CHAPTER 1

1 0 0
                                    

NAGKUKUMPULAN ang mga kababayan niya na ipinagtaka niya kaya lumapit siya sa mga ito.
"Anong nangyayari  dito?" tanong ni Nancy sa mga ito
"Ang anak ng may-ari nitong lupa gusto raw tayo palayasin" sabi ng  isa
"Pag nangyari iyon, wala na tayong pagsasakahan" galit na galit na sabi ng isa
"40 years na itong pinabayaan, Tapos babawiin na lang bigla" mangiyak- ngiyak na sabat ng isa
Maya maya pa may napansin ang lahat na paparating na kotse. Huminto ito sa harap nila, Napaisip ang lahat kung sino ang  nasa loob ng kotse.
Unang bumaba  ang driver para pagbuksan ang  likurang pintuan ng sasakyan. Lumabas sa kotse ang nakaamerican suit na lalaki, Napakunot ng noo ang mga taga San Rafael.
"Anong kailangan niyo?" usisa ni Nancy, saglit siyang nginitian ng lalaki
"Ako si Mr. Ramirez, sekretarya ni Mr. Dominguez na may-ari ng sakahan niyo"
"Balak niyo ba kaming paalisin" sigaw ni Mang Sebastian tatay ni Nancy
"Ganun na nga ho! kailangan niyo na pong umalis dahil ang amo ko po ay may ibang plano para sa lupang ito. Simulan niyo na pong gibain ang mga bahay niyo na pag-aari ng mga Dominguez. Sa susunod na bumalik ako dito dapat wala na kayo"
"Ang kapal ng muka mo" itinaas ang hawak na itak balak sanang itakin ang sekretarya ni Mang Sebastian pero naunahan siya ng driver nito sa pag-tutok ng baril
"Tayo na" sabi pa ng sekretarya ng may-ari sa driver
Naiwan sila ng pangamba na mawala ang kanilang kinalakihan.
"Tay paano na tayo?" pag-aalala ni Nancy
"Hindi tayo aalis dito, ipaglalaban natin ang karapatan natin" paninindigan ni Sebastian
"Tama" sigaw ng lahat
Nang gabing iyon balisa pa rin si Sebastian kasi kung halimbawang mapaalis sila, wala silang lilipatan. Ama si Mang Sebastian nina Norman, Nancy, Nelson at Noriel. Halos dito na siya nagkaasawa, kaya hindi niya kakayanin kung mapapaalis sila dito.

"BOSS bakit po ba biglaan?"
"Hndi ito biglaan, kung tutuusin matagal na panahong sila na namalagi sa lupa ng mga magulang ko. Ang tigas ng muka nilang umangal, Bwisit talaga ang mga patay gutom na mga yan. Isa pa nga pala, lahat ng taga San Rafael na nagtatrabaho sa Department store at Hospital tanggalin mo na"
"Pero Boss karamihan doon ay taga San Rafael"
"Edi maghanap ka ng kapalit"
"Yes sir" kahit labag sa puso ang pagsang- ayon sa Boss
"Tignan ko lang kung anong gagawin nila"
Binusog ng alak si Ramil ng gabing iyon, Sanay na marahil ang buo niyang katawan sa araw araw na inom. Puno ng kalungkutan at poot ang puso niya dahil sa pagkawala ng asawa na inaaasahan niyang babalikan siya.
Hindi nagpatinag ang mga taga San Rafael sa banta ng may-ari ng lupa at sinugod pa ang may-ari sa bahay nito mismo kahit pa harangin ng mga gwardiya ng subdibisyon.
"Sir ang mga taga San Rafael po”
"Hayaan mo silang mag-ingay  kahit anong gawin nila ay wala akong pakialam”
Pinadampot sila palabas ng subdivision dahil sa ingay nila. Galit na galit ang lahat kay Ramil sa mga desisyon niyang labag sa karapatang pantao.
“Mayroon nakapagsabi samin na ang dahilan daw ng mainit na dugo nitong si Dominguez sa atin ay dahil pinagpalit daw siya ng asawa niya sa isang taga rito” Kwento ni Sebastian sa asawa
“Bakit kailangan lahatin niya” si Natalie asawa ni Mang Sebastian
“Ay naku wala akong pakelam sa buhay niya, kailangan kaming kumilos kahit kaylan na napakasama ng mga mayayaman”
Isang Saleslady sa isang Department store si Nancy, sa kanilang magkakapatid siya ang inaasahan, ang Kuya niya kasi ay nag-asawa na at kapwa mas bata pa ang mga kapatid niyang sina Noriel at Nelson.
Nais niya na rin magpakasal sa longtime boyfriend niya kaso iniisip niya ang mga magulang.

SINUNDO na nang Driver at Yaya ang kaisa isang anak ni Ramil sa eskwelahan. Dumaan sa San Rafael ang sasakyan kung saan sila inabutan ng mahabang trapiko. Dahil na rin sa inip binuksan ni Luis ang stereo ng sasakyan na may malakas na volume na sinasabayan pa nito ang kanta.
“Luis hinaan mo naman nabibingi kami”
“Mag-enjoy nalang kayo. SA ILALIM NG PUTING ILAW” todo bigay na pagkanta pa nito
“Bigla tuloy akong naiihi, Saan kaya may CR” luminga linga sa labas ng kotse sa di kalayuan basketball court ang naroon
“Dyan ka nalang sa labas” biro pa ng Driver
“Ikaw talaga, dyan lang kayo. Maghahanap lang ako ng CR” Lumabas sa kotse ang Yaya
Naingganyo si Paulong sumali sa mga batang naglalaro sa court ng Basketball. Lumabas siya ng di napansin ng Driver na abala sa pagkanta.
Pag-apak palang niya sa court pinagtinginan na siya ng mga naroon natigil ang laro.
“Alam ko iyan ang anak ni Mr. Dominguez” bulong ng isang ale sa kasama na napadaan sa court
“Pwede po bang sumali?” nakangiting bungad ni Paulo
Masamang tingin ng mga ito ang ibigay sa kanya.
“Ano! Gusto mong sumali bata” maangas na tanong ni Nelson
“Marunong naman ako” sagot niya
“O sige eto saluhin mo” binato ni Noriel, sinadyang sa muka ito patamaan
Napaupo ang bata na dahil ng pagdugo ng ilong nito.
Malakas na tawanan ang naging tugon ng mga ito sa kaniya, hindi na napigil ni Paulo ang sakit na natamo niya at napaiyak nalang
“Bakit?” tanong niya
“Masama ang tatay mo”
“Hindi Bad ang Daddy ko” hagulgol pa nito
“Nelson, Noriel anong nangyayari bakit pinapatulan niyo ang bata” saktong napadaan si Nancy sa lugar 
Lumapit kay Paulo, inalalayang makatayo ang umiiyak na bata.
“Bakit anong ginawa sayo? Huwag ka nang umiyak”
“Ate anak yan ni Dominguez” sagot ni Noriel
“Eh ano”
“Ate kinakampihan mo pa siya”
“Umuwi na nga kayo, bata dumudugo ang ilong mo sumama ka sakin gagamutin kita”
Sumunod sa kanya ang umiiyak na bata.
Dinala ni Nancy ang bata sa Park malapit doon para gamutin.
“Masama po ba talaga Daddy ko?” tanong nang bata na tumigil na sa pag-iyak
“Ah eh”
“Oo masama siya” sabat ni Troy nobyo ni Nancy na kararating lang sa lugar
“Troy!” tutol ni Nancy sa pahayag nio
“Bakit totoo naman, maaari kayong mapaalis sa lupa niyo dahil sa kanya”
“Tumahimik ka na nga. Umalis ka nga muna please”
“Oo na aalis na”
“Ano nga palang pangalan mo?”
“Paulo po”
“Paulo alam mo di naman ganun ka bad ang Daddy mo”
“Pero galit po sa kanya ang mga tao”
“Di bale na! Mabuti pa umuwi ka na. Ihahatid kita”
Inihatid niya ang bata sa nakaparadang sasakyan kung saan nasalubong ang Yaya nito na halos maiyak nang makita ng bata.
Maagang umuwi si Ramil kaya pinagtaka niya ang pagkawala ng anak sa ganung oras.
“Bakit ngayon lang kayo?” matapang na salubong niya sa sala sa anak at katulong nito
“Ano po kasi” kita sa muka ng katulong ang pagkatakot
“Bakit namumula ang ilong mo?” umupo si Ramil para pumantay sa bata
“Natamaan po ng bola kanina ng mga bata”
“Sinong bata?”
“Sa basketball po sa San Rafael”
“Nakihalubilo ka sa mga taga San Rafael?”
“Galit nga po sila sakin”
“Kaya sinaktan ka nila”
“Daddy sorry po”
“Ang tigas talaga ng ulo mo! Paano kung dinukot ka nila” pagtataas ng boses ni Ramil
Hinablot niya ang braso ng anak
“Yaya ang sinturon”
“Po? Pero”
“Bilis”
“Opo”
Walang anong pinalo ang bata kahit pa malakas ang pag-iyak nito na nagmamakaawa sa ama.
“Bakit ba ang kulit kulit mo”
“Sir tama na nasasaktan na po ang bata”
“Yaya Doray huwag kang makialam”
Inagaw ng katulong ang bata sa pagkakahawak niya.
“Ginagalit mo talaga ako”
“Sir tama na po maawa na po kayo”
“Ganun ba. Mabuti pa siguro magbalot balot ka na, hindi ko kailangan ng katulad mo sa bahay ko”
“Pero Sir Paano si Paulo”
“Di mo ba ako narinig. Kunin mo na ang lahat ng gamit mo umalis ka na”
“Parang awa niyo na Sir”
“8 years kalang nagtrabaho dito akala mo na maaari ka nang makialam”
“Sir pakiusap”
“Aakyat kami sa kwarto at sa pagbaba ka dapat wala ka na ayokong ako pa ang magkaladkad sayo palabas ng bahay ko”
Hinablot niya ang kamay ng bata paakyat.
“Yaya!!!” hagulgol ng bata dahil sa pag alis ng katulong

NALAMAN ng ina ni Ramil ang nangyari kaya ng kinaumagahan dumaan ito sa opisina niya.
“Mom anong ginagawa niyo dito?”
“Kailangan nating pag-usapan ang nangyari kagabi”
Naupo ito sa couch sa opisina, naupo siya sa katapat na couch
“Ano ba yon”
“Bakit mo pinalayas si Yaya Doray? Napabait niya”
“Masyado siyang pakialamera”
“Dahil sinaktan mo si Paulo. Hindi ka ba naaawa sa apo kong lagi mo nalang sinasaktan”
“Nakapagsumbong pa talaga ang matandang iyon sa inyo” tukoy kay Yaya Doray
“Maawa ka naman sa apo ko, hindi ka namin pinalaki ng ganun”
“Gusto kong malaman ni Joyce na kailangan siya ni Paulo”
“Pwede ba kalimutan mo na ang babaeng iyon. Iniwan ka niya para sa ibang lalaki”
“Huwag niyo akong diktahan sa gustong gawin”
“Anong karapatan mong sagutin ako nang ganyan”
“Huwag niyo na akong pakialamanan”
“Kukunin ko na si Paulo sayo”
“Hindi ako papayag”
“Hindi mo ba naisip baka matrauma siya dahil sa pagmamalupit mo sa kanya”
“Gusto niyo bang mabaliw ako kapag kinuha niyo siya sakin”
“At isa pa pala tigilan na mo na ang pagkamkam sa lupa ng Taga San Rafael, ibinigay na namin ng Dad mo ang lupang iyon sa kanila. Tigilan mo na ang mga tao roon dahil kami na ang makakalaban mo”
“Masyado kayong mabait”
“Ramil irespeto mo sila di nila kasalanan ang naging kapalaran mo.”
“Kung iyan ang gusto niyo”
“Miss na miss ko na ang anak kong si Ramil”
“Lahat ng tao nagbabago. Mabuti po siguro umalis na kayo”
“Mangako kang hindi mo na sasaktan si Paulo”
“Opo”
“Aalis na ako”

Nakatanggap ng masamang balita si Nancy na magbabawas ng empleyado ang mall na pinagtatrabahuhan niya na pag-aari ng Dominguez kaya maaaring may kinalaman ito sa pagkakatanggal nilang taga San Rafael.
Malungkot niyang hinarap ang nobyong nagsundo sa kanya sa huling araw niya sa trabaho.
“Babe bakit ganyan ang muka mo”
“Wala na akong trabaho, bwisit talaga ang Dominguez na iyon”
“Sobrang sama niya talaga. Hindi bale magsama nalang tayo para ako nalang bubuhay sayo”
“Paano mo gagawin iyon samantalang messenger ka lang tapos nagpapadala ka  pa sa probinsiya niyo”
“Gusto kong magsama na tayo”
“Kailangan ako ng pamilya ko maging ikaw din”
“Ako maiintindihan nila kapag nag-asawa na ako, ayaw mo lang ata talaga, hindi lang naman ikaw ang anak para ikaw ang sumalo sa kanila”
“Troy naman”
Hindi na nagsalita ang nobyo na halatang masama ang loob.

"ATE!!!" tawag ng bata kay Nancy ng magkita sila sa labas ng eskwelahan
Nagpunta siya roon upang mag-apply sana kahit janitress lang pero dahil na rin mataas na eskwelahan ay hindi basta basta kumukuha ng high school lang ang natapos, kahit sana college level ay tinatanggap. Hindi niya alam kung anong reaksyon ipapakita sa bata samantalang ang ama nito ang dahilan bakit wala siyang trabaho ngayon.
Patakbong lumapit ng nakangiti ang bata.
"Ate nice to see you po!" nakangiti nitong bati
Napangiti nalang siya sa matamis na ngiti nito.
"Pauwi ka na ba?"
"Opo"
"Nasan ang Yaya mo baka hanapin ka"
"Galit po ba kayo?"
Mukang napansin nito ang malamig na pakikitungo niya.
"Halika upo muna tayo" yaya niya sa upuan doon
"Bad po ba talaga ng Daddy ko!''
"Hindi naman, kasi kung bad siya dapat hindi ka niya love"
"Bad nga po siya dahil lagi niya na lang po ko pinapalo"
"Ano? bakit naging  makulit ka ba? Pero kahit makulit ka wala siyang karapatan na saktan ka. Yung mama mo nasan siya?"
"Iniwan na po ako ng mama ko kasi hindi niya daw ako mahal" kasabay ang pagtulo ng luha
Sa ganung edad ay nakakaranas na ng kabigatan sa dibdib ang bata, wala na siyang nagawa kundi yakapin ito. Kahit pala sa anak nito ay malupit ito kaya marahil iniwan din ito ng asawa.
"Pwede po bang isama niyo nalang ako sa inyo"
Humiwalay siya pagkakayakap, pinunasan niya ang mga luha sa pisngi ng bata.
"Hindi pwede kasi hahanapin ka ng Daddy mo"
“Paulo!" tawag ng lalaking papalapit sa kanila
"Anong ginagawa mo sa kanya?" matapang na tanong nito
"Muka ba akong may ginagawa, Dapat ako ang magtanong niyan kung ano ang ginagawa ng amo mo sa anak  niya"
Diretsa niyang sabi sa sekretarya ng ama ng bata.
"Kilala kita ha, di ba taga San Rafael ka"
"Eh ano naman kung taga roon ako papaalisin mo rin ako  dito ha"
"Kaya ba gusto mong gumanti sa pamamagitan ni Paulo?"
Napatayo siya sa sinabi nito.
"Mr. Secretary hindi kami katulad ng iniisip mo. Concern lang ako sa bata, kahit  anak niya pa wala siyang karapatang saktan ito"
"Bakit ba concern ka sa batang anak ng may-ari ng lupang ipinaglalaban niyo"
"Dahil tao ako hindi katulad niya asal hayop hindi niya man lang naisip na may pamilya kami para tanggalan ng trabaho." nanggagalaiti niyang sabi
Pansin ni Julius ang pagnakaw nila ng pansin sa mga magulang at estudyante na hindi maiwasang mapalingon sa usapan nila.
"Aalis na po ako"
"Sandali Miss, gusto kong malaman kung gusto mo ng trabaho?"
"Ha?"
"Alam ko wrong timing pero urgent na ito patay ako nito kay Boss kung hindi ko maaccomplish ang pinapagawa niya sakin"
"Ha? Hindi kita maintindihan"
"Bibigyan nalang kita ng calling card tawagan mo ako kung gusto ng trabaho"
"Anong klaseng trabaho?"
"Basta" abot ito sa calling card na tinanggap niya
Naiwan siya ng pag-iisip kung anong klaseng trabaho iyon.

MAID FROM HEAVENWhere stories live. Discover now