Garden of Death (Psychopath#02: Death Series)

12 6 0
                                    

— 🥀 —

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


— 🥀 —

Tahimik na naglalakad si Pauline pauwi sa kanyang bahay. Kagagaling niya lang sa eskwela. Pagod at inaantok na ang dalaga kaya naisipan niyang umupo muna sa ilalim ng isang puno. Inalis niya ang bag na nakasabit sa kanya at inilagay ito sa tabi niya. Masyadong malayo ang bahay ni Pauline sa eskwelahan niya at naglalakad lang siya dahil sa kulang ang kanyang pera para sumakay. Sumandal sa puno si Pauline at tinanaw ang tanawin sa kanyang paligid. Nagtaka siya nang makita ang isang napakalaking mansion sa malayo. Malayo ito sa pwesto ni Pauline ngunit kitang kita niya ang mansion dahil sa laki nito. Ilang beses na siyang dumadaan dito ngunit ngayon lamang niya napansin ang mansion. Dahil sa pagtataka, naisipang puntahan ng dalaga ang mansion. Tumayo siya at naglakad patungo dito. Ni hindi niya na nakuha ang bag niya. Tila ba hinihila ang dalaga papunta sa bahay.

Sampung minuto lamang siya naglakad ay nakarating na siya sa napakalaking mansion. Napatingala si Pauline nang tumambad sa kanya ang napakalaki at napakataas na gate. Nangangalawang na ang gate ngunit bakas dito ang pagiging engrande nito. Napapalibutan ng matataas na puno ang buong mansion. Wala ring mga bahay na matatagpuan sa buong paligid. Aalis na sana si Pauline nang biglang bumukas ang napakalaking gate. Kasabay nang pagbukas nito ang malakas na ihip ng hangin. Naglakad si Pauline papasok ng mansion. Sinasabi ng kanyang isipan na huwag tumuloy ngunit iba ang ginagawa ng kanyang katawan. Nang tuluyang makapasok, sumara ang malaking gate. Napakalakas nang tibok ng puso ni Pauline, kinakabahan sa maaaring mangyari. Tinignan niya ang malaki at lumang mansion, mukhang walang nakatira dito.

"S-Sino ka? I-Ikaw ba ang may ari nitong mansion? Pasensya na kung pumasok ako nang walang pasabi.." Takot na takot si Pauline nang makita ang isang babae. Sa isip niya kasi'y baka paghinalaan siya ng babae na isa siyang magnanakaw. Tinitigan ni Pauline ang babae. Siguro'y hindi ito ang may-ari ng mansion dahil masyado itong bata, siguro'y kaedad niya lang. May mahabang buhok ang babae, napakaputi ng balat, maganda rin ang mukha nito, at ang kanyang itim na itim na mata'y walang emosyon. Isang simpleng itim na dress ang suot ng dalaga. Napalunok si Pauline, nanunuyo na ang kanyang lalamunan na tila ba hindi niya na kaya pang magsalita. Natatakot siya sa walang emosyong titig ng dalaga sa kanya, tila ba nalulusaw siya.

"Do you.. like flowers?" Nabasag ang katahimikan nang magsalita ang dalaga. Nagtataka siya sa tanong ng dalaga ngunit sinagot niya na ito.

"O-Oo.." Naiilang na sumagot si Pauline. Gustong gusto niyang tumakbo palabas ng gate ngunit parang ayaw gumalaw ng kanyang mga paa. Ngumiti ang dalaga dahil sa sinagot ni Pauline. Kahit na nakangiti na ito, hindi pa rin nagbibigay ng emosyon ang kanyang mga matang kasing lamig ng yelo. Napakabilis nang tibok ng puso ni Pauline. Pakiramdam niya rin ay mauubusan siya ng hangin kaya't hirap na hirap siyang makahinga. Pinagpapawisan rin siya ng husto kahit na napakalakas at napakalamig ng hangin. Dahan dahang humakbang ang dalaga papalapit sa kinatatayuan ni Pauline.

"Ganon ba? Mabuti 'yan, magkakasundo tayo. Anong pangalan mo?" Ngiting ngiti pa rin ang dalaga. Kinuha niya ang dalawang kamay ni Pauline at mahigpit iyong hinawakan na tila ba nagagalak itong makasama si Pauline. Ramdam na ramdam ni Pauline ang malamig na kamay ng dalaga nang hawakan siya nito. Ramdam niya rin na may mga lupa sa kamay ng babae na tila ba naghukay ito. Lumunok muna siya bago sagutin ang babae.

"P-Pauline, a-ako si Pauline." Kabadong kabado si Pauline na baka marinig ng babae ang malakas na tibok ng puso niya. Mas natakot si Pauline nang makita niya ang kulay pulang mantsa sa suot ng babae. Hindi niya ito napansin kanina dahil malayo sila sa isa't-isa.

"Pauline, napakagandang pangalan. Pauline, ako si Rosalyn. Tawagin mo na lang akong Rosa, sumama ka sakin at may papakita ako sa'yong tiyak na magugustuhan mo." Hindi na nakatanggi si Pauline nang hilahin siya ni Rosa papunta sa likod ng mansion. Puro tunog ng tuyong dahon na kanilang naapakan ang naririnig ni Pauline. Nagtataka siya na may nakatira pa sa mansion na ito dahil mukha itong haunted house. Puro alikabok at mga kalawang ang makikita sa paligid.

Huminto silang dalawa nang nasa harap na sila ng isang kahoy na pinto. Binuksan ni Rosa ang pinto.

"Hindi ba maganda?" Tila ba nawala ang takot ni Pauline dahil sa pagkamangha sa kanyang nakita. Napakaraming bulaklak at halaman sa buong paligid. Sinara ni Rosa ang pinto nang tuluyan silang makapasok. Iba't-ibang uri ng bulaklak ang naroon. Napakabango rin ng amoy ng iba't-ibang bulaklak. Napakalawak ng buong lugar. Halos makalimutan na ni Pauline ang hitsura ng lumang mansion kanina nang makita ang magandang hardin. Napakalinis nito at napakabango. Ni walang makikitang alikabok at kahit anong dumi.

"Anong paborito mong bulaklak, Pauline?" Nakatingin pa rin sa mga bulaklak si Pauline na tila ba wala sa kanyang tabi si Rosa. Parang mga bulaklak lang ang kanyang nakikita.

"R.. Rosas, ang mga rosas." Sagot ni Pauline. Tuluyan nang nawala ang kaba at takot ni Pauline nang bigyan siya ni Rosa ng isang pirasong rosas na kanyang pinitas. May mga tinik pa sa rosas dahilan para matusok si Pauline dito. Sumirit ang kaunting dugo mula sa daliri ni Pauline ngunit hindi niya ito ininda.

"Ito ang paborito kong lugar Pauline. Alam mo ba kung pano ko 'to napapanatiling maganda?"

"Hindi, paano nga ba? Napakaganda dito.."

"Mga tao." Nagtaka si Pauline sa sagot ni Rosa ngunit wala siyang pake. Nakatuon ang buong atensyon niya sa paborito niyang bulaklak.

"Pauline, gusto mo bang maging bulaklak? Isang rosas? Isang napakagandang rosas, mamahalin ka ng lahat kapag naging isang napakagandang bulaklak ka Pauline." Walang alinlangang tumango si Pauline. Napakasaya ni  Rosa dahil may dadagdag na naman sa kanyang koleksyon. Napansin ni Rosa ang mga karatula sa ibaba ng bawat bulaklak.

"N-Noah? Jana? Jason? Kimberly? Mother? F.. Father? Rosa bakit ganon yung pangalan ng mga bulaklak? N-Ngayon ko lang nalaman na may ganoong bulaklak pala.." Pahina nang pahina ang boses ni Pauline. Nang lingunin ni Pauline si Rosa ay wala na siyang nakita. Tila ba nakawala si Pauline sa hipnotismo ng mga bulaklak at bumalik ang kanyang takot.

"R-Rosa asan ka?"

"Nandito lang ako 'wag kang mag-alala." Tumalikod si Pauline at nakita niya si Rosa na may hawak na pala. Nakangiti ito sa kanya ngunit kabado pa rin si Pauline. Takang taka siya kung bakit ganoon ang pangalang nakasulat sa mga bulaklak. Sa ibaba ng bulaklak, may karatula kung saan nakasulat ang pangalan ng mga ito. Nakasulat rin ang petsa kung kailan nailagay ang mga bulaklak. May isang bulaklak na ang pangala'y Kendra, dalawang araw pa lang simula nang mailagay ito dito. Naalala niya ang kaibigan niyang si Kendra na nawawala, dalawang araw na.

"R-Rosa a-aalis na ko.." Tatakbo na sana si Pauline nang pigilan siya ni Rosa.

"Bakit naman? Hindi ba sinabi mong gusto mong maging bulaklak? Nagsinungaling ka ba sa'kin Pauline?" Nawala ang ngiti sa labi ni Rosa. Napalitan ng galit ang emosyon niya sa mukha.

"Gagawin kitang isang napakagandang rosas, Pauline." Muling ngumiti si Rosa saka hinampas si Pauline sa ulo gamit ang pala. Natumba si Pauline dahil sa ginawa ni Rosa. Paulit ulit na hinampas ni Rosa si Pauline sa ulo hanggang sa magkalasog-lasog na ito.

Kumuha siya ng isang puting rosas saka lumapit kay Pauline. May hawak rin siyang hand trowel. Ginamit niya ito upang buksan ang dibdib ni Pauline. Sumirit ang dugo mula dito. Nang makita na ni Rosa ang puso ni Pauline ay saka lamang siya tumigil. Kinuha niya ang puting rosas at ibinaon niya iyon sa puso ni Pauline. Naging pula ang rosas dahil sa dugo ni Pauline. Matapos ang ginawa, kinaladkad ni Rosa ang bangkay papunta sa isang hukay. Walang kahirap hirap si Rosa kahit na napakaliit ng kanyang katawan. Masayang masaya siya dahil may panibago siyang koleksyon ng bulaklak na papangalanan niyang Pauline. Hinulog ni Rosa ang bangkay sa hukay at binaon ito maliban sa rosas na nakatarak sa puso ni Pauline.  Tanging ang rosas lamang ang makikita sa ibabaw ng lupa.

Tumayo si Rosa saka pumunta sa gitna ng kanyang hardin. Napakaraming bulaklak ang naroon. Iba't-ibang klase, iba't-ibang pangalan, iba't-ibang tao.

— THE END —

PsychopathWhere stories live. Discover now