"Malamig. Yung mga puno at halaman ay lanta lahat, walang buhay. Nakakatakot." Sabi ko at bigla namang tumindig ang balahibo ko. "Yung nandito sa mundong ito, kaparehas ng nasa mundong iyon. Lahat ay walang buhay tapos may nakita akong nag-uusap na dalawang lalaki sa labas."

"Mga Ymir." Sabi ni Rangel.

"Ymir?"

"Oo, mga Ymir. Maraming kumakalat na Ymir sa Myrln. Malalaki ang katawan, matatangkad, may kulay itim na balbas, at isang putol na sungay sa gitna ng noo." Paliwanag ni Freya.

"Oo yun nga. Ano bang nangyayari? Ano ba 'tong napasukan ko? Ano ba talaga kayo?" Tanong ko sa kanya. "Dahan dahan Scott, masasagot yan lahat." Sabi ni Tim sa akin. Napahawak ako sa balikat ko ng bigla nanaman syang sumakit.

"For sure may birthmark ka rin." Banggit ni Freya sa akin.

"P-paano mo nalaman?"

"Di mo naman makikita ang lahat ng iyon kung wala kang birthmark. Lahat ng katulad namin.. natin, may birthmark. Eto oh, tignan mo yung akin."

Ipinakita ni Freya ang kanyang birthmark na nakalagay sa wrist nya. "Buwan?"

"Yeah, crescent birthmark. Parang ang imposibleng paniwalaan na ganyan yung balat na yan pero nasanay na rin ako. Sa pagkakaalam ko, tatlo lang ang birthmark na meron sa mga katulad natin. They have an unusual shapes but those birthmarks will classify what type of Drymnt you have." Paliwanag ni Freya.

"Drymnt?"

"Yeah, more like magic. Iba lang tawag. Call it whatever you want dito sa mundong 'to. Magic, super powers, at kung ano ano pa. I have this crescent birthmark. Intelligence, beauty at may kakayahan akong makapagpagaling ng sugat, sakit, at kung ano ano pa. Kaya ko rin gumamit ng konting spells dahil napagaaralan naman yon. Except sa pagbuhay ng patay kasi, nakakadiri kaya if ever na kaya ko. Sila rin meron." Bagay lang sa kanya yung beauty dahil maganda naman talaga sya.

"Parehas kami Freya na crescent birthmark!" Sabi ni Tim sabay pakita ng balat nya sa pulso. "Mag-pinsan kasi kami ni Freya." Tumawa sya ng mahina.

Tinignan naman ni Freya si Rangel. "Oh, ayoko ipakita." Angal ni Rangel.

"Isa." Pagbibilang ni Freya.

"Seryoso ba? 'Bat ba kasi kailangan ipakita? Di ba pwedeng i-explain na lang sa kanya?" Patuloy nya.

"Dalawa."

Tinitigan ni Freya si Rangel ng masama at si Ximon at Tim naman ay nagpipigil ng tawa. "Eto na, eto na. Wag kayong tumawa dyan."

"Papayag rin pala. Ipapakita lang eh. Di naman malaki katawan mo." Sabi ni Freya.

Tinanggal ni Rangel yung butones ng uniform namin at saka ipinakita ang dibdib nya. "Ayan, masaya ka na?"

"Much better." Sabi ni Freya. "Three leafed clover birthmark. Rangel is actually a fairy. Kakaiba sila mag-isip, at mga mapanghusga." Patuloy ni Freya.

"Mapanghusga ka dyan. Ibabalik ko na 'to. I hate being fairy ugh."

Binalik na ni Rangel ang butones ng uniform namin. Si Tim at Ximon naman ay tawa parin ng tawa. "Hoy manong wrestler, ikaw na. Pakita mo na."

Ximon cleared his voice at saka na nagtanggal ng butones at saka ipinakita ang balat nya sa braso. "Lightning birthmark. Nothing special, he only have strength." Sabi ni Ximon.

"Ouch, nothing special." Pang-aasar ni Rangel. "Tanggap ka parin naman namin Ximon kaya wag kang magdrama dyan." Banggit ni Tim. Inayos na ni Ximon ang kanyang damit at saka naman sila tumingin sa akin. "Pakita na." Maangas ng pagkakasabi ni Freya. Minsan naguguluhan talaga ako kung babae ba talaga sya o lalaki.

Flynn Le CaféWhere stories live. Discover now