08

187 28 12
                                    

After nun ay dumeretso na ako sa Canteen. Kung kanina ay excited akong pumunta ng Canteen ngayon ay nawalan na ako ng gana.

Ang sakit sa pakiramdam :( HAHAHA. Kung wala lang ako dito ay kanina pa tumulo ang luha ko. Pinaka ayaw ko sa lahat na may nakakakita sa akin na umiyak. Ok lang namang umiyak pero ayokong isipin nila na mahina ako. Mas gusto kong umiyak ng tahimik. Ayokong magaalala sina Mommy at Jade. Kaya mas pinipili kong maging tahimik. Mas gusto kong ako na lang ang nihihirapan. Ayokong mandamay ng ibang tao. :<

Pero di na akong pwedeng umatras. Paano na si Jade? Baka nagugutom na yun. Wala na akong nagawa at bumili na lang ng pagkain. Ang binili ko ay Spaghetti, Turon at Vitasoy na drink. Tig-isa kami ni Jade.

Pero ganun naman talaga kapag nagmamahal. Minsan masaya, Minsan masakit. May tao kasing may iba ng gusto bago ka pa dumating. May taong di kayang suklian ang pagmamahal na binibigay mo. May mga taong dadating at magpaparamdam sayo ng special ka. Pero balang araw iiwan ka din. Yung mga taong nangako sayong di ka iiwan. Pero iniwan ka naman. May mga pagkakataong na 'PINAGTAGPO LANG KAYO PERO HINDI KAYO ITINADHANA' masakit mang isipin pero yun ang katotohanan. :<

Nang makarating ako sa room namin ay agad kong inabot ang pagkaing binili ko para sa kanya. Kaya naman agad syang nagpasalamat. Di ko na nagawang sumagot sa kanya. Ngunit ngumiti na lang ako bilang tugon.

Ganyan naman talaga ako. Pangiti-ngiti pero sa loob-loob wasak na. Nagagawa kong mag balatkayo sa mga nararamdaman ko. :((

Tahimik na lang akong kumain katabi si Jade. Napapansin kong nakatingin sya sa akin na parang may gustong itanong. Kilalang kilala ko ang babaeng toh. Hindi nya kayang magtago ng mga nararamdaman nya.

"Mika, may problema ba?" parang nag aalala nyang tanong

"Wala naman" pilit ang ngiting sagot ko

"Sigurado ka? Simula kasi nung bamalik ka galing Canteen ay bigla ka na lang tumahimik" tanong nya uli na para bang di naniniwala sa sinabi ko

"Oo, Ok lang talaga ako may iniisip lang..." pilit ngiti ko uling sagot

"Magsabi ka kasi sa akin. Makikinig ako. Nandito lang ako lagi sa tabi mo. Di ba nga ang mag bestfriend nagdadamayan at nagtutulungan sa lahat ng bagay. Di pwedeng puro tawa lang. Dahil may mga problema din tayong haharapin" sincere nyang sabi bago yumakap sa akin. Ang swerte ko dahil kaibigan kita. Napaka buti talaga ng puso mo.

"Saka na, Kapag handa na ako. Sasabihin ko naman talaga sayo e. Kaso di pa ito ang tamang panahon" mapait na ngiti kong tugon

"Sige naiintindihan kita. Aantayin ko yan!" Nakangiti nyang sabi

Di ko na natuloy ang sasabihin ko ng tumunog ang speaker ng school.

"Good Afternoon Students, The Mr. & Mrs. Palaro will start in just a few minutes. You may now proceed to the Gymnasium."

"Mika, magsisimula na. Tara naa!" Excited nyang sabi. Buti pa sya excited :< Sana ol!

"Sige" wala gana kong sagot.

Madami-dami na rin ang nasa loob nang makapasok kami.

"Jade! Mika! Dito tayo!" Sigaw ng isa kong Classmate. Kaya naman agad kaming lumapit sa pwesto nila.

Nagsalita ang host. At rumampa na ang mga Contestant. Napatingin ako sa tabing pwesto namin. Ahh dito pala sila. Nakatayo sya at sumisigaw habang hawak ang banner na ginawa nya. Abot langit din ang ngiti nya :)). Nag iwas na lang ako ng tingin at tinuon ang atensyon sa event. Isa-isa nang napakilala ang mga Contestant.

"Good Afternoon Everyone! I'm Daniella Xyra Robles! Representing Grade 8!"

Dane ang nickname nya. Yun din ang tawag ng marami sa kanya. Ang ganda ng pangalan nya... bagay sa kanya. Kung ganyan lang din ako kaganda. Para syang anghel.

"Whoooo!"

"Go Danee!"

Sigaw ng mga kapwa ko grade 8.

"THATS MY BABYY!" Kilalang kilala ko ang boses na yun. Mapangiti na lang ako ng mapait. Nang mapatingin ako sa pwesto nya. Sobrang saya nya. Proud na proud.

Ang sakit pala noh? Kapag pinagmamasdan mo yung taong mahal mo na i cheer ang taong mahal nya...

Binalik ko na uli ang atensyon ko sa event nagpakilala na rin ang lahat ng Contestant. At eto namang si Jade, panay ang pagtili at pagcheer sa Crush nya. Langyaa!

"Whoooo! Ang ganda talaga ng baby koo!"

"Go Danee! Kahit anong mangayari panalo ka pa rin sa puso ko"

"Ang galing mo talagaa!"

"The Best talaga ang baby koo!"

Sa mga sinasabi nya para akong paulit ulit na sinasaksak. Kaya naman nagpaalam na ako kay Jade. Di ko na nagawang tapusin ang event. Di ko na kinakaya. Kaya naman napag desisyonan kong umuwi na lang...

Ayaw ko nang marinig yun. Unti-unti lang nung dinudurog ang puso ko. :<

__________________~♡~__________________

(A/N: Thank you for reading! Comment nyo yung mga reaction nyo. Thank you sa Support Mais_baby! I Love you all!)

Stranger Again [COMPLETED] Where stories live. Discover now