Chapter 17 (Lite Story of Stella and Tyller)

8.8K 313 17
                                    

YURI POV

Nasa aking kwarto ako ngayon habang nakahiga. Kanina pa ako balikwasan ng higa sa kama ko. Aisshhh bakit ba ang hirap makatulog. Yong feeling na lahat na yata ng pwesto  para makatulog na ako ay nagawa ko na but still hindi parin ako dalawin ng antok. >_< Kung bakit kasi paulit-ulit na nagpopop up sa isipan ko yong kwentohan namin ni Samantha kanina pagkaakyat nina Tyller.

Flashback

"Ano kayang naisipan ni ate Swiftie at umuwi siya ng Pilipinas. Sana hindi siya magtagal dito." Nakasimangot na sabi ni Samantha pagkaalis nina Tyller.

"Bakit ayaw mo ba sa kanya ? Mukha naman siyang mabait eh." Nakangiti kong sabi dito.

"I don't like her." Maikling sabi nito sabay nag cross arm

Sabagay tama naman si Sam, kaninang paakyat nina  Tyller ay lumingon samin si Swiftie at palihim na ngumiti sa akin ng hindi maganda. Kaninang kausap ko ito ay nanlilit ako sa ganda nito. Maganda ang hugis at kutis ng katawan, basta lahat na yata ng salitang maganda ay pweding ihambing sa kanya. Tapos yong dibdib niya... hay.. . napahawak ako sa dibdib ko.. waaahh bakit  ba kasi ako flat chested..  ang unfair naman. T_T

Umupo si Samantha sa sofa habang nakasimangot kaya umupo  na din ako. Nagsasalita kasi ito kaya nakinig na lang ako. Nagkatopak bigla.

"I hate her, kapag andito siya gusto niya lagi na sa kanya lang ang atensyon ni kuya. I remember when I was 5 years old lagi niya akong pinapaalis kapag kasama ko si kuya para masolo niya ito. She's madly inlove to my kuya. -_- "

"Baka naman nagbago na siya." I said.

"Well I hope nagbago na siya dahil hindi ako papayag na siya ang maging future fiance ni kuya."  Huh.. FUTURE FIANCE!? Ibig sabihin hindi lang sila basta magkaibigan. Halata ko naman na may gusto siya kay Tyller pero may ipagmamalaki naman pala siya dahil future fiance pala siya ni Tyller. Parang fixed marriage. I let out a deep sigh.

"Hindi naman siya mahal ni kuya eh, si ate Stella lang ang minahal niya. Akala ko happy ending ang love story nila ni kuya pero.. " She snif,, parang maya maya ay bigla na lang itong iiyak  ... " Waahhh I miss ate Stella.. K-kung buhay pa sana si Ate stella siguro.. (snif) siguro masaya pa si kuya Tyller ngayon. " Patulo na ito sa pagiiyak.

Nagulat ako sa sinabi nito. Ano daw? P-patay na si Stella?  Kaya pala ganon na lang makapagsalita sina Sky. Malalim nga siguro ang pinagsamahan nila ni Stella kaya kahit si Samantha ay namimiss parin si Stella. Nilapitan ko ito at pinatahan. Gusto ko pa sanang magtanong tungkol kay Stella pero naaawa ako dito dahil  baka lalong magiyak ito kapag nagkwento pa ito.

End of Flashback

Umupo ako mula sa pagkakahiga sa aking kama at sinabutan ko ang ulo  ko na parang baliw. Maghahating gabi na pero hindi parin ako dalawin ng antok. Paulit ulit kasing bumabalik sa isipan ko ang tungkol kay Stella. Minsan na palang nagmahal at nasaktan si Tyller. Pero panong nangyari na namatay si Stella? Aissshh ang dami kong gustong malaman.

Tumayo ako at lumabas ng aking kwarto. Tinatamad akong naglakad papuntang kusina at kumuha ng malamig na tubig. Baka sakaling mabawasan ang pag-iisip ko. Paakyat na ako ng hagdan ng makita ko si Tyller sa labas ng terrace. Ano namang ginagawa nito doon, gabi na ah.. hindi pa ba ito inaantok?      

Pinagmasdan ko si Tyller habang nakaupo at seryusong nakatingin sa kawalan. Mukhang malalim ang iniisip nito. Iniisip ba niya si Stella? I let out a deep sigh, bakit ba ako nasasaktan kapag iniisip ko ang tungkol sa kanila ni Stella. Nasasaktan akong isipin na hindi parin nakakamove on si Tyller dito kahit na wala naman akong karapatan.

My Vampire BossWhere stories live. Discover now