Kabanata IV

17 3 0
                                    

Flynn Le Café — Kabanata IV


"Maligayang pagdating sa Euphymr!"

Himbis na ngumiti ako ay napatawa ako dahil sa mga suot nila. "Anong meron? Bakit ganyan ang mga suot nyo?" Tanong ko.

Nagbago ang mga suot nilang uniform kanina. Si Freya ay nakasuot ng kulay pulang dress at tila may glitters dahil kumikinang. Nakabagsak ang blonde nyang buhok at may flower crown na puro puti ang bulaklak. Maayos at maganda syang tignan dahil sa itsura nya ngayon. Napatitig ako sa kanyang mapupulang labi at naramdaman kong umiinit ang pisngi ko kaya ibinaling ko na lang ang tingin ko kay Rangel na iba na rin ang suot.

Manipis na parang tuxedo naman ang suot ni Rangel na kulay berde at mayroong nakasukbit na maliit na bag sa balikat nya. Pinutol naman na pantalon na kulay berde rin ang pang-ibaba at nakasapatos na parehas ang kulay. Wala na ang suot nyang salamin at naka-brush up na ang buhok. At nagbago yung tenga nya, naging patusok ito sa dulo na ikinagulat ko ng kaunti. Maayos syang tignan at lalo syang pumogi kaya naman parang kahit anong oras ay aatake na ang anxiety ko.

"Ano Scott, maayos ba yung suot ko?" Tanong naman ni Tim na nakasuot ng puting longsleeve at may kulay pulang tsaleko at katulad ng kay Rangel ang pang-ibaba pero kulay pula. Napansin ko rin ang nasa likuran nyang espada na bumagay sa suot nya. Bagsak naman ang buhok nya na kulay pula rin na bumagay sa mukha nyang laging nakangiti.

Itinaas ko ang hinalalaki kong daliri. "Angas ng suot mo Tim, bagay sayo." Sabi ko sa kanya ng nakangiti. "Eh ako?" Singit ni Ximon.

Halos wala namang ipinagbago sa itsura ni Ximon bukod sa damit nyang kulay itim na katulad sa mga kabalyero sa mga classic movies at may espada na rin sya sa kanyang likuran. Ganun parin ang tangkad nya at tila nanliliit ako sa height kong 5'7. "Kabalyero ka ba?" Tanong ko kay Ximon.

"Sabi ko na nga ba't ganyan ang sasabihin mo. Hindi ako kabalyero." Sabi ni Ximon na napahawak sa likod ng ulo nya at napakamot.

Muli akong napatingin kay Freya na inaayos ang buhok nya dahil humahangin ng malakas. "Freya..."

Napatingin sa akin si Freya. "Baka matunaw naman ako nyan Scott. Ano, nagagandahan ka ba sa akin? Baka mahulog ka sa kagandahan ko?" Pang-aasar nya at tumawa ng malakas.

Naramdaman kong umiinit nanaman ang pisngi ko kaya naman ay nagsalita na lang ako kaagad. "Oo na, maganda ka na pero hindi ako mahuhulog sayo. Wala akong panahon sa gusto mong iparating. Di ko pa nga alam kung ano talaga ako, dadagdagan mo pa." Sabi ko. Nagtawanan naman silang lahat at nagsalita si Rangel. "Bakit ka defensive?"

Napa-tsk na lang ako.

"Hoy." Tawag ko kay Tim na nakatingin sa akin. "Nakakita ka ng multo?"

Nauutal naman syang sumagot. "H-hindi. Ang ayos mo tignan sa suot mo."

"Ha? Suot ko-wow!"

Nagulat ako dahil sa pagbabagong nangyari sa suot kong damit. Manipis na parang tuxedo rin katulad ng suot ni Rangel pero kulay asul. Pang-ibaba na hanggang tuhod, kulay asul rin at nakasapatos na ako. Hinawakan ko ang buhok ko at naka-brush up style na rin ito pero may ilang hibla ng buhok na nakababa sa noo ko. At yung tenga ko, parehas kami ni Rangel. "Anong itsura ko?" Tanong ko sa kanilang apat.

Si Ximon at Tim ay nag-thumbs up.

Si Freya ay tumatawa ngunit tumango.

"Ang pangit mo, di bagay sayo." Sabi ni Rangel na masama ang tingin sa akin. Natawa ako ng bahagya at tinanong sya, "Talaga ba?"

"Inggit ka lang kasi bumagay sa kanya, sayo kasi hindi." Banat ni Freya at tumawa kaming lahat. "Sige tuloy nyo lang." Sagot naman ni Rangel.

"Teka, nasaan ba tayo? May mga Ymir rin ba dito katulad ng nandoon sa kabilang mundo?" Tanong ko.

Flynn Le CaféUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum