. Hindi nagtagal ay nag-ring na ang bell, hudyat na first subject na.
Pagkatapos ng dalawang subject para ngayong umaga ay recess na. Umalis ng sabay si Clara kasama si Ysabelle para kumain sa Cafeteria kasaa ang mga kaibigan nito sa kabilang section. Habang nanatili naman ang dalawa para kumain sa loob ng room.
Dumiresto ako sa small canteen, kung saang nakagawian nami ng ga kaibigan ko last year kumain. I enjoyed my meal and talk with the people I haven't spend much time with.
"Naalala mo ba last year? Kung gaano ka galit na galit si Javier magalit tuwing ang ingay natin!" Natatawang sabi ni Asher, na kaklase ko pa'rin hanggang ngayon "Pupusta ako, hanggang ngayon ganoon pa 'rin sya!" sabi nya pa.
"Pupusta ako, bente." gatong ni Diana.
"Sendan mo 'ko vid," sabi ni Ryleigh.
"Ako 'rin,"gatong pa ni Juliette.
Ngayon magkakasama sa isang section si Ryleigh , Juliette, at Aria. Kami nila Diana, Dawn, at Asher. Samantalang naiwang mag-isa naman si Audrey.
Ang adviser ko ngayong taon ay katulad parin nung nakaraan, si Binibining Cabrero.
"Javier, at officers, maiwan." sabi ng aming guro nang matapos ang kanyang klase.
Unti-unting nawala ang mga tao sa silid-aralan. Tumlong na 'rin ako mag-linis sa cleaners para mapabilis ang oras. Nang makauwi na ang cleaners ay nagsimula ng mag attendance ang beadle namin para sa unang meeting.
Isa-isa kaming tinawag ni Jaclyn, nang matapos ang attendance ay nagsimula na'rin kami kaagad.
"Ano ang naiisip ninyong theme para sa ating bulletin?" ani Binibing Cabrero.
"Nag pa-survey po kami kanina," sagot ni Taylor. "Nabilang na din po namin ni Brennan"
Sila Taylor at Brennan ang peace officer namin.
"Ang lumabas po na resulta ay Adventure Time," sagot ni Brennan.
"Kung ganoon, Clar," pag tawag ni Binibini kay Clara.
"Po?" anito.
"Adventure Time ang napiling tema, gumawa ka ng tatlong lay-out para sa tatlong bulletin board. Ibigay ang disenyo sa'kin hanggang biyernes." utos ni Binibini.
"Opo!" sagot nito.
"Javier," tawag sa'kin.
"Po?"
"Mag-isip ng puwedeng lagayan ng mga tambak na bote sa likod," sabi at tinignan ang mga boteng naroon. Hindi naman ito magulo, ang problema lang ay nakasalansan na ito sa likod at halos sakupin na ang espasyo dito.
"Sige po," sagot ko. "Azalea, kailangan natin ng trash bag na itim, katulad ng ginawa namin noong nakaraang taon." binigyan lamang ako ng maliit na tango ng treasurer namin.
"Keith, Azalea, mangolekta na kayo ng tig-sampu bukas at sa susunod na araw. Para iyan sa ipupuhunan para sa bulletin," utos ni Binibini.
"Sige po," pag-sang ayon ng auditor, at treasurer.
"Kung wala na tayong dapat pag-usapan, Jaclyn, ilagay mo na kung anong oras tayo natapos." ani Binibini at lumabas na ng silid.
Dali-dali akong nag-ayos ng gamit ko at dumiretso sa locker para ilagay ang iilang librong hindi naman kailangan iuwi.
"Javier!"sigaw ni Clara mula sa pintuan. "Sabay ka ng uwi?" tanong nito.
"Naku, hindi eh. May dadaanan pa'ko." tanging nasabi ko.
"Ganoon ba? Sige, una na kami ni Meagan. Ingat sa pupuntahan mo!" Pag-bati nito at umalis na.
Nagtungo ako sa LBC malapit sa school. May pinapakuha sa'kin si ate at nang mga dokumentong kailangan sa pag-alis nya. Hindi na'ko hiningan ng I.D. dahil kilala naman na akong crew. Pagkatpos ay dumiretso ako sa Pandayan Bookshop para bumili ng iilang papel na kailangan pang-eskwela.
Nakauwi ako sa bahay ng alas-sais na. Dahil sa sobrang traffic at konti ng jeep ay inabutan na ako ng dilim sa labas. Mula sa labas ng bahay ay nakita ko na sila mama't papa sa labas at nag-iihaw ng aming uulamin.
"Good evening po, ma, pa." pag-bati ko at nag-mano. "Pasensya na po natagalan ng uwi, traffic po sa may Maysan." pag papaliwanang ko.
"Naku, ang mahalaga ay naka-uwi ka na." sabi ni papa.
"Nandun na ang mga kapatid mo sa hapag, magbihis ka na," si mama at nagpapatuloy sa pag paypay ng uling.
"Ate," tawag ko at inabot ang kulay brown na envelope.
"Salamt, bunso," sabi nito at kinuha ng envelope sa aking kamay.
Dumiretso na ako sa aking kwarto at nagpalit ng damit pambahay. Kumain na 'rin ako ng hapunan, nag usap-usap kaming pamilya tungkol sa studies namin.
Pasado alas-otso na ako nakapag-bukas ng social media accounts ko. Una kong binuksan ang messenger at naalala ang sinabi ni Ysabelle.
Javier Paine created the group.
Javier added Clara Carter, Ysabelle Page, Azalea Suliman, and Daphne Ellis to the group.
Javier Paine named the group 'SAMAHAN NG MGA BOBONG INIWAN'.
----
01
YOU ARE READING
Between Distance (Between Series #1)
Teen FictionBetween Series #1 Javier has only one principle in his life, and that is. Forget and go on with life. Who would have thought a guy on social media could make him drop his principle? He go on with his life but he never forgot what happened since th...
CHAPTER 1
Start from the beginning
