06

201 22 4
                                    

After ko syang mapicturan ay pumunta na ako at umupo sa pwesto namin ni Jade. Buti na lang di nya kami nakita, aasarin na naman ako neto pagnagkataon

"Ghorl na videohan ni Jared yung performance natin!" masayang sabi ko sa kanya

"Send mo sa GC 'ha?"

"Oo naman!"

"Takte naman yan ang tagal mag announce ng panalo" reklamo nya

"AHAHA kaya nga ang init na dito e" sabat ko pa

"Picture tayong dalawa sa cam mo! Dali!" suggest nya

"Sige pero kailangan natin ng magpipicture sa atin" sabi ko

"Venice, picturan mo nga kami!" sabi nya sa isa pa naming classmate

"Sige" sagot ni Venice kaya naman agad kong inabot sa kanya yung cam ko at tumabi na agad ako kay Jade

"Ok 1... 2... 3...!" pagbibilang nya pa

Siguro naka apat na pic na kami.

"Thank you Venice!" sabay naming sabi.

After nun nagpaalam muna ako kay Jade. Kukuhanan ko din ng pic yung mga kasama namin.

"Guys picture! 1... 2... 3..." sabi ko pa tapos yun pinicturan ko din yung iba pa.

"Ok Attention Students! I will be announcing the winners in the yell Competition." sabi nung host kaya naman agad akong tumakbo papunta kay Jade. At agad na tumahimik ang lahat

"Ayan naaa!" sabay naming sabi

"The 3rd runner up is... Grade 10!" so pumunta dun sa may stage yung garde 10 STEM para kuhanin yung certificate. Tapos nagpicture picture. Yann naaa! Baka di kami kasamaa! My Ghaddd!

"The 2nd runner up is... Grade 9!" ganun din ang ginawa nila. Tapos nagpicture picture. OMGGG! Baka di kami matawag

"And the Champion is..." Sobrang tahimik. Kinakabahan akoooooo!

"GRADE 8! RED PHOENIX!"

"Woohhh panalo tayoo" Sabay naming sabi ni Jade

Pumunta din kami sa Stage tapos kinuha din yung Certificate at Trophy! YEHEYY! MY ghadd sobrang sayaa! Panalo kami! THANK YOU LORDD! So nag picture din kami sa stage. After nun nag picture-picture lang kami sa stage.

Pagkatapos nun ay bumalik na kami sa kanya-kanyang room. Pagkabalik namin sa room yung mga classmates ko naglalaro lang ng uno cards tapos jenga. Di kami masyadong sporty e. Yung iba naman nag lalaro ng badminton at volleyball.

Ako naman tamang picture lang sa mga classmates. HAHAHA Syempre pag nagutom kami diretso Canteen na HEHE.

So naglaro lang kami ng bato bata. AHAHA yung babatuhin nung mga taya yung mga tao sa gitna. Pati narin patintero. AHAHA and nagpractice kami ng speech choir. Buong maghapon. Diba ang galing intrams namin pero ang dami naming ginagawa.

Uwian na namin, excited na akong umuwi may naganap na meeting kasi kami ng mga aka group ko na pagkatapos i-shoot yung Speech Choir ay may boodle fight kami sa tangahali. Maaga laging sinusundo si Jade kaya wala akong kasabay.

Naglalakad na ako palabas ng school ng makasalubong ko si Joseph. Dala nya na din yung bag nya

"Uuwi ka na?" tanong nya sa akin

"Oo, bakit may kailangan ka?"

"Wala naman, sabay na tayo" sabi nya Eto na naman po tayoo!

"Ahmm ok ikaw bahala... bakit di mo kasama si Dane?" sabi ko habang naglalakad kami papunta sa mga paradahan

"Kasama mga kaibigan nya. Dadaan daw sila sa mall eh may bibilhin ata" malungkot na sagot nya

"Ahh ok... bakit di mo sinamahan?" sabi ko habang nakatingin sa dinadaan namin

"Ayaw nyang magpasama e" malungkot na sagot nya.

"Ok... Tara mag ice cream dun oh!" sabi ko sa kanya ng may makita ko yung 7 eleven na malapit na sa amin. Ang alam ko kasi nakakagaan ng loob ang ice cream ganun ako lagi e.

"Sige..." sagot nya kaya naman agad kaming pumasok dun

Pagkapasok ko dun pumunta agad ako sa mga ice cream at namili ng flavor. Napatingin ako kay Joseph na hanggang ngayon ay naka tulala lang.

"Oy! Pumili ka na ng flavor nung sayo" sabi ko sa kanya

Kaya naman agad syang naghanap ng flavor na gusto nya. After makakuha pumunta na kami sa cashier para bayaran yung ice cream naming. Nagulat na lang ako nung sya yung nagbayad. Kaya paglabas namin dun ay agad ko syang tinanong.

"Bat mo binayaran yung akin?" natatakang tanong ko sa kanya

"Libre ko na yan sayo!" sabi nya

"Thank you!" masayang sabi ko. AWIEEE nilibre nya ako

"Ako nga dapat na mag thank you sayo e" seryosong sabi nya habng kinakain yung Ice cream nya

"Bakit naman?" nagatatakang tanong ko

"Kasi napasaya mo ko kahit konti" nakangiting sagot nya sa akin.

Napasya kita? Eh ako nga yung mas pinasaya mo today!

Di ako nakasagot sa sinabi nya feeling ko kasi sobrang pula na ng pisnge ko! PUNYEMASSS!

"Uhmm.. Mika..."

"Oh bakit?" nagtataka kong tanong

"Ang kalat mong kumain!" sabi nya sabay tawa

"HAHAHA Ediwaw!"

"Andito na tayo sa paradahan nyo. BYE! Ingat ka" sabi nya

"Thank you ule sa Ice Cream pati na din sa paghatid! Ingat ka din"

__________________~♡~__________________

Stranger Again [COMPLETED] Where stories live. Discover now