Sumunod na pumasok si Mayor na kasabay si kuya Arman.






Nanlaki ang mga mata ni papa at mama nang makita ang kalagayan ni kuya Arnel at Arnie. Ang kaninang mga galos na nakita ko sa kanilang siko at labi ay nadagdagan.






Ni-hindi ko na makilala ang mga mukha nilang dalawa kaya labis na lang ang pag-aalala ni kuya Arman.






"Anak! Anong nangyari?!" Natatarantang tanong nila mama at mabilis na dinaluhan sila kuya.






"Si R-Rosi..." Nanghihinang wika ni kuya Arnel.







"M-Ma, ilayo niyo dito si R-Rosi..." Tugon naman ni kuya Arnie.






"Sinong gumawa sa inyo niyan? Tangina papatayin ko!" Sigaw ni kuya Arman.






"Step back, I'm a doctor." Sabat ni kuya Maximo, inutusan niyang ihiga sila kuya Arnel at Arnie sa sahig upang matignan niya.






Agad akong lumapit upang tignan ang kalagayan nilang dalawa.






"Two broken ribs." Wika ni kuya Maximo nang matignan si kuya Arnie.






"Diyos ko po, ang mga anak ko..." Wika ni mama.






"Three broken ribs." Wika ulit ni kuya Maximo nang matignan naman si kuya Arnel.






"P-Pa, kailangan niyo ng m-magmadali... I-Ilayo niyo na si Rosi!" Mabigat ang paghinga ni kuya Arnel habang nagsasalita.






"I'll call an ambulance." Ani kuya Lazarus at lumabas ng opisina.






"What happened?" Tanong ni mayor nang lapitan sila kuya.






"M-Mayor... T-Tulungan mo kami, p-pakilayo ang kapatid namin d-dito..." Ani kuya Arnie sabay hawak sa kamay ni mayor na parang nagmamakaawa.






"Ano ba kasi ang nangyari? Bakit kayo nagkaganyan?" Tanong ni mama sa kanilang dalawa.






"M-May dumating na mga armadong lalaki sa p-pier kanina. A-Alam nilang nasa atin si Rosi, i-ilayo niyo siya.." sagot ni kuya Arnel.






Agad siyang pinigilan ni kuya Arman sa pagsasalita sa pag-aakalang walang pa akong alam sa nangyayari.






"Kuya, alam ko na." Tugon ko.






Napatingin silang tatlo sa akin ng may pagtataka pagkatapos ay tumingin kay mama at papa.






"Alam na niya." Wika ni papa.






"Hindi n-na siya pwedeng magtagal dito, k-kailangan na niyang umalis. M-Mayor, pakiusap... Ilayo mo ang kapatid ko dito." Pakiusap muli ni kuya Arnel.






Tumango si mayor, "I will help you, don't worry." Tugon niya.






"S-Sige na, kunin niyo na s-siya..." ani kuya Arnie sabay bahagyang pagtulak sa akin.






"K-Kailangang walang makaalam na buhay k-ka, Rosi... Pakiusap, itago niyo siya..." wika ni kuya Arnel bago tuluyang mawalan ng malay. Saktong nakarinig kami ng sirena ng ambulansiya sa labas.






Hinawakan ni mayor ang pulsuhan ko, "Let's go." Aniya.






"T-Teka, sila m-mama..." wika ko.






PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon | Hatred ShotWhere stories live. Discover now