Kiss of Death (Psychopath#01: Death Series)

22 8 23
                                    

                              — 💀 —

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

                              — 💀 —

"Do you love me? You'll die for me right?" Tanong ng babae habang diretsong nakatitig sa mata ng lalaki sa kanyang harapan.

"I do love you baby! Ofcourse I'll die for you." Inilapit ng lalaki ang mukha niya sa mukha ng babae at dahan dahang pinag dikit ang kanilang labi. Nang madama ng lalaki ang malambot na labi ng babae, nakaramdam ng sakit ang lalaki. Tila ba may nabutas o nahiwa sa kanyang katawan. Nagtaka siya pero dahil nakakalasing ang halik ng dalaga hindi niya na ito pinansin pa. Nakarinig ang lalaki ng malakas na pag tulo ng kung ano mula sa sahig. Ibinaba niya ang tingin at nakita ang kulay pulang likido. Nanlaki ang mata niya nang malamang dugo niya iyon. Pinilit niyang kumawala sa labi ng dalaga pero nakakagat ang babae sa labi niya. Ibinigay niya ang buong lakas niya upang matulak ang dalaga. Napakabilis nang tibok ng puso ng lalaki, ramdam niya rin ang hapdi sa kanyang labi. Dinamplis niya ang daliri sa pang ibabang labi at nakitang nagdudugo na ito. Napakalalim ng sugat at napakaraming dugo ang umaagos. Yumuko siya upang tignan ang kanyang tiyan na nakahapdi na rin, nakabaon ang isang patalim.

"Mahal mo ko hindi ba? Mahal din naman kita Jacob pero mas mahal kong makita kang naliligo sa dugo." Nakangisi ang dalaga habang  pinaglalaruan ang sariling labi.

"N-Nababaliw ka na!" Napaupo ang lalaki sa sahig dahil nauubusan na rin siya ng dugo. Tumayo ang babae at humakbang papalapit sa kanya. Takot na takot si Jacob sa gagawin sa kanya ng babae.

"Matagal na Jacob! Matagal na! Hindi ba sabi mong handa kang mamatay para sakin? Pagsisinungaling ba 'yon Jacob?Pagsisinungaling din lang ba na mahal mo ko? HAHAHAHAHAHAHAHHAHA!!" Binunot ng babae ang patalim na nasa tiyan ni Jacob dahilan upang mapahiyaw ito sa sakit. Nanlalabo na ang paningin ni Jacob at humihina na rin ang naririnig niya sa paligid. Humalakhak ang babae at muling sinaksak si Jacob na walang magawa kundi humiyaw. Hinang hina na ang katawan niya at alam niyang saglit na lang ay mawawalan na siya ng buhay. Paulit ulit siyang sinaksak ng babae. Hindi niya na marinig ang mga sinasabi nito ngunit nabasa niya ang huling salitang galing sa labi ng dalaga.

"I.. love.. you.." Hinalikan ng babae si Jacob sa pisngi. Tuwang tuwa siyang makitang naliligo sa dugo si Jacob na tila ba ito lang ang kasiyahan niya.

"I love you."

———

"Sino?! Sinong may gawa non?! Bakit ang tagal? Isang buwan na yung lumipas oh! Isang buwan na at malaya pa yung gumawa non sa kuya ko!!" Nanlilisik ang mata ni Ethan sa mga pulis. Hindi niya na kaya pang kumalma dahil isang buwan nang walang balita tungkol sa pagkamatay ng kuya niyang si Jacob.

"Sir huminahon po kayo, ginagawa naman po namin ang--" Hindi naituloy ng isang pulis ang sasabihin nang sapakin ni Ethan ang lamesa sa kanyang harapan.

PsychopathWhere stories live. Discover now