"Bakit ba parang ang bitter mo, Yulimiara?" Tanong ni Rayst na may halong pagtataka.

Umismid ang katabi kong si Yulimiara sa sinabi ni Rayst.

"Kapag ganon ba ang sinabi ko ay bitter na?" Kunot-noo itong kumain.

"Ganyan lang talaga si Limama, Rayst. Hayaan mo na." Sabay ngiti ni Seriana.

Nagpalipat-lipat ang tingin nina Raspher at Rayst kina Yulimiara at Seriana, "Magkakilala talaga kayo?"

Mas lumaki pa ang ngiti ni Seriana at kumapit sa braso ni Yulimiara, "Isn't this obvious? We're bestfriend, Rayst. Actually, we're set of friends.."

Tumaas ang kilay ni Rayst, "Oh?"

"Oo nga. Saglit lang." Humiwalay ito kay Yulimiara at tumakbo papasok sa bahay nila para siguro kuhanin ang phone niya.

Ilang segundo pa nang pumasok si Seriana sa bahay nila ay lumabas na si Lev ng bahay namin.

May hawak itong isang mug at iniinom ito na parang coffee ngunit hindi naman yun coffee.

"Pinayagan ka?" Tanong ko.

Kumunot ang noo nito at biglang napa-tapik sa dibdib niya sabay taas ng kamao.

"Oo naman! Ako pa ba?" Napailing-iling ako nang tinapik-tapik nito ang batok niya. Binatukan 'to ni Lola V, ang ibig niyang sabihin.

Napatingin ako kay Yulimiara na tinapik-tapik ang leeg ko, "What? Lalambitin ka ba sa leeg ko?" Sabay ngisi ko.

Ngumisi din ito, "Pwede ba?"

Napapoker-face ako sa sinabi niya.

"Bakit hindi ka makasagot? Gusto mo din 'no?" Sabay sandal sa balikat ko.

Kumunot ang noo ko, "Lasing ka ba?"

Umiling-iling ito at tinuro ang baso niyang ubos na ang laman, "Grape juice lang ang ininom ko. Malalasing ba ako don?"

Pero bago pa ako makasagot ay dumating na si Seriana at biglaang pinakita samin ang isang litrato na nasa phone niya.

Natahimik si Levero sa pinakita. Anim na babae ang nasa litrato, sina Seriana at Yulimiara ang dalawa don.

"Pamilyar ang babaeng yon.." Mahinang saad niya.

"Halos lahat naman yata pamilyar sayo, Levero." Sabay ismid ni Seriana.

"Iba pang mga kaibigan niyo yung apat?" Tanong ni Rayst.

"I know that woman." Sabay turo ni Ras sa isang babaeng girly style ang kasuotan.

"Oh?"

"Yeah. She's Sleella Heaxita, right?"

Kita ko pa sa gilid ng mata ko na napa-awang ang labi ni Seriana. Hmm..

Itinabi na nito ang phone niya at uminom sa hawak ni Lev na mug, "Ano 'to? Ang sarap ah?" Sabay lapag din nito sa lamesa.

Natawa ng mahina si Levero sa inasta ni Seriana. Alak ba naman nainom ni Seriana eh?

"Malapit na pala ang birthday mo, Mav?" Pagsisimula na naman ni Seriana sa usapan.

Ramdam kong napalingon sakin si Yulimiara at nagtanong, "Ngayong July na, Mister?" Tumango ako.

"Oy, ang lapit na pala?" Si Lev na dere-deretso ang inom sa mug niya.

"Oo, whole family lang ulit."

Napatango-tango sila, "Invited ba kami?" Sina Rayst at Seriana.

Napangisi ako at si Levero, "Bawal ang mga apo ni Lola B don."

Strangers Got MarriedWhere stories live. Discover now