Chapter 3 (Ooopss Sorry)

9.2K 306 5
                                    


CHAPTER THREE

- - - - - - - - - - - - - - - - -

Yuri POV;

Nagising ako sa narinig kong mga kaluskos sa may kusina. Madilim na pala..Nakatulog siguro ako kanina pagkatapos kung maglinis ng bahay. Pero sino kaya ang tao doon.,? baka ang amo ko? pero bakit hindi bukas ang ilaw eh ang dilim dilim,, bka naman multo o baka ... O.O

baka....

baka..

magnanakaw...

waaaahh Lord wag naman po sana..

Ano bang gagawin ko.. tumawag kaya ako ng mga pulis?? Ay wala nga palang akong number nila..

Bahala na..

Dahan dahan akong naglalakad papuntang kusina. Kong sino ka mang magnanakaw ka lagot ka sa akin.

Naghanap ako ng pwedeng ipalo sa magnanakaw kahit medyo madilim. Ayon..pwede ng pamalo yon..wahaha lagot ka sa aking magnanakaw ka.Kinuha ko ang may kalakihang kahoy na tinidor na display papasok sa kusina.

Tiningnan ko ang magnanakaw na kasalukuyang naglalabas ng mga pagkain sa ref. Aba ibang klaseng magnanakaw ito, mga pagkain ang gustong nakawin. Mahal ba ang mga presyo ng mga pagkaing nasa ref at iyon ang napagdiskitahang kunin niya.

Dahan dahan akong lumapit dito kahit medyo natatakot ako, mukha namang hindi nito namamalayan ang unti-unti kong paglapit sa kanya. Itinaas ko ang hawak kong kahoy na tinidor at....

1

2

3

Pinagpapalo ko ito ng kahoy na tinidor ng nakapikit habang pilit naman nitong iniiwasan ang palo ko.

"Aray ano ba.. stop it, nasasaktan ako "

May inglesero pala na magnanakaw at inuutusan pa akong itigil ang ginagawa ko.. ano ka bossing..grrrr

"Walang hiya ka balak mo pang pagnakawan ang bahay ng amo ko" pinagpapalo ko lalo ito at bigla ko na lang naramdaman ang paglapit nito sakin at paghawak nito ng madiin sa aking braso.

Napatingin ako dito at 0.O .... ang lapit lapit niya sa akin..Hindi ko mapigilan na titigan ito,,gwapo ito at hindi mukhang magnanakaw.. Teka ano bang iniisip mo Yuri magnanakaw yan..

Nagpumiglas ako sa pagkakahawak niya sa akin. "Ano ba bitiwan mo nga ako. Umalis kana dito bago kita isumbong sa mga pulis."

"Huh!? Pulis?? Nagpapatawa ka ba, ano akala mo sa akin magnanakaw?"

Ngumiti ito ng parang nkakaloloko at lalo pang inilapit ang mukha nito sa akin. "Mukha bang magnanakaw ang mukha nato?" (evil grin)

Napapikit na lang ako at.... teka bakit nga ba ako pumikit? Yong mga nakikita ko kasi sa mga palabas eh gustong magpahalik kaya sila napikit. Pero gusto mo din Yuri di ba? Hindi ah, hindi ko gusto. Ano ba namang isip ito.

Bigla nitong binitawan ang pagkakahawak sa akin at...

Booooogggg

kyaaahhh ang sakit ng pwet ko.. >_< para namang ang lambot ng babagsakan ko at bigla na lang akong binitawan ng ganun.

"Ibang klase na mga kasambahay ngayon nananakit na ng amo."

Dali dali akong tumayo " Sorry po sir, h-hindi ko naman po alam na ikaw ang amo ko. Akala ko po kasi m-magnanakaw kayo." Nakayuko ako dahil hindi ko kayang tingnan ito. Patay na, lagot ako nito baka masisanti agad ako. Napakagat labi na lang ako..hayy sana hindi ako sisantihin.

"Pssshh pasalamat ka hindi ako nasaktan. And don't call me sir , I'm your master from now on."

Nagumpisa na itong maglakad at hindi na nag abalang kuhanin ang mga kinuha nito sa ref. Ang arte sir at master parehas lang naman >_< "A-ah master gusto nyo po bang ipagluto ko kayo ng pagkain?"

Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa akin "Wag na, ikaw kainin ko jan eh, and one more thing bagay sayo ang may hawak na malaking tinidor devil girl" he smirk at nagpatuloy na uli itong maglakad paaalis.

Ano daw O.o kainin ako,! ano akala niya sa akin pagkain..at devil girl ? porket my hawak na malaking tinidor devil agad! mukha kaya akong angel pffttt..

Binuksan ko na lang ang ilaw at niligpit na ang mga pagkain nitong kinuha sa ref.

Mahilig pala sa junk foods ang amo ko. Halos ito lang kasi ang laman ng ref, may kunti lang na gulay at karne.

Pagkakain ko ay pumunta na ko sa aking kwarto. Hay nako ang lungkot naman dito. Ako lang mag isang nakain, mag-isang naglilinis ng malaking bahay na ito.

Tama si ate, magaan lang trabaho ko dito. Maglalaba lang, maglilinis ng bahay at wala na. Bakit kaya hindi nagpapaluto ang amo ko, siguro sa labas ito nakain. Masarap pa naman ako magluto sayang hindi niya ito matitikman. ^_^

≠≠≠≠≠≠≠≠≠≠

Ayan sa wakas sinipag din akong mag update ^_^

pasensya na po ngayon lang nkapag update. ^^v

My Vampire BossWhere stories live. Discover now