Nasa labas na ako ng mall nang may naalala ako.

Nasa carwash nga pala yung kotse ko!!

Paano na yan? Isang sako ng dog food yung dala ko! Di ko to mabubuhat.

Tatawagan ko nalang si mama. Sana sagutin naman niya kung hindi, di na ako makakaalis dito. LAHH!!

"Bakit nak?"

Hayy buti naman.

"Ma nasa mall ako per.... toot!"

Ano ba naman yan na lowbat pa ko. Paano na yan? Dito na ako forever tapos magtataka sila mama at papa kung bakit di pa ako umuuwi tapos pupunta na sila sa police station tapos sasabihin nila na nawawala yung anak nila tapos itatanong nung mga police kung ilang araw na ako nawawala tapos sasabihin nila mama na wala pang isang araw tapos sasabihin ng mga pulis na dapat 24 hours na ako nawawala saka palang nila tutulungan sila mama at papa. Tapos hindi papayag si mama na bukas pa sila tutulungan ng mga pulis kaya magwawala na sila mama sa police station tapos papaalisin sila doon tapos biglang mahihimatay si mama dahil nawala na yung anak niya tapos isusugod na si mama sa hospital tapos sasabihin ng doctor na nacomatose na si mama tapos mag-isa nalang si papa.

Naiiyak na ko taee!

"O bakit ka umiiyak? Nasabihan ka lang na mukhang aso eh." Sabi nung katabi ko. Alam niyo na kung sino yon, tss.

"Di ako umiiyak, umalis ka na nga lang kung aasarin mo lang ako!" Sigaw ko sakanya.

"Okay! Bye! Goodluck sa pagbubuhat ng isang sako HAHAHA makarating ka sana sainyo." Nag-smirk lang siya sakin at umalis na.

Pinigilan ko siya, "Wait lang!"

Tinignan niya ako, "Bakit?"

"Uhmm.. pede pasabay? Please?" Pinagdikit ko yung kamay ko at nagpuppy-eyes. Sana gumana.

"Sige." Yun oh! Di niya matiis kyutness ko HAHAHA.

"Thankss!" Naglakad na ako papuntang parking area.

"Uy uy ano ka sinuswerte? Syempre dapat may kapalit." Sabi niya at naka smirk pa.

Ano ba yan! Ang raming knows. Di pa ba sapat thank you ko?

"Ano? Madali lang ah, bawal kiss."

"Ayy waw kiss agad? Sorry pero di ako humahalik sa mga aso." Sagot niya.

Peste talaga!

"So, ano na?" Tanong ko.

"Tumahol ka." Seryoso niyang sabi sakin.

"Ano?!"

"Ang sabi ko tumahol ka, ARF ARF!" Natatawa niyang sabi sakin. "Limang beses at sunod sunod. Vivideohan ko. Pero di ko p-post kaya dont ya worrey! HAHAHA." Dugtong pa niya.

Ayy grabe si koyahh!

"Ang raming tao nakakahiya!! Iba nalang!"

"Bahala ka, abutin ka nang siyam-siyam diyan. Bye!" Pangaasar niyang sabi.

"Eto na!! Gagawin ko na!"

"HAHAHHA yun naman pala eh." Sabi niya at niready na niya yung phone niya.

Tumingin muna ako sa paligid at... "ARF! ARF! ARF! ARF! ARF!" Sunod-sunod kong tahol.

TAE! Pinagtitinginan na ako ng mga tao! Baka isipan nila na-ulol na ko.

Love without LimitsWhere stories live. Discover now