3

1K 29 0
                                    

Chapter 3

Zachira's POV

ARF-ARF

"Ate tapos na po?"

Binigay na nung nagbebenta yung necklace namin ni kuya.

Ang ganda gravi!!

"Salamat po." Binayaran ko muna at lumabas na ako ng store nila.

Yieee sana magustuhan ni kuyaaa!

.................................

Nagugutom na ako. Makauwi na nga, sa bahay nalang ako kakain.

Habang naglalakad ako may nakita akong aso na chow chow.

"Lahh ang cute nung chow chow." Kinawayan ko yung aso na nakatingin sakin.

Pareho silang cute ni bomi pero mas mukhang lamang lang yung chow chow ng isang ligo.

Oo nga pala bibili pa ako ng dog food ni bomi!

Muntik ko na makalimutan.

Pumunta na ako ng pet store para makabili ng pagkain ni bomi at bibili na rin ako ng laruan para sa kanya.

Kumuha muna ako ng push cart dahil isang sako yung bibilin kung dog food.

Pumunta na ako sa section ng mga dog food.

Hala ang bigat nito, paano ko ito ilalagay sa cart?

"Grabe apaka bigat naman neto!" Sabi ko sa sarili ko.

Tatawag na sana ako ng lalaking tutulong sakin pero biglang may nagsalita sa tabi ko

"Ako na." Sabi nung lalaki.

Pagkaharap sakin nung lalaki si berto pala.

Ayy brent pala!!

"Ayy ikaw pala, salamat brent." Nakangiti kong sabi sakanya.

"Kanino yan para sa aso mo?" Tanong niya sakin.

"Yan ba?" Turo ko sa sako ng dog food. "Para sakin yan." Sarcastic kong sabi.

"Malamang sa aso yan, dog food nga diba?" Natatawa kong sabi.

"Malay ko ba, kala ko para sayo kase mukha kang aso eh." Biro niya pero tinignan ko siya nang masama. "Tahol ka nga, ARF ARF!" Sabi niya sakin.

"Excuse me? Ako? Mukhang aso?" Tinaasan ko siya nang kilay.

"Oo, HAHAHAHAHA ARF?" Nakangiti niyang sabi.

Kalma lang Zachira di ka pumapatol sa mga bata at isip-bata.

Iniwan ko na siya dun dahil peste siya! Sa ganda kong toh sinabihan ako na mukhang aso! Kagatin ko siya eh! ARF!

Naghanap nalang ako ng laruan para kay bomi. Pero may nakita akong damit na santa claus na para sa mga aso.

Ang cute kaya binili ko na para matchi-matchi kami ni bomi.

Pumunta na ako sa counter at kung minamalas ka nga naman, nakita ko si brent na papunta din sa counter.

Magkatabi pa kami sa pila, naku naman!

Tinignan ko lang siya nang masama at nag chuckle lang siya. Tss

Nang matapos na ako magbayad lumabas na ako ng pet store.

Love without LimitsKde žijí příběhy. Začni objevovat