Chapter 2 ( Say Hi to My New Work)

13.3K 361 7
                                    


CHAPTERTWO

- - - - - - - - - - - - - - - - -

YuriPOV

Pag-kauwi ko ng school ay nagdiretso agad ako kina Erica para kumpirmihan kung may trabaho na nga ako. Nakita ko ito sa labas ng bahay nila habang naglalaba.

"Ate Erica pano yong sa trabaho ko? ^^" Ate tawag ko dito dahil mas matanda siya sa akin ng limang taon.

"Uy yuri nandyan ka na pala, pasok ka dito" tumayo ito at ipinunas ang basang kamay sa kanyang short.

Lumapit ako dito habang ngiting-ngiti parin. Excited ako eh ^^.

"Buti na lang napadaan ka, katatangap ko din lang kanina ng text sa agency na pinapasukan ko kanina. Ikaw agad ang naisip ko na ipasok sa trabahong iyon. Madali lang kasi gagawin mo maglilinis ka lang ng bahay at iisa lang ang magiging amo mo. Nasa ibang bansa kasi ang pamilya non at minsan lang magsi-uwian." ^^

"Talaga ate!! Thank u Lord ^___^ mapapadali ang pagtatrabaho ko ng kunti"

"Stay in yun kaya dapat madami kang dalang damit. Kapag Linggo ka lang pwedeng umuwi sa bahay niyo ha. Magpakabait ka at nakakahiya sa nagpapahanap ng trabaho sa akin."

Si ate talaga parang Nanay ko eh.,. hahaha "Promise ate mabaet to ^^" Itinaas ko pa ang kanang kamay ko na paran namamata. ahahaha si Honesto kaya ako xDD

"Pero ate matanong ko lang, babae ba yong pagsisilbihan ko?"

" Yan ang hindi ko alam, baka magbabaka-sakali ka pa kong papasok ka o hindi dahil lang diyan. Madaming naghahanap ng tarabaho ngayon, buti nga naipasok kita kahit hindi ka pa 18. Alam ka naman ng Nanay mo diba?

"OO naman ate" Bahala na nga, magtatrabaho lang naman ako eh wla akong pakialam kong babae o lalake man ang magiging amo ko. *pout*

"Ano ba schedule mo bukas? Kelangan mo kasi pumunta bukas sa bahay ng amo mo. Kelangan maayos ang schedule mo bukas dahil kailangan na talaga nila ng katulong."

"Walang problema ate ^_^ MWF lang ang pasok ko. Ginawa ko ng full load maghapon ang schedule ko para kung sakaling magkatrabaho ako ay okay lang."

"Buti nman, dalhin mo na mga gamit mo doon bukas. Sasamahan kita, sa Royal Village lang kasi yong bahay ng amo mo"

"Sige po ate salamat po ulit ^^ alis na muna ako baka kasi hinahanap na ako ni Nanay."

"Sige ingat ^^" ani Erica at umupo na uli sa harap ng kanyang nilalabhan.

Habang naglalakad ako papunta samin ay iniisip ko parin ang trabaho ko. Sa Royal Villlage daw nakatira,medyo malapit din lang yon sa aming school ah kayang kaya kong lakarin ^^. Karamihan ng classmate ko ngayon doon nakatira, halos ata dun nakatira ang mga high class kung classmate eh.

Sa wakas makakapasok na rin ako sa Village nayon doon pa ako titira... bilang katulong nga lang hehe.. pero okay na rin kung ganun atleast nakapasok..char ^_^

"Yuri saan na naman nakarating ang isip mo at nangiti ka diyang mag-isa??"

Huh ?.? Napatingin ako sa nagsalita. Si Nanay O.O ?? tumingin tingin ako sa paligid.,. Aw nasa tapat na pala ako ng bahay namin hindi ko napansin hahaha

"Nay good news ^___^" dali-dali akong lumapit kay Nanay at umupo sa tabi nito.

" Ano? tungkol sa trabaho mo?" pangunguna nito sa sasabihin ko.

Tumango ako at nagumpisang ikwento ang napagusapan namin ni Ate kanina....

" Kung bakit kasi magtatrabaho ka pa ii kaya ko pa naman magtrabaho hindi nga lang kalakihan ang kita ko pero sapat na para sa pang-araw-araw nating pangangailangan. Yan tuloy mapapahiwalay kana sa akin" sabi sa akin ni Nanay matapos kung magkwento.

My Vampire BossWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu