CHAPTER 2

1 0 0
                                    

NADATNAN niya ang ama na tila problemado na nakaupo sa labas ng bahay sa ganung kaagang oras na iyon.
"Tay mano po"
"Kumusta ang paghahanap mo ng trabaho"
Umupo siya sa tabi nito.
"Wala po akong nakuha"
"Hindi makatwiran ang pagkakatanggal mo sa trabaho, ano bang pakialam natin sa pinanggagalingan niya ng galit para madamay tayo"
"Masama siyang tao, mabuti nalang talaga kahit papaano hindi na matutuloy ang pagkamkam niya sa lupang sakahan"
“Sadyang mabait ang mga magulang niya na humingi pa ng tawad sa ginawa ng anak niya”
"Gagawin ko po ang lahat para makahanap ako ng trabaho para kahit papaano makatulong ako sa inyo"
"Ako ang ama kaya wag kang mapressure sa pagtulong samin, dapat nga may asawa ka na dahil hindi ka na rin bata, sobra sobra na ang ginagawa mong pagtulong sa amin. Ang kuya mo ay nagsarili nang buhay kaya alam kong mabigat sayo na mag-isa lang umaalalay samin"
Umakbay siya sa ama.
"Dahil mahal na mahal ko kayo, never akong nag-isip na pabigat kayo sakin"
"Ikaw talaga"
Nagkaroon ng lakas ng loob si Nancy para tawagan si Julius about sa trabahong iaalok nito.
Sa isang mamahaling restaurant pinili ni Julius makipagkita kay Nancy, dahil kapos sa buhay hindi naman siya nakakapasok sa ganung kamahal na restaurant kaya hindi niya alam ang gagawin, may nakareserved nang seat para sa kanila kaya doon na siya nag-antay. Hindi naman ganun katagal ang naging pag-iintay niya ay maya maya pa ay dumating din ito.
"Matagal ba ako?"
"Ay hindi po, kakarating rating ko lang din"
"Anong gusto mong kainin?"
"Kumain na ako bago pa ako pumunta dito"
"Sige ako nalang ang oorder"
Hinayaan niya munang umorder ito bago niya kinulit sa trabahong sinasabi nito.
"Bakit ba kailangan dito pa tayo mag-usap"
"Hindi pa kasi ako kumakain, alam mo naman si Mr. Dominguez hindi siya basta bastang amo"
"Paano ka nakakatagal sa kanya?"
"Mataas siyang magpasahod sakin kaya nagtiyatiyaga ako sa kanya"
"Totoo bang iniwan siya ng asawa niya"
"Sa pagkakatanda ko hindi yan ang dapat pag-uusapan natin" nakangiti nitong sabi
"Ay sorry sobra na ba"
Dumating ang order nito na pati pala siya ay inorderan nito.
"Wala po akong pambayad sa pagkain dito Sir"
"Hindi naman kita sinisingil, ayoko namang ako lang ang kakain mag-isa. Ako naman ang nagyaya kaya ako ng bahala."
"Salamat po!"
"Buti hindi ka nagdalawang isip sa pagtawag sakin"
"Wala naman akong balak pero kasalanan niyo kung bakit ako nawalan ng trabaho"
"Pero wag kang magalit sakin kasi nautusan lang naman ako"
"Alam ko naman iyon pero masakit ka rin magsalita"
"Trabaho lang iyon"
"Ano bang klaseng trabaho ang sinasabi mo?"
"May ideya ka ba kung ano?"
"Paghuhulain mo pa talaga ako"
Napangiti ang lalaki sa sagot niya. Nanibago siya na makita itong nakangiti kaya medyo ikinagulat niya ang reaksyon nito. 
"Parang nagulat ka"
"Muka ka palang mabait kapag nakangiti ka"
"Mabait naman talaga ako Miss, hinusgahan mo na ako agad dahil sa pinakita ko sa inyo"
"Mabuti naman at hindi mo ginagaya ang amo mo, Bakit nga pala ikaw ang nagsundo sa bata kasama ba iyon sa trabaho mo"
"Halos lahat na trabaho ko hindi lang about sa opisina. Yung yaya ni Paulo sinisante na ni Boss kaya walang ibang susundo sa kanya"
"Taga San Rafael din ba ang yaya niya"
"Hindi, Pero ayaw ni Boss ang pinakikialamanan siya kaya tinanggal niya. Kaya kailangan kita"
"Kailangan mo ako?"
"Bilang yaya ni Paulo"
"Ano?"
"Magkasundo naman kayo ni Paulo kaya hindi naman magiging mahirap sayo"
"Okay lang sana pero ang makita araw araw ang Boss mo yan ata ang hindi ko makakaya. At akala ko ba bawal ang taga San Rafael"
"Alam ko iyon pero wala akong choice hindi lang naman paghahanap ng yaya ni Paulo ang trabaho ko kaya mahirap talaga lalo pa at kilala si Mr. Dominguez sa pagiging strict"
"Mukang hindi ko matatanggap yang inaaalok mo paano kung malaman niyang taga San Rafael ako, tiyak pahihirapan niya ako"
“Kung ayaw mo hindi na kita pipilitin, sabagay tama ka kahit siguro ako ang nasa kalagayan mo hindi rin ako sasang-ayon. Pero kung trabaho ang nais mo makakatulong talaga sayo, mataas ang sahod, magandang benepisyo. Hindi naman kayo magkikita ni Boss dahil laging nagoovertime iyon sa office”
      "Hindi mo ako pinipilit niyan ha"
      "Kapag pumayag ka hindi ko ipapaalam na taga San Rafael ka"
      "Alam mo ayoko talaga pero kapag ganyan ka mamilit pakiramdam ko dapat kong subukan"
      "Talaga papayag kana"
      "Susubukan ko lang kapag ayoko na aalis din ako"
     "Salamat"
    "Pasalamat ka at kailangan ko ng trabaho at naaawa ako sayo"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MAID FROM HEAVENWhere stories live. Discover now