Chapter 9: Ate

295 17 0
                                    

Chapter 9: Ate

"SALAMAT, Davina. Mabait ka at isang tapat na tao. Bihira na lang ang taong katulad mong hindi nasisilaw sa malaking halaga ng pera dahil kung iba siguro ang nakapulot ng wallet ko. Malamang ay hindi na ito makabalik sa akin o di naman kaya ay maibabalik sa akin pero wala ng laman." nakangiting sabi ni Leigh kay Davina.

Nagkaharap na nakaupo sila Davina at ang babaeng nakahulog ng wallet na napulot ng anak ni Davina. Nagpakilala na ang dalawa sa isa't-isa at napag-alaman ni Davina na Charleigh Forniverra ang tunay na pangalan nito at single parent rin katulad niya.

"Mahirap kami at kapos sa pera pero hindi ko pakakainin ang anak ko ng galing sa pera na hindi ko naman pinaghirapan o galing sa nakaw. Kung kinakailangan kong magpakanda-kuba sa pagtra-trabaho ay okay lang, basta galing sa pinaghirapan ko at nakuha ko sa marangal na paraan ang perang ipapakain ko sa anak ko." sabi ni Davina na mas lalong nagpangiti kay Leigh dahil sa pag-iisip na meron ang dalaga.

"Tama iyan." nakangiting sabi ni Leigh at napatitig ito sa mag-ina ng punasan ni Davina ang nagkalat na chocolate icing sa mukha ng anak nitong si Draven na kanina pa nilalantakan ang isang malaking slice ng chocolate cake na bili niya dito dahil nakuha ng batang lalaki ang atensyon niya ng makita niya ang chinito nitong mukha.

"Ang gwapo mo talaga, baby boy." nanggigil na sabi ni Leigh at gustuhin man niyang kurutin ang mapupulang pisngi ni Draven ay pinipigilan niya ang sarili dahil baka magalit at umiiyak ang batang lalaki.

Natutuwa talaga si Leigh kay Draven dahil sa maputi nitong kulay ng balat nito na namana nito sa inang si Davina, mapulang labi at pisngi, matangos ang ilong, magagandang pilikmata at may pagkamasingkit ang mga mata na kulay tsokolate na lalong nakadagdag sa gwapuhan nito. Isa pa na para itong chinese o korean child actor na karaniwan niyang nakikita sa mga k-drama or c-drana na pinapanood niya.

Pakiramdam nga ni Leigh ay naglilihi siya kahit hindi naman siya buntis dahil nakuha talaga ng batang lalaki ang atensyon niya, na ultimo ang mga dapat niyang gagawin ay nakalimutan niya na at parang gusto na niya itong ampunin para hindi mawala sa paningin niya si Draven.

"Bilisan mo ng ubusin iyan, anak. Maghahanap pa tayo ng work ni Mama." sabi ni Davina kay Draven ng kaunti na lang ang natira sa pagkain nito.

Si Draven lang kasi ang kumain dahil hindi na siya kumain kahit ng alukin siya ni Leigh ng cake pangkunswelo nito sa pagbalik nila sa wallet nito bukod doon ay hindi siya mahilig sa matatamis na pagkain at saka busog pa siya kaya si Draven lang ang kumakain ng cake at kahit anong sabi niya kay Leigh na huwag na siyang orderan ay inorderan pa rin siya nito ng kape.

"Okay po, Mama." nakangiting sabi ni Draven bago muling ipinagpatuloy ang pagkain.

"Naghahanap ka ng trabaho?" tanong ni Leigh ng marinig ang sinabi ni Davina sa anak nito. Tumango si Davina sabay usog palapit kay Leigh ang brown envelope na nasa lamesa kung nasaan nakalagay ang resume niya.

"Oo, iyan ang resume ko. Natanggal kasi ako sa dating pinapasukan ko kaya kinakailangan ko agad na makahanap ng bagong trabaho bago pa maubos ang huling pera na natira sa sweldo ko." sabi ni Davina kay Leigh na binuksan ang brown envelope na naglalaman ng bio-data ng dalagang ina. Lihim na napangiti si Leigh ng makaisip kung sa paanong paraan niya matulungan ang mag-inang nasa harap niya.

"Meds student ka, bakit hindi ka mag-apply bilang nurse sa isang hospital?" kuryosidad na tanong ni Leigh habang binabasa ang resume ni Davina kung saan nalaman niya na nakapagtapos ng kolehiyo ang babaeng kaharap sa cursong Medical Technology at nag-aaral ngayon sa isang kilalang medical school at graduating na ngayong school year.

The Doctor's True Love [DAILY UPDATE]Where stories live. Discover now