Chapter 12 (Tyller's Evil Plan Part 3)

7.8K 300 21
                                    


CHAPTERTWELVE

- - - - - - - - - - - - - - - - -

YuriPOV:

Nasa aking kwarto ako habang nagmumokmok. Kaninang ihatid ako ni Heim ay napansin din siguro nito na hindi maganda ang araw ko kaya hindi muna ako nito kinulit. Hindi naman kasi madaling tanggapin ang pagkawala ng scholarship ko.. Hayy..

May kumatok sa pintuan ko sabay bukas nito. "Lady Yu bumaba na po kayo nakahanda na po ang hapunan." si Ysa

Hayy ayaw ko sanang kumain muna kaso baka puntahan pa ako dito ni Sam. "Sige pupunta na ako."

Tumayo na ako at sinout ang spongebob slipper ko. Favorite ko kasi si spongebob.. maiba lang..

Pagdating ko sa kusina ay nakita ko si Sam na naka-upo na sa hapag kainan. Wala si Tyller ngayon.. hmmp siguro nasa isang bar ito ngayon kasama ang sina Sky. Baka kaliwat kanan nito ang ktabing babae >_< .. Kawawang Samantha..kung wala pala ako wala itong kasama pagkain. Ang kuya niya kasing babaero masyadong maaksaya sa pera kumo hindi nakakaranas ng hirap.

Umupo na ako habang si Sam naman ay nakatingin lang sa akin. Nginitian ko ito ng pilit at nag-umpisa na akong kumain.

"Ate Yuri bakit malungkot ka? Dahil ba hindi natin kasama si kuya ngayon pagkain? Inosenteng tanong nito.

Muntik na akong mabilaukan sa sinabi ni Samantha. Ang batang to talaga. "Hindi ganon Sam... may iba akong problema..hindi ito tungkol sa kuya mo." Ngumiti ako dito

"Ahh Ok." nagpatuloy na itong kumain.

Hayy buti hindi na nagtanong pa. Napansin kong magana ito sa pagkain. Bakit kailangan pa nila ng dugo kong pwede naman pala silang kumain kagaya namin. Tumingin sa akin si Sam na napansin siguro ang pagtitig ko sa kanya.

"Anong problema ate Yuri?"

"Ahhh wala.. napansin ko lang na magana kang kumain ngayon." Ngumiti ako dito. "Hmm tanong ko lang Sam bakit kailangan niyo pang uhhmm uminom ng dugo kong nakaka kain din kayo ng katulad samin?"

"Uhhmm yun ba.. Kapag kasi hindi kami uminom ng dugo mamatay kami." Parang bali wala lang na sumagot ito at nagpatuloy lang ulit kumain.

Ahh ganon pala yon. Okay.. Nagpatuloy na akong kumain. Sa pagkain ko na lang ibuhos ang problema ko.

Narinig kong may sasakyang dumating sa labas. Siguro si Tyller na yon. Naalala ko yong pagtingin niya sa akin kanina sa school nung hawak ko ang kamay ni Aeron. Nakakatakot talaga yon... dali- dali kong inubos ang pagkain ko at nagpaalam na dito.

Ayaw kong makita ngayon si Tyller...baka kasi may topak at pagalitan ako ngayon. Teka bakit ba niya ako papagalitan? Malaymo... Nakasalubong ko si Ysa na pababa sa hagdan.

" Ah Ysa pag tinanong ako ni Tyller sabihin mo tulog na ako ah. Sige maiwan na kita." Nagtatakbo akong pumunta sa aking kwarto at nahiga na.

Ano bang ginagawa ko, para akong sira. Itinalukbong ko ang aking kumot.. Hayy sana makatulog ako ng maayos ngayong gabi. May narinig akong ilang katok sa pinto. Hindi naman siguro si Ysa yon.. Nagbingibingihan na lang ako.. baka si Tyller yon. Maya- maya ay huminto na ang nakatok sa pinto ng kwarto ko. Hayy salamat naman.. nakaligtas ako doon ah.. ^^

Tinanggal ko na ang nakatalukbong sa aking kumot dahil naiinitan na ako. Siguro naman wala nang mang gugulo sa akin ngayon.

"Tulog pala ah."

Nagulat ako ng makita ko si Tyller na nakatayo malapit sa bintana. " Papatayin mo ba ako sa nerbyos." Pasigaw na sabi ko dito. "At tska pano ka nakapasok dito?"

"Bakit ba ako magpipilit pumasok sa pinto eh bukas naman ang bintana mo." Seryosong sabi nito

Ano namang connect non sa tanong ko -_- "Ano bang kailangan mo?"

"Nabalitaan kong ibinasura ng Northen University ang scholarship mo sa school kaya naisip kong pwede kitang tulungan." He smiled

"So iniwan mo ang barkada mo sa bar para lang alukin ako ng tulong?" Teka bakit ko ba naiiisip yong pagbabar nila. haaaiisstt

"So nagseselos ka? Para malaman mo hindi ako ginabi dahil sa nagbar kami. May practice kami ng football kanina.. so are you happy." he smirked

"Ha.. a-ano bang sinasabi mo? b-bakit naman ako magseselos." Hayy ano ba yan Yuri.. bakit kasi nabanggit mo pa ang bar na yan eh.. kong ano-ano tuloy iniisip ng mokong na ito.

"At pano mo naman na wala na ang scholarship ko sa NU?" Pag-iiba ko ng usapan. Yon naman talaga ang pakay niya kung bakit siya nandito eh.

"Dahil madami akong source. And as I said tutulungan kita in one condition." Nakakalukong ngumiti ito sa akin.

Tatanggapin ko ba ang tulong niya? Pero ano naman kaya ang kondisyong sinasabi nito. Parang kinakabahan ako sa pwedeng mangyari.

"C'monYuri, alam kong kailangan mo nang pera para sa next sem at kaya kung sponsoran ang pag-aaral mo. Basta pumayag ka sa isang kondisyon."

"A-ano bang kondisyon ang sinasabi mo?"

"Malalaman mo kapag pumayag ka na sa offer ko." he smiled

Papayag ba ako? Kinakabahan kasi ako sa kondisyon nito. Alam kung hindi maganda ang takbo ng isip nito...si Tyller pa.. Hayyy.. pero tama siya..kailangan ko ng sponsor sa pag-aaral ko. Ayaw kong madisapoint si Nanay sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita..

"S-sige pumapayag na ako."

"Ibig sabihin non pumapayag ka na rin sa kondisyon ko kahit hindi mo alam yon? " Paninigurado niya sa akin

Ano pa nga bang magagawa ko. "Oo.. ano ba yon?"

Matiim na tumitig ito sa akin. Lalo tuloy akong kinakabahan.

"This." Sa isang kisap mata ay nasa tabi ko na agad si Tyller. Subrang lapit niya sa akin at halos gahibla na lang ang layo niya. Anong gagawin niya..

"You'd better close your eyes sweety. Medyo masakit ang gagawin ko." Nakakalukong ngumiti ito sa akin.

Hindi ko alam kong bakit pero sinunod ko ang utos nito. Naramdaman kong dumako siya sa bandang leeg ko. Anong binabalak niyang gawin.. hindi naman siguro....

"Ahhhhh" Napadaing ako sa sakit ng maramdaman kong bumaon ang mga pangil niya sa leeg ko. Hindi ko inaasahang Ito pala ang kondisyon niya. Hindi ko mapigilang hindi mapahawak sa mga braso niya dahil pakiramdam ko ay matutumba ako.

Hinawakan ni Tyller ang bandang balakang ko para alalayan ako, pakiramdam ko kasi nanghihina na ang katawwan ko. Ipinikit ko lalo ang mga mata ko para mabawasan ang nararamdaman kong sakit. Naiintindihan ko na ang kondisyon niya, magiging isa akong prey habang siya ang aking predator.

≠ ≠ ≠ ≠ ≠ ≠ ≠ ≠ ≠ ≠

A/N

Kawawang Yuri.. naging pagkain na lang ni Papa Tyller :((

My Vampire BossDonde viven las historias. Descúbrelo ahora