Chapter 22 (Sounds Trouble)

Start from the beginning
                                    

“What? And who’s that girl?” My Dad said na medyo tumaas ang boses.

“She’s just a mere human.” Walang buhay kong sabi

“Then kill her.” Mautoridad nitong sabi

“Tsskk kung pwede nga lang sana eh, she’s Tyllers bloodline kaya hindi siya pweding saktan.”  I said

Kasasabi ko lang kasing mag-intay masyadong excited. Kung bakit kasi hindi na lang siya maging contented sa posesyon niya ngayon. Kaliwang kamay ang Dad ko ng namumuno sa royal vampire blood which is Tyllers father. Ang pwede lang pumalit sa pwesto ng Daddy ni Tyller ay tanging ang kuya Zack niya at si Tyller. Kung sino ang unang mag-asawa sa kanilang dalwa ay siya ang papalit na pinuno pero ang balita ko walang balak ang kuya nito na pumalit sa pwesto ng Daddy nito. Easy go lucky lang kasi ang kuya ni Tyller at mahilig sa mga babae.. kung sa iba nga ito daw ang black sheep ng mga Lindsey. Kaya ang naging target ng Dad ko ay si Tyller.. ito lang kasi ang inaasahan ng lahat na susunod na maging pinuno ng mga royal blood. *sigh* Sana naging isang ordinaryong tao na lang kami ni Tyller.

“Hello.. Dad... Andyan ka pa ba?”  Pagkasabi ko kasi tungkol sa bloodline ni Tyller ay hindi na ito nagsalita.

“Yes, I’m just thinking kong bakit hinayaan ni Tyller na magkaroon siya ng bloodline.”

I sigh “Common Dad wag mo nang problemahin ang tungkol doon. Gusto lang niya ng may paglalaruan kaya ginawa niyang bloodline ang babaeng yon and besides she’s not----”

“STUPID.” Putol nito sa sasabihin ko.Tssskkk ano namang ikinagalit nito. >_<

 “Hindi ka ba nag-iisip, hindi yon basta basta gagawin ni Tyller ng walang dahilan. He love that girl.. kahit pala ikaw walang tulong sakin. Kung hindi mo din kayang paibigin si Tyller gaya ng plano natin ako na lang kikilos. Mag-intay ka lang at ikaw na ang susunod na reyna ng society ng mga royal vampire blood.” Galit na sabi nito.

“What are you planning to do?”

*toot* toot*toot*

“Hello Dad.. .. Dad..” Aisshh.. patayan na ba naman ako.

*toot*toott*toot*

Ang tanging narinig ko na lang ay ang end call ng kabilang linya. I let out a deep sigh. Ano kayang binabalak nito?? Kinakabahan ako sa posibleng gawin ng Daddy ko. I know him, lahat yata ng maruruming gawain ay napagawa na nito sa mga tauhan nitong uto-uto in just one click. And how can he say na Tyllerr love that stupid girl.. damn it.. No it’s not true.. I grin..

I feel dump by my own family.. how I wish na sana naging isang normal na tao na lang ako. Minsan ko ding pinangarap na magkaroon ng pamilyang puno ng pagmamahalan. Na Pinunasan ko ang mga luhang pumatak sa mukha ko. F*ck.. nakakainis tong mga luhang to. Aisstt..

--------

Yuri POV

 

I’m on my way pauwi  kina Tyller,baka kasi alisin na ako nito sa trabaho pag hindi pa ako umuwi. Boung weekend na hindi ako umuwi at boung weekend ko ding dinamdam ang sinabi ni Tyller sa akin. Hayyyss.. tapos ngayon uuwi ako sa kanila.. paano ko kaya pakikitunguhan si Tyller nito.

Biglang huminto ang taxing sinasakyan ko ng biglang may lalaking biglang tumawid sa kalsada. Napahawak ako sa dibdib ko.. akala ko masasagasaan na. *sigh* Nasa may gate na kami ng mga Lindsey at medyo madlim na din. Mga ilang kilometro pa ang layo para marating ang bahay nina Tyller mula dito. Nakakapagtaka lang na may ibang taong nakapasok dito sa private property ng mga Lindsey, siguro naligaw lang ito. Pero ang wierd ng sout ng lalaki, isang mahabang tela na parang kapa at nakahood pa ito.

Binuksan ni Manong driver ang salamin ng bintana at pagalit na sinigawan ang lalaking muntik ng masagasaan. “ Peste.. magpapakamatay ka ba? Kung gusto mong magpakamatay wag mo kaming idamay.” Bumusina ito ng sunod sunod dahil hindi parin umaalis sa harapan ng taxi ang lalaki.

Tumingin ng matalim sa gawi ko ang lalaki at sa isang iglap ay nawala ito sa kinatatayuan nito. Nakarinig na lang ako ng isang malakas na lagutok ng kung anong bagay na parang may naputol sa unahan ko. Tumingin ako sa driver seat para tingnan si Manong driver at laking gulat ko sa nakita ko...nagtayuan agad ang mga balahibo ko sa takot.

 N-ngayon lang ako nakakita ng taong walang... walang  u-ulo.. Pakiramdam ko naninigas na ang katawan ko sa takot. Unti-unting kumakalat  ang dugo nito sa loob ng sasakyan. Gustohin ko mang sumigaw ay walang lumabas sa bibig ko na anumang salita.

Napaurong ako sa kinauupuan ko at halos atakihin ako sa puso ng maramdaman kong may ibang tao sa likuran ko. Papaanong nakapasok siya dito ng hindi ko man lang nararamadaman at ni hindi nabubuksan ang pinto ng sasakyan.

Hindi ko ito masyadong mamukhan dahil medyo madilim sa paligid. Papatayin din ba ako nito katulad ng ginawa nito kay Manong driver? Hinila nito ako palapit sa kanya at  naramdaman ko na lang ang pagtusok ng isang matulis na bagay  sa leeg ko.  Unti-unting lumalabo ang aking paningin.. A-anong binabalak nitong gawin.. Pilit kong pinaglalaban ang nararamdaman kong antok pero wala akong magawa.. tuluyan nang lumabo ang mga nasa paligid ko..

x-x-x-x-x

End of Chpater 22

x-x-x-x-x

Ayan nakapag update din.,. xD

pafollow na lang po ^^

Happy New Year :*

Don't forget to vomment :D :D








My Vampire BossWhere stories live. Discover now