Chapter 19

38.9K 1.4K 915
                                    

"Loneliness can be
too heavy sometimes."

SISISIHIN ko ba ang hormones ko o ang puso ko? Hindi ko alam kung bakit para akong atat na atat na makita si Arion.

Tinatanong ko na nga ang sarili ko kung may kasiguruhan na ba na gusto ko na siya dahil sa nararamdaman ko ngayong wala siyang paramdam. Tatlong araw na ang nakalipas at doon ako tumigil kina Cath. Masaya naman dahil palagi lang kaming nagkukwentuhan. Madalas ding naroon si Aries. Dinalhan nga niya ako ng sangkatutak na groceries para daw healthy iyong kainin ko.

Hindi ko alam kung paano pasasalamatan si Aries. It's not his responsibility to worry about me dahil hindi naman siya ang ama ng anak ko. Palagi niya lang sinasabi na uncle siya ng baby ko so he will do everything for my child.

Narito ako ngayon sa Hashtag Bar because Arion is always here according to Arisse. Naging malapit na kami sa isa't isa pero hindi ko ipinaalam sa kanya na buntis ako kay Arion. Lucio asked me not to tell her for now. Basta ang sabi niya lang, alam niyang iba ang magiging epekto niyon kay Arisse kapag nalaman niyang nagpaka gago si Arion.

As usual, he's with that woman. Siguro ay girlfriend nga talaga niya iyon.

Wala naman dapat akong pakialam sa kaniya pero habang dumadaan ang araw, lumilinaw sa akin ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Totoo nga 'yung sinasabi nila na malalaman ko lang ang totoong nararamdaman mo sa isang tao kapag wala na sila sa tabi mo. And I hate myself because I think, I fell for him...

Ang bobo ko para puntahan siya kahit alam kong magmumukha lang akong naghahabol. Pero kasi, kahit anong pilit ko sa sarili ko, hindi ako matahimik kung bakit bigla na lamang siyang nagbago. Ngayon pa kung kailan buntis ako.

I took a deep breath saka lumapit sa mesa nila. Pakapalan nalang talaga ng mukha. I don't care kung isipin niyang naghahabol ako. I want to know his reasons for acting that way.

"Arion."

He stopped kissing his woman and glared at me.

"What the fuck are you doing here?"

Napalunok ako. Sanay naman ako sa coldness niya pero iba kasi ngayon. Halos wala siyang emosyon sa tuwing titingnan niya ako.

Ang bilis naman niyang magbago.

"Please let's talk."

Ibinaba ko na ang pride ko because I am eager to know his reason. Is it acceptable?

"Gosh, iba talaga ang Arion ko. Well, sanay naman akong maraming naghahabol sa 'yo. But this woman is unbelievable. Akalain mong bumalik pa. What now, ipapangalandakan mo pa rin ba na ang boyfriend ko ang tatay ng anak mo? Duh, stop being too low, girl."

Hindi niya alam kung gaano katalas ang dila ko para pagsalitaan niya ako ng ganyan. I am just trying to be calm kaya pasalamat siya na hindi ko siya feel patulan ngayon dahil ang gusto ko lang namang mangyari ay makausap si Arion. That's all.

Muli akong tumingin kay Arion na abala sa alak na hawak niya.

"Arion. Just this once." Pilit ko.

I may look desperate but I don't mind. Kapag nalaman ko ang dahilan kung bakit bigla siyang nagkaganyan, at sa tingin ko katanggap tanggap naman, I will never look for him anymore at hahayaan ko na siya.

Sa halip na sagutin ako ay uminom lamang siya ng alak. Ni hindi niya ako tinapunan ng tingin.

Lumapit sa akin ang babae niya. Tinaasan niya ako ng kilay.

"My boyfriend is ignoring you so just this once, too. Leave us alone. Don't ever come here and look for him. Please lang girl, huwag kang makati!"

Parang nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya. Anong karapatan niyang sabihan akong makati ako? Ni hindi niya kilala ang pagkatao ko.

Casanova's Club #2: Unwritten RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon