Epilogue

36.2K 1.1K 116
                                    

"ARION CHASE, isa!"

Sa halip na tumigil ay nagpatuloy si Arion sa pangingiliti sa akin. He's being playful pero naiirita ako. I am eight months pregnant at palagi akong naiinis sa kaniya.

"Dalawa?" He said and chuckles.

"Hindi nakakatuwa, Arion. Porke mataba na ako dahil buntis ako, pinaglalaruan mo nalang ako."

"Fuck, baby. Parte 'yon ng paglalambing ko."

"Ewan ko sa 'yo. Naiinis ako sa mukha mo."

"Why?" He asked.

Sakto namang nagtatakbuhan papasok ng salas ang makukulit na bata.

"Ah yeah, whenever you're pregnant, palagi kang naiinis sa mukha ko. Now I know why. Damn, they looked exactly like me." Aniya.

Nang makalapit ang dalawa naming chikiting ay ngumiti ako sa kanila. Well, totoo naman ang sinabi ni Arion. Kuhang kuha sa mukha niya ang mga mukha ng dalawa naming anak.

"Mom." Amelia sobbed.

I frowned. "O, why are you crying, Amelia? Is there something wrong? Nay nang-away ba sa 'yo sa playground?" Nag aalalang tanong ko.

"She's broken." Seryosong sagot ng panganay kong si Atom.

"Anong broken? Nabalian ka ba anak?"

Si Arion ay nakakunot lamang ang noo na nakatingin sa anak niya.

"He... he doesn't like me, Mom. He's so gwapo po and I like him so... so... I kissed his cheek but he said eww. He hates me. But why? I am pretty..."

Nasapo ko ang noo ko.

"No way. She took that from you. Damn, baby. She's too young for that." Para namang hysterical na sabi ni Arion.

"It's not because you're pretty, everyone will like you, Amelia." Sabi ni Atom. Ang matured talaga mag-isip ng panganay namin. He's already seven years old while Amelia is six.

Halos limang taon akong napahibga sa pagbubuntis dahil gusto kong pagtuunan ng pansin ang dalawang bata. Pumayag naman si Arion pero syempre papayag ba siya walang sexy night. Meron pa rin. We just controlled it para hindi ako mabuntis.

"Tama si Kuya, anak. You're so pretty so you don't have to make them like you. When you grow up, someone will appreciate not just your beauty but your existence. Masyado pa kayong bata para maintindihan ang nga bagay bagay but do not cry over a boy, okay?"

Pinahid ni Amelia ang luha niya saka tumango. "I don't like him na po. I can find more boys pa naman po."

Napailing na lamang ako. Ang batang 'to talaga.

"You're a little version of your mom, Amelia." Arion said and pinch her cheeks. "Let's go buy toys?"

"Yehey! Yes, Daddy!"

Tuwang tuwa ang bata. Si Atom ay abala sa iPad niya.

"Anak, alam mo kaka-iPad mo, baka mabilis lalabo ang mata mo."

"No, Mom. I already calculated how long I can use my gadgets in a day."

Fine, fine. Mahilig mag-aral 'tong anak kong 'to.

Amelia Chanel Roxas Palermo
Atom Chanler Roxas Palermo

I love how I and Arion build this family. Mahal na mahal ko ang mga anak ko, si Arion...

Actually, may naisip na agad kaming pangalan para sa bunso namin na nasa tiyan ko pa.

Ameer Chadwick Roxas Palermo

And yes, it's a boy again. Tuwang tuwa si Arion na naka-dalawang lalaki siya. Goal daw niyang paramihin ang mga Palermo. Kaloka, tama na!

Kapag nga dumadalaw kami sa bahay nina Catherine ay halos pag-usapan nina Arion at Lucio ang mga anak naming lalaki. Paano kasi sina Lucio, tatlo na ang anak at lahat ay lalaki. Naloka nga si Cath.

Noong nakaraan nga na gaking kami sa bahay nila, I asked Cath kung gusto pa niyang magbuntis. Parang ayaw daw niyang tumigil hangga't hindi sila nakakabuo ng babae. Mabuti nalang talaga babae at lalaki agad ang anak namin naku!

"Baby, I need to bring these two to Toy Kingdom. Wanna come?"

"Kayo nalang mag-a-ama. Masyado nang nabigat ang tiyan ko at mas gusto kong manood ng kdrama." Sabi ko.

He chuckles. "Yeah. You can't be tired. This lottle girl alone is tiresome." Aniya saka muling kinurot ang pisngi ni Amelia.

"I want a lot of barbie dolls, Daddy!"

"Seriously, Amelia? Your room is full of barbie dolls." Sabi ng ama niya.

"Dad, can we also go to bookstore? I want to buy some children books to read." Singit ni Atom.

Arion smiled. "I am glad there's my boy who loves to study. Ikaw ang magma-mana ng business."

"Ang bata bata la ng anak natin, business agad ang nasa isip mo." Suway ko.

"What, baby? Do you know what, hinahayaan na ngang manood ni Lucio si Leon ng mga documentary about business."

"Kaloka ka, huwag mo igaya kay Leon. Parusa iyon ni Lucio sa anak nila dahil pasaway."

Sakit sa ulo nina Cath and Lucio ang panganay nila. Kung gaano kabait ng pangalawa at bunso, grabe iyong panganay.

Kaya ayun, na-kwento rin sa akin ni Cath na bilang parusa, sa halip na cartoons ang panoorin, mga documentary daw. At may pa -quiz pa raw si Lucio pagkatapos.

"He's my first son. He'll be my successor of course."

"Oo nalang, Arion. Sige na, mag-mall na kayo."

"Parang mas mahal mo na ang mga koreano kesa akin, Maleha." He pouted his lip. Parang sira.

"Kahit ilan pang koreanong naka-topless ang nasa harap ko, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko, Arion Chase. Okay?"

He smiled and kissed ny lips.

"Ew! Daddy stop kissing my mom!" Reklamo agad ni Amelia.

"Yeah, yeah. She's your mom and she's my wife." Asar ni Arion kay Amelia.

Sumimangot na naman si Amelia.

"We'll go home after an hour I think. I love you, baby. I'll buy your favorite pizza."

Tunango lamang ako sa kaniya.

Pinanood ko ang mag-aama ko palabas ng bahay. They are my happiness. Nangarap ako nokng bumuo ng isang nasayang pamilya sa maling lalaki until I met Arion na hindi ko inakalangbsiya pala ang tutupad ng pangarap ko.

Hindi niya lang ako binigyan ng masayang pamilya. Minahal pa niya ako ng sobra.

Everyday, pinaghananda niya kami ng breakfast bago siya pumasok sa company at kapag uuwi naman siya, hindi pwedeng wala siyang dalang pasalubong tulad ng pagkain para sa amin.

He's the best husband to me and a father to our kids.

Sa ilang taong pagsasama namin, hindi mawawala ang mga simpleng away o tampuhan but later on, nagkaka-ayos rin kami. Kasi araw araw pinipili namin ang isa't isa. Pinipili naming pahalagahan ang pamilyang binuo namin at pinipili naming mahalin ang isa't isa.

Hindi ko masasabing swerte talaga ako but I am thankful and blessed to be Maleha Roxas-Palermo.

Sa ngayon ay hindi ko pa alam kung ano ba talagang personality ng mga anak ko. Hindi ko na nga masabi kung saan sila nagmana. Si Amelia may pagkakatulad sa akin, si Atom naman... hindi ko alam kung sino ba sa amin ni Arion ang mahilig mag-aral noong kabataan dahil sa pagkakatanda ko mahilig lang akong mangopya noong college.

Arion and I... It's funny how we started with an unwritten rule and here we are ruling our own world together.

-- THE END --

Casanova's Club #2: Unwritten RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon