Lovers of Death (Psychopath#03: Death Series)

7 4 0
                                    

—❤—

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


—❤—

Magkahawak kamay ang dalawang magkasintahan habang naglalakad sa isang parke. Masayang masaya silang dalawa dahil magkasama sila. Sine-celebrate nila ang kanilang dalawang taon bilang magkasintahan.

"Angel.." Tumigil ang lalaki habang naglalakad saka niya hinarap ang kasintahan niyang si Angel.

"Ano 'yon Kris?" Nagtitigan ang dalawang magkasintahan. Habang tinititigan ang isa't-isa, tila ba bumagal ang lahat sa kanilang paligid.

"Angel.. I love you, I love you so much. Alam mo naman 'yan hindi ba?" Tanong ni Kris sa kasintahan.

"Oo naman. I love you too. Mahal na mahal na mahal na mahal kita Kris, kahit ano gagawin ko para sayo." Sagot naman ni Angel.

Lumapit si Kris kay Angel at dahan dahang hinalikan ang noo ni Angel. Yumakap naman si Angel sa kanyang nobyo. Mahal na mahal nila ang isa't-isa na handa silang mamatay para sa isa't-isa. Handa rin silang.. pumatay kung may sisira sa kanilang pagmamahalan.

Late na pumasok ngayon sa eskwela si Angel kaya hindi niya naabutan sa unang klase si Kris. Ngayon ay hinihintay niya ito sa lagi nilang tagpuan. Halos sampung minuto nang naghihintay si Angel ngunit wala pa rin ang kanyang nobyo. Tinatawagan niya rin ito ngunit walang sumasagot. Alalang-alala na si Angel sa nobyo kaya't napagpasiyahan niya nang hanapin ito kahit napakalawak ng eskwelahan.

"Marco!! Nakita mo ba si Kris? Kanina ko pa kasi siya hinihintay." Tanong ni Angel kay Marco, matalik na kaibigan ni Kris. Kapag hindi silang dalawa ang magkasama, si Marco lang ang kasama ng nobyo niya kaya nagtataka siyang hindi nito kasama si Kris ngayon.

"Wala siya sa library? Akala ko pupuntahan ka na niya kanina, doong gawi kasi siya dumaan eh." Napakamot ng ulo si Marco. Nagtataka at nag-aalala naman si Angel dahil ngayon lang hindi sumipot si Kris. Nagmamadali siyang tumakbo upang hanapin si Kris.

Hingal na hingal na siya sa kakalibot sa napakalaking eskwelahan nila pero hindi niya pa rin nakikita si Kris. Susuko na sana siya at papasok sa klase nang marinig niya ang boses ng kasintahan sa malapit. Napakabilis ng paghinga at nang pagtibok ng puso ni Angel dahil sa hingal. Dahan dahan niyang sinilip ang pader na malapit sa kanya. Nakita niya si Kris kasama si Eunice. Matalik na kaibigan niya si Eunice matagal na panahon na. Lalapit na sana si Angel nang halikan ni Eunice si Kris sa pisngi nito. Nanginig sa galit si Angel, hindi siya makapaniwalang pagtataksilan siya ng kanyang nobyo at sa kaibigan niya pa.

Masayang nag-aabang si Kris sa pagdating ni Eunice. Inimbitahan niya kasi ito sa kanyang bahay. Mas lumapad ang ngiti sa labi ni Kris nang may narinig siyang nagdoorbell. Masigla siyang tumayo upang buksan ang pinto. Tumambad sa kanya si Eunice na napakakapal ng kolorete sa mukha, halatang pinaghandaan ang gabing ito.

"Baby! You look so beautiful!!." Yinakap agad ni Kris si Eunice.

"Baby naman eh! Lagi naman akong maganda!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PsychopathWhere stories live. Discover now